Tiwala Lang 20

58 2 0
                                    

Tiwala Lang 20

Still Marion's POV

Hindi ko masyadong pinapansin si Ck dahil nga nagiguilty ako. Mga isang linggo ding hindi kami masyadong nagpansinan. Di naman siya nakahalata which is weird?

Going strong naman kami ni Plum. Hatid sundo ko na siya. Hindi ko nga ito nagawa kay Ck kahit na kami na. Yung panliligaw ko lang sa kanya ay pagbibigay ng material things.

Super nagiging unfair ako. Hindi ko magawang makipagbreak kay Ck. Kasi mahal ko pa din naman siya pero mahal ko din si Plum.

Hindi na rin ako nabibigyan ng attention ni Ck. Naging instant sikat siya sa campus kaya yung mga lalaki nakaaligid sa kanya. Tagadala ng bag niya. Bumibili ng lunch niya. Ni hindi na nga ako makalapit sa kanya eh.

--------------

After 3 months. Syempre di pa din kami ni Plum. Ramdam kong mahal niya na ako which is nice to feel kasi mahal ko na din siya.

Pero kami pa din kasi ni Ck. Pagtityempo akong makikipagbreak magiging super sweet siya or magyayayang makipagdate.

Alam kong nakakahalata na siya. Ang lakas niya lang. Hindi ko alam na makakaya niyang alam niya na niloloko ko siya. Hindi niya din sinusugod si Plum. Hindi niya ako sinusumbatan. Hindi siya nagagalit sa akin. Kaya hirap na hirap akong makipagbreak. Napakabait nilang dalawa. Hindi ko sila kayang saktan kahit alam kong ngayon pa lang nasasaktan na sila.

--------------

Accidentally nalaman ni Ck ang about sa amin ni Plum. Super stressed na kasi ako sa thesis and stuff na ginagawa namin. Hindi ko kasi magawa ng maayos dahil wala ako sa focus. Iniisip ko pa din sina Ck at Plum.

Nawrong send ako kay Ck. At ang malala ito ang nasend ko.

'Plum, miss na miss na kita. Hintayin mo lang na matapos ko itong projects namin, babawi ako sayo. Yie kiligin ka na. Sige, labyu'

Sa time pa na naging sweet sweetan ako sa text dun pa nawrong send. Naiinis ako sa sarili ko. Hindi ko gustong ganito niya malaman.

Dapat tatapusin ko muna ang thesis and makikipagbreak na talaga ako kay Ck. Si Plum na kasi talaga eh. Mahal na mahal ko na si Plum. Hindi ko na matanggi to.

"San ba ako nagkulang Marion?" seryosong sabi ni Ck.

"Ck. Hindi ka naman nagkulang."

"Kung hindi ako nagkulang, bakit nagkaganito? Akala ko ba pinsan mo lang siya?" medyo shaky na yung boses niya. No, ayaw kong marinig siyang ganito. Hindi ako makasagot

"Pinagmukha mo akong tanga. Nung una napansin kong may mali talaga eh, pero dahil mahal kita at pinagkakatiwalaan hindi ko na pinansin. Nagduda ulit ako nitong nakaraan. Naisip ko, mahal na mahal talaga kita kaya hahayaan kitang mambabae dyan basta ba sa akin ang balik mo. Pero--- pero..." pumatak na ang luha niya. Hindi ko mapigilan ang sarili kong yakapin siya. Mahal ko pa din naman si Ck. Kaso mas mahal ko si Plum. Mas mahal ko si Plum promise.

Ayaw ko lang na makikitang ganito si Ck. Hindi siya ganito, malakas siya. Hindi siya basta basta nagpapatalo.

"Bakit ang feeling ko ako ang iiwan mo? Bakit nararamdaman kong hindi mo na ako mahal? Pinabayaan na nga kita eh, hindi ako naging nagger. Hindi ako nagdemand. 2 years na tayo Marion! 2 years. Lumipat nga ako dito para mas nagkakasama tayo oh! Marion, please wag mo akong iwan," pagmamakaawa niya. Nakakaiyak siyang tignan. Nasasaktan ako dahil sinasaktan ko siya.

Naisip ko, paano pagnalaman ni Plum na may girlfriend na ako habang nililigawan ko siya? Anong magiging reaction niya? Kung ano ano naisip ko na ikinakatakot ko. Ayaw kong makita si Plum na ganito. Hindi ko talaga kakayanin. Kaya nagawa ko ang desisyon na halos pumatay sa akin.

Ang ilet go si Plum.

Pakawalan ang taong pinakamahal ko. Na isave siya sa magiging mas matinding sakit pang mararamdaman niya. Wala na akong pakialam kung ipadala nila ako sa ibang bansa. Deserve kong ilayo kay Plum. At alam kong magagalit talaga sa akin si Plum, I know sobrang selfish ko. Kaya si Ck ang pinili ko dahil alam kong di siya mawawala sa akin. Pero mas mahal ko talaga si Plum, promise.

---------------

Birthday ni Plum ngayon. Kailangan kong gawin ito ngayon. Para mas magalit siya at ayawan na ako.

"Hoy Sanchez, andyan sa labas yung anak mo!" sigaw ng kaklase kong si Marvs. Hindi pa ako handang harapin si Plum pero kailangan na. Kailangan ko ng gawin ang tama. Sana mapatawad ako ni Plum sa gagawin ko.

Medyo nag alangan talaga akong lumabas kaya inabot ng ilang minuto pa.

"Marion, andito ako," sabi niya nung nalagpasan ko siya. Plum, alam kong nandyan ka. Kahit hinga mo lang marinig ko, malalaman kong ikaw agad yan.

Tinignan ko na lang siya tsaka naglakad ulit. Kailangan kong lumayo sa classroom. Ayaw ko namang ipahiya siya sa harap ng lahat. Kakausapin ko siya sa lugar na kami na lang.

Hinabol niya ako.

"Gutom ka na ba? May cookies ako dito for you!" sabay abot sa akin ng cookies niya. Hindi ko kinuha kaya siya mismo ang kumuha sa kamay ko at pinahawak ito. Pero agad ko din namang binalik. Kahit gustong gusto ko ng cookies niya hindi ko pwedeng tanggapin.

Kailangang magalit siya sa akin. Hindi niya na dapat ako mahalin.

"Ayaw mo ba?" medyo hurt niyang sabi. "Or nahihiya ka lang? Go on take-----" iaabot niya ulit pero tinaboy ko at nahulog sa lapag. Natetempt talaga akong pulutin yun at kainin. Ayaw kong nakikita siyang nasasaktan. Pero alam kong para sa kanya din to. Mas masasaktan pa siya lalo kapag pinagpatuloy ko ito. Mas mabuti na ito.

"Plum ano ba?! Are you dumb or what?!" napatahimik siya nung sinigawan ko siya. Plum sorry na talaga! Please sorry talaga

"Hindi mo ba napapansin na ayaw kitang kausapin? Bakit ba ang kulit kulit mo? Di ba obvious na inignore kita?" Gustong gusto kita kausapin kung alam mo lang. Gusto kong kinukulit mo ako. Kung alam mo lang kung gaano ko kagusto Plum.

"Sorry na. I know pagod ka la--"

"Yes! I'm so tired. Pagod na ako sayo." kasinungalingan. Hinding hindi ako mapapagod sayo Plum

Puro na lang kasinungalingan ang lumalabas sa bibig ko. Kailan ba ako magsasabi ng totoo? Kung kailan huli na?

"Ano? Pakiulit, mali pagkakadinig ko." Mali ka talaga ng pagkadinig. Wag mong pakinggan ang sinasabi ng bibig ko. Pakinggan mo ang puso ko, yun lang ang nagsasabi ng totoo!

"Ang sabi ko, I'm tired of you. Nakapag isip isip ako nitong nakaraang araw...." nagpause ako ng sandali then, "I had my lone time. Napagtanto ko lang na, huwag na ituloy to. Na nakakapagod ka na kasama." Nahihirapan ako habang sinasabi ko ito. Pati ako nasasaktan. Parang sinasaksak ako sa puso sa bawat salitang binibitawan ko.

"No, no. Magpahinga ka na muna today Marion. Mag uusap na lang ulit tayo kapag okay ka na."

"Hindi mo ako naiintindihan P. Narealize ko din hindi pala talaga kita gusto. Kaya please, itigil na natin to."

Hindi kita gusto kasi mahal kita! Mahal na mahal. Yan ang gusto kong sabihin. Kaso hindi na pwede. Gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko kaso huli na. Gusto kong yakapin siya at sabihing joke lang ang lahat. Sabihin ko na mahal na mahal talaga kita. Kaso hindi na pwede. Napangako ko na kay Ck na hihiwalayan ko si Plum.

Dahil pinangako niya na hindi niya guguluhin si Plum. Madaming admirers si Ck, isang salita niya lang susundin na ng mga yon. Natatakot ako para kay Plum. Baka hindi ko siya maprotektahan.

Umalis na ako kasi alam kong maiiyak na ako any second. Plum, sorry na talaga. Hindi ako worthy sa pagmamahal mo. Pero tandaan mo, mahal na mahal kita.

//////////////////
Last 2 chapters to go before the epilogue. Mehe!

Tiwala langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon