Tiwala Lang 9
Masaya naman ako dun sa ice cream pero di ko nakita si Ranz!!!!! Naisahan nya ako doon ah! Daya, akala ko talaga makikilala ko na siya.
Bukas na ang christmas. Excited naman ako ah, pero hindi na katulad ng dati. I'm broken. Haha charot lang.
Hindi na tuloy mangyayari yung fantasy ko about Marion and I. First Christmas as 'lovers-kuno' namin sana to! Huhuhuhu naisip ko pa naman na kakain kami ng cake, gift exhanging, tapos magnonoche buena kami together, magkakacount down and normal na ginagawa tuwing christmas. Pero mas magiging special dahil kasama ko si Marion.
"Hoy Plum! Bumaba ka na daw dyan at aalis na tayo sabi ni Mommyyyy," sigaw ni kuya Rin. Syempre di si Kuya Renz yan dahil mas sweet sa akin yun.
"Okay, eto na pababa na nga eh," hayzxs nasira ang pagmumuni muni ko
"Bagal mo talaga as always!" Reklamo nya pagkababa ko.
"Di mo kami maiintindihang mga babae kuya," sabi ko na lang. Di ko na siya papatulan dahil papagalitan lang ako nina Mommy.
"All set? Come na or else we'll be late for the mass," Dad said. Nagdrive na si daddy papuntang church. Medyo malapit naman siya pero malayo pagnilakad.
Pagdating namin sa church medyo madami ng tao pero may vacant seats pa din. Malaki kasi tong church sa amin, nag iisa lang kasi sa lugar namin eh.
"Oh kumare, sakto at magsisimba din pala kayo," bati ng isang babae kay Mommy. Medyo familiar yung voice niya. Di ako nakatingin kasi nagmumuni muni ako.
"Syempre naman, kumpleto kami ngayong pasko eh so we have to thank God for this," sabi naman ni Mommy. Nagchika chika naman sila saglit at dun ko narealize na mom ni Marion ang kausap ng aking Mommy!!!!! It means nandito din siya!
Di pa naman nag iistart ang mass kaya nilingon ko kung saan nakaupo ang family ni Marion and saktong paglingon ko sa tapat lang si Marion na medyo malapit ang mukha dahil nakadantay ang braso nya sa benchlike(basta yung normal na upuan sa simbahan, yung may luhuran din. Alam nyo na yun!!) na inuupuan ko. Napaayos tuloy siya ng upo. Too sad
Spell kilig? Hahahaha omg di ko naman alam na nakaganung posisyon siya! Swear
"Uhmm, hi?" Sabi ko pangtanggal ng kilig. Tinanguan niya lang ako. Okay na ako doon kesa naman sa isnobin nya ako.
"Anak, lumipat ka dun sa tabi ni Plum," sabi ng Dad niya.
OH MY! Early christmas gift ba ituuu?
Lumipat silang mag anak doon sa tabi. Ang loner ko siguro tignan, wala kasing naupo sa tabi ko though ang laki naman ng space pa doon.
Ganito kasi upo namin eh.
RP* -RP -mom niya -sister niya -Marion -Dad niya -vacant seats
Kuya Rin -Kuya Renz -Daddy -Mommy -Me - vacant seats
*RP stands for random person
Makakahawak kamay ko siya sa Ama namin! Ayyy, ang bastos ko na grabe. Sorry po God! Di na po. Magbebehave na po ako
Natapos na yung mass, dinecide ng mga parentals na magcelebrate ng noche buena together. Since medyo konti lang daw naluto ng parents ni Marion, dadalhin na lang daw nila sa bahay.
Sa tinagal tagal naming magkakasama, hindi man lang kami nagkaroon ng conversation ni Marion. Awkward tuloy.
So naghiwalay muna kami dahil kukunin daw muna nila yung naluto nilang handa para dalhin sa bahay. Nung nagseparate na kami, nalonely na ako. Di man kami nag usap ni Marion, kahit yung presence nya lang nandyan nakakagaan na ng pakiramdam.