Tiwala Lang 12
Nakatulog na ako after ko mag iyak iyak nung christmas eve. Paggising ko, may regalo sa cabinet sa tabi ng kama ko. Nakalagay lang, 'sorry' di ko na kailangan pang ipagtanong kung kanino galing yon.
Up until now hindi ko pa siya binubuksan. It's been 6 months I think? Hindi naman siya pagkain dahil hindi nangamoy yung box.Medyo magaan nga siya eh. Pero kahit super curious ako sa laman di ko binuksan. Siguro mabubuksan ko lang yun kapag nakamove on na talaga ako fully.
Bakasyon na eh. Magfo-4th yr na ako.
Walang exciting ang nangyari sa past months. Sa kwarto lang ako ng new yr. Di ako umattend ng prom. Nagkulong nung valentine's, nung recognition day umattend ako saglit dahil ako ang 1st sa klase namin.
Siguro ang nag iba lang ay hindi na ako palasalita. Magsasalita na lang ako pagkinakausap. Di na ako bubbly. Di na ako makangiti ng totoo.
Super worry si Mommy and Daddy. Pati na din sina kuya. Pero ito ang way ko para makacope up sa nangyari sa akin. Siguro kailangan ko lang ng konting time na, di pa din kasi nawawala yung sakit pero I know na malapit ng mawala. Lalo na at college na 'siya'
Bukas, pasukan nanaman. Maninibago ako sa classmates ko dahil nalipat ako ng section 1. Dahil na nga sa ako ang nagtop sa section namin which is section 2. Opo, nakaarrange kami according sa grades and behaviours namin.
Ayos na din na nalipat ako, dahil yung mga classmates ko sa section 2 ay puro naawa sa akin. Pity lagi ang nakikita ko sa mga mata nila. Siyempre alam nila ang kwento namin. Saksi sila sa mga nangyari.
Btw, nagpupunta 'siya' dati madalas sa classroom pag uwian at tinatangkang ihatid ako. Parang katulad ng dati. Pero syempre ngayon di ko na siya pinapansin. Super suyo siya sa akin hanggang sa isang araw na napuno ako. Sinigawan ko siya kahit madaming tao, kahit andyan pa mga kaklase ko. Alam ko ang sama ko. Pero hindi ba mas masama siya? Sa ginagawa niyang yun mas lalo akong nasasaktan.
After that di na siya pumunta ulit. Aaminin ko umasa akong pagpapatuloy niya. Kaso bigo nanaman ako. Pero past is past. Wag ng ibring up. Kailangan kong magmove on na.
----------
Kinabukasan, nagprepare na ako for school. Pumasok na din ako ng maaga.
Pagkadating ko sa classroom, mga lima lang yung tao. Iisa lang kilala ko sa mga yon. Pero di niya naman ako kilala kaya syempre di na ako lumapit. Kung tama ako siya si Strawberry. Kilala lang talaga siya kaya alam ko pangalan niya.
Naghintay pa ako ng matagal bago mapuno ang klase at maging maingay. Lahat sila magkakakilala. Lahat sila may kaibigan. Kaya nandito ako mag isa sa dulo ng classroom. Ayos lang naman.
Maya maya dumating na yung adviser daw namin. Lalaki siya at mukhang binata pa. Nasa 20+ lang at di maitatangging may itsura. Kahit pala sa section 1 ganito ang mga babae. Nakakita lang ng pogi naglalaway na.
Sabi niya iintroduce daw namin ang sarili namin. Para daw makilala niya kami. Pero ang ginawa ko ay mag earphones na lang. Pero walang tugtog para alam ko nangyayari sa paligid.
Mga nakakasampu na ang nagsalita ng may dumating.
"Sorry I'm late! Di na po mauulit," sabi ng babaeng hingal na hingal. Pinagtawanan naman siya ng mga kaklase namin.
"Late ka nanaman Chelsea!"
"Nako suspended na yan!"Umupo siya sa tabi ko kasi dun na lang ang vacant.
"Hi Chelsea pala! Di ba ikaw yung kapatid ni Kuya Rin?" sabi niya habang nag aayos ng sarili. Tinignan ko lang siya. Nung hindi ako sumagot bigla siyang ngumiti.
"First day na first day ganyan ka na agad! Ngiti ka lang dapat! Friends na tayo ha! Ano pangalan mo?" sabi niya na lang at nagpatuloy magpaypay sa sarili dahil super pawisan siya.
"Pl--Rian. Rian ang itawag mo sa akin," sabi ko. Di na bagay sa akin ang Plum. Di na din kasi ako si Plum eh. Ibang iba na ako kaya di na ako yun.
"Ohhh. Akala ko nagstart sa P yung pangalan mo. Yun naririnig rinig ko eh. Btw crush ko yung kuya mo! Hihihi pogi niya!" ang daldal niya lang
"Miss next ka na," kalabit sa akin ng katabi ko sa right. Di bale nakaupo sa left ko si Chelsea.
Nakalagay sa board. State your name, nickname, and isang interesting fact about yourself.
"I'm Plum Rian Gonzales. Call me Rian." then umupo na ako. Eh sa walang interesting fact eh. Ano sasabihin ko? Yung lalaking minahal ako pinaglaruan lang ako? Pinaasa ako? Psh baka kaawaan lang nila ako.
"Kapatid mo ba si Kuya Rin?" may isang babae na nagsabi. Bakit ba lagi nilang tinatanong yan? Ganyan ba kakilala si Kuya? Ang pangit naman nun eh!
"Hm. Yes kuya ko siya," sagot ko dahil ayaw ko naman maging masyadong rude.
"Kyaaah! Dalhin mo siya dito minsan!"
"Swerte mo naman! Araw araw ka may kasamang pogi."
"Ano number niya?"Seryoso ba sila? Anong nagustuhan nila dun? Bukod na sa mapang aasar yun, sobrang sungit niya pa!
Pinatahimik naman sila ng adviser namin na si Sir Harvey Gomez pala. Next naman tong katabi ko nagintroduce.
"Hi, I'm Chelsea Salvador! Chelsea na lang itawag niyo sa akin dahil yun lang naman pangalan ko. Oh well, birthday ko last week! So 15 years old na ako. Mahilig ako sumayaw. Favorite color ko purple...." kung anu ano na pinagsasabi niya. Di naman siya pinatigil ni Sir dahil mukhang natutuwa siya dito. Natigil na lang siya ng magside comment yung nasa harap niya. Nagbelat naman siya dito.
Mukhang magiging magulo ang 4th yr ko kung kasama ko ang babaeng to.
"Last na tanong ko, si ate CK ba ang girlfriend ng kuya mo?" nanlumo ako sa tanong niya. CK nanaman
//////////////////////////
Aw guys remember Chelsea? Haha para madami naman siyang exposure! Di daw sapat na sa one shot lang siya. Sorry lame. Sorry filler to. Kahit ang laki ng laktaw ng time huhu may 11 chapters na lang before magend to. Woooh