Epilogue version 2

70 2 5
                                    

You can just not read this, i just felt the need to write another ending for tthis story. Haha Chinat niya ulit ako kagabi. I find it weird. Feel ko pinagtitripan niya ako. -.- so this is the second version of the epilogue, parang connected tuloy ang updates ko sa nangyayari sa akin ngayon kahit matagal ko na talagang natype ito! Enjoy this na lang :)

Epilogue version 2.0

Nandito ako ngayon sa church for a wedding. Guest lang naman ako. Hindi ko pa wedding.

Nagulat nga ako eh, this is so unexpected. Ikakasal na siya. Nawala na din kasi kami ng contact sa isa't isa eh

Dito lang ako sa labas ng church kasi mainit sa loob. Wala eh, maarte ako. Haha joke pero feel ko kasi kahit invited ako hindi talaga ako pwede sa loob.

Inayos ko ang peach colored dress ko. Ang hangin kasi sa labas eh. Buti nga lang at hindi ako nakalugay ngayon kundi haggard na ako. Di pwede yon!

Paano na lang pagnakita ako ni ano! Hahaha balik tayo sa 'ano' eh.

Tinignan ko yung pinakaharap ng church sa loob. Nakatayo na silang dalawa don na magkaharap. Siguro exchanging of vows na.

Buti na lang at nandito ako sa labas. Mukhang di ko kakayanin marinig yung mga sinasabi nila. Parang nakakaulila eh.

Nagkiss na sila. Aww, kasal na talaga siya. Wala ng atrasan yon. Saglit na picture picture then dumiretso sila ng bride palabas ng church where naghihintay ang mga tao para sa newly wed couple.

Andito ako sa sulok. Ayaw kong makita nila ako. Issue nanaman to.

Maya maya ibinato patalikod ng bride ang bouquet niya. Alam niyo na for what yon. And ang nakasalo is si Ate Ck. Yup, single pa din siya. Long story basta.

Nagpicture pircture ulit sila don. Yung ibang guest tumuloy na sa reception. Ako nagstay muna. May hinihintay ako eh.

"Rian," pagtawag niya sa akin. Napatingin ako sa kanya tapos nginitian niya ako. Aba aba, nagawa pa akong ngitian nito ah!

"It's Plum na ulit, sawa na ako sa Rian eh," sabi ko ng pabiro.

"Okay, PLUM. So how's life? Ngayon na lang ulit tayo nagkita ah. It's been so long," nakangiti niya pa ding sabi.

"Haha oo nga eh. Ang tagal na pala talaga. Parang kahapon lang yun eh," sabi ko na parang nasa malayong lugar ako

"Well, hindi mo ba ako icocongratulate?" sabi niya.

"Hindi bakit naman kita ikocongratulate?" pataray kong tanong.

"Ouch. Masakit ka pa din magsalita! Di ka pa din nagbabago Plum," sabi niya.

"Nagbago na ako. Di ba nga change is constant. Ang weird naman kung hindi ako nagbago," sabi ko.

"Well, you have a point there. Hug mo na ako! Alam ko namang kanina ka pa gustong humag eh. Baka last mo na to," pabirong sabi niya pero alam naman naming parehas na totoo yun. Last hug.

Yumakap agad ako. Parang may sumakit nanaman sa akin nung nagyakap kami. Parang tulad lang ng dati. Hinding hindi ko makakalimutan ever ang warmth ng hug niya. Mahigpit pa din, siguro dahil alam naming hindi na talaga ito mauulit. Parang sinusulit ba.

"So paano na, I have to go. Baka namimiss na ako ni Mrs. Sanchez eh," sabi niya sabay kindat at alis.

"Hoy gago saan ka pupunta? Hindi ba ako si Mrs. Sanchez? Tangna mo," sabi ko sabay habol sa kanya. Nginitian ko siya.

Tinawanan niya ako. Loko talaga to! Pinagtawanan ba ako! Nakakahurt ahhh

"Lutong mo na magmura ha Plum!" sabi niya.

"Change is constant." tapos natawa siya ulit.

"Pero seryoso Plum, aalis na nga ako," sabi niya.

"Hindi ba pwedeng ako na lang ulit?" di ko mapigilang sabihin.

"Plum, I asked you for another chance. And you gave it. But I messed up again and again. And you still accepted me. Nakukunsenya din naman ako Plum, hindi na kita kayang saktan pa ulit. And besides I'm married na oh," sabi niya. Syempre di ako naiyak. Hindi na dapat ako magpakita ng kahinaan sa harap niya.

"Marion..." sinabi ko at napalingon ulit siya.

"Hmm?"

"Are you happy?"

"Yes."

"Do I make you happy?"

"You did, Plum. You did," sabi niya. Past tense. It's all in the past.

"Does she make you happy?"

"She just made me the happiest man alive," he answered with a wide smile while looking at her. Pagkasabi niya non pumatak ang luha ko.

Even after how many years, di pa din pala nauubos luha ko para sa kanya.

"Rian..." bulong niya with sadness in his voice.

"Ay this is just a tears of joy. I'm just so happy for you. You have found a wonderful woman who'll love you more than I do. Don't ever screw up again okay? Don't ever let her go," advice ko sa kanya.

"I won't let it this time."

"So I guess this is goodbye?" pag aassure ko.

"Yup. Good bye," sabi niya at umalis na talaga.

Napahagulgol ako. I just let the man I loved all my life go. Well, to begin with hindi NA siya sa akin. Hindi ko na kasi siya napaglaban. Napabayaan ko siya kaya ang ginawa niya nagpapansin siya sa akin. Pero who would have thought na magsasawa siya? Na hindi na pala siya sa akin nagpapapansin?

Ang dami lang naming luhang ininvest sa relationship namin. At talagang puro luha. May ups din naman kami kaso mas madami lang talaga ang downs. Umabot kami sa point na suicide na lang ang katapat ng pain.

Pero hindi pa din matatanggal na si Marion ang greatest love ko. Will always be.

Nandito na pala si Chance yung hinihintay ko. Nakahug agad sa akin kasi nakita niya akong umiiyak. Ayaw niya yon. Syempre, sino ba ang may gustong makita ang mahal nila na umiiyak?

"Mommy?"

"This is nothing. I just bid farewell to your daddy," sabi ko. Si Chance pala ay anak ko, namin ni Marion. Hindi alam ito ni Marion.

"Where?" hirap pa siya magsalita. Kasi magtutwo pa lang yan eh.

"Where do you want to go? I'll buy anything you want!" sabi ko with a fake smile.

I need to be tough for my baby. Kung naguguluhan man kayo, ako din. Hahaha joke. Well, I'm 23 years old now. Naging kami din ni Marion for 5 years. 2 years na kaming hiwalay. Since nagbuntis ako di kami nagkita.Nagkababy kami, hindi niya na dapat malaman. I guess yung pagbubuntis ko din na yun ang naging dahilan sa break up namin. Lumayo ako sa kanya dahil natakot ako nung nalaman ko. Kaya ayan, fatherless ang baby ko. I just hope na masaya talaga si Marion para maging masaya na din ako

//////////////////

Tragic ending. Huhuhuhu di ko inexpect yun! Parang gusto ko ng book 2! Hahahahahahaha own request eno? So i have to say bye bye to tiwala lang. Hindi ko pa din magawan ng happy ending! Tragic pa din katulad ng akin hahahaha bitter ako grabe

Tiwala langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon