Tiwala Lang 13

79 2 1
                                    

Tiwala Lang 13

Lagi na kaming magkasama ni Chelsea. Close siya sa lahat kaso wala talaga siyang pinakafriends. Para siyang ako dati. Kaya no choice kami, kami na ang magkasama ngayon.

"Uyy, bakit ba ang tahimik mo?" tanong niya.

Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Meron ka siguro ngayon no? Hahaha okay lang yan. Ganyan din ako pagmeron ako eh!" sabi niya.

"Loko. Wala no. Di ko lang feel magsalita," sabi ko na lang.

"Alam mo sa totoo lang kilala talaga kita eh. Bukod sa kapatid mo si Kuya Rin na crush ko! Hindi ba't active ka sa dance club natin? Napapanood kita madalas eh," sabi niya. So same club pala kami? Di ko siya napapansin

"Oh? Bakit di kita nakikita?"

"Di naman ako kasing galing mo! Beauty, brains and talent eh! Nakakainggit kayo ng pamilya niyo. Bakit ang perfect niyo?" sabi niya.

"Bakit ka maiinggit sa akin? Kahit nga sa tingin mo perfect ako, naloko pa din ako ng taong minahal ko eh," bulong ko. Idk kung narinig niya. Pero base sa reaction niya, narinig niya some parts.

"Ah hehehehe alam mo ba may nakakasabay ako sa jeep na gwapo! Kaya nagpapalate ako eh kasi ganung oras madaming gwapo!" pachange topic niya.

"Puro na lang gwapo lumalabas sa bibig mo."

"Atleast hindi kabitteran!" pang aaasar niya.

Sinamaan ko siya ng tingin at natawa naman siya.

Kahit papaano magaan na ang loob ko sa kanya. Siguro kahit tarayan ko siya hindi naman meaning non hindi ko siya talaga gusto. Uyyy di naman meaning ng super broken hearted ako dahil sa kanya madidivert ang likes ko sa babae! No.

Natutuwa lang ako na may friend na ako.

"May payo ako sayo. I know na wala naman akong love life para magpayo pero ito lagi kong naririnig sa kanila eh. Kung kayo edi kayo. Hindi ko man alam ang buong kwento niyo, isa lang naman laging problema eh. Miscommunication. Napakinggan mo na ba ang side niya? Kung hanggang ngayon nagdudusa ka pa din dahil niloko ka niya it only means na may feelings ka pa. Siguro not the same as before pero ang makakapag alis ng feelings na yan eh closure. Lahat ng tao ginagawa ang mga bagay dahil may rason sila. Hindi ka naman pupunta ng palawan dahil wala lang di ba?" kahit weird yung pagkakasabi niya medyo nagmake sense naman kahit papaano.

"Siguro nga. Pero not now. Di pa ako ready. Konti pa nga lang nalaman ko sa nangyari sa amin nagkaganito na ako paano pa kaya paglahat na?"

"Okay lang yan. No need to rush!!" sabi niya.

"Malay mo magkabalikan kayo. Yiiiie!!" tukso niya sa akin. With matching sundot sundot sa side ko.

"Di nga naging kami eh!" defend ko. Pero mas nakakahiya naman yon.

"Ohhh. Kaya pala super broken hearted ka dyan! Nagmumove on ng wala namang imumove on. Hahahahahaha. Peace lang Rian!" sabi niya sabay takbo dahil hahablutin ko sana siya.

Ang kulit talaga! Hilig ng mang asar. Sayang naman yung pamysterious effect at taray effect ko nung first day.

----------

After a week. Napansin kong si Strawberry ay laging mag isa lalo na tuwing break. Kahit nung nakaraan din eh? Akala ko ba sikat yan? Siya lang ang sikat na walang kaibigan.

"Pst. Chelsea, anong mayroon dito kay Strawberry?" chismosa na ako

"Ay oo nga pala iba section mo last yr. Masyadong mahabang kwento. Wag mo na alamin dahil away bata lang," sabi niya. Loko talaga to eh.

"Eh kung lapitan kaya natin siya?" tinignan niya ako.

"What? Anong mali sa sinabi ko?"

"Akala ko ba mataray ka at walang paki sa iba? Bakit ngayon gusto mong puntahan si Berry?" tanong niya wit matching pang aasar

"Edi wag na. Kaasar to!" pagalit kong sabi. Medyo pahiya onti hahaha

"De joke lang. Tara na! Di ko pa naman masyadong nakakausap yan si Berry kahit classmates na kami last year. Ganda niya kasi eh," sabi niya. Weird nanaman pinagsasabi nito. Ano naman kung maganda si Berry? Okay lang sana kung anak siya ng presidente eh. Mas lalong nakakahiyang lumapit sa ganon.

Lumapit kami kay Berry daw. Haba ng Strawberry kaya makikiBerry na din ako.

"Hi Berry!" hyper na sabi ni Chelsea. Si Berry naman nagulat.

"Ahm hi," medyo shy na reply niya.

"Tara kain tayo sa canteen gusto mo?" yaya ni Chelsea. Tapos nginitian niya si Berry. Parang maluha luha naman tong si Berry. Weird. Madadagdagan nanaman ang weird na taong kilala ko.

"Oo naman," sabi niya at tumayo ng nakangiti. Well, ang ganda nya nga lalo na sa malapitan.

Pumunta na kami ng canteen. Pero bago kami makapunta don nakasalubong namin si Maffy, kilala ko siya kasi nagkausap kami dati and super friendly niya. Nakatingin naman si Maffy kay Berry. Tapos itong si Berry nakayuko lang. Weird anong meron?

"Lollipop," mahinang tawag ni Maffy.

Tumingin naman si Berry kay Maf. "Okay ka lang?"

"Yup. May new friends na nga ako eh," sabi niya tapos nakita kami ni Maffy.

"Uy hi. Thanks Chelsea and Plum ha? May gagawin pa kasi ako. Kayo na muna bahala kay Berry," sabi niya sa amin. Wait, anong mayron?! "Wag ka ng umiyak ha?" sabi ni Maffy kay Berry habang hawak yung pisngi ni Berry.

"Sino ba may sabing umiiyak ako? Nako, umalis ka na nga Maf. Kakain pa kami, kumain ka na din!" sabi niya na kunwari pinapalayas si Maf pero sa bandang dulo may concern yung sinabi niya pero in a tinataboy tone pa din.

Napatawa naman si Maffy.

"Eto na po, haha bantayan niyo yang si Berry ha?" sabi niya sabay alis. Pagkaalis niya napansin kong namumula tong si Berry. May sakit ba siya?

Oh! "Kinikilig ka no?" sabi ko. Bigla siyang napatingin sa akin at nanlaki yung mata.

"Uy hindi ah! Gutom lang to. Oo tama ganito ako pagnagugutom, namumula," excuse niya. Pero nagkatinginan kami ni Chelsea at alam naman na nagsisinungaling siya.

Edi siya na may love life. Nagtuloy tuloy na kami sa canteen at kumain.

Well, new found friend nanaman. Feel ko na makakamove on na ako agad.

/////////////////////

Hello sa mga nagbabasa din ng story ko na Let me be the one. Hahahaha andyan si Maf at Berry. Ehem! Anong mayron sa kanila? Hohoho

Tiwala langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon