Epilogue

78 3 2
                                    

Chinat niya ako kagabi mehehe inasar asar niya ako about sa past namin. Shocking nga na siya ang unang magchat eh. Oh well, hiningi niya number ko. Iba na thisss hahahahaha yey! Epilogue na. May 2 versions ako. This is the first one! :) enjoyyyyy

//////////////

Epilogue

Nandito ako ngayon sa church for a wedding. Guest lang naman ako. Hindi ko pa wedding.

Nagulat nga ako eh, this is so unexpected. Ikakasal na siya. Nawala na din kasi kami ng contact sa isa't isa eh

Dito lang ako sa labas ng church kasi mainit sa loob. Wala eh, maarte ako. Haha joke pero feel ko kasi kahit invited ako hindi talaga ako pwede sa loob.

Inayos ko ang peach colored dress ko. Ang hangin kasi sa labas eh. Buti nga lang at hindi ako nakalugay ngayon kundi haggard na ako. Di pwede yon!

Paano na lang pagnakita ako ni ano! Haha

Tinignan ko yung pinakaharap ng church sa loob. Nakatayo na silang dalawa don na magkaharap. Siguro exchanging of vows na.

Buti na lang at nandito ako sa labas. Mukhang di ko kakayanin marinig yung mga sinasabi nila. Parang nakakaulila eh.

Nagkiss na sila. Aww, kasal na talaga siya. Wala ng atrasan yon. Saglit na picture picture then dumiretso na ang groom and bride palabas ng church where naghihintay ang mga tao para sa kanila.

Andito ako sa sulok. Ayaw kong makita nila ako. Issue nanaman to. Haha

Maya maya ibinato patalikod ng bride ang bouquet niya. Alam niyo na for what yon. Di ko kilala yung nakasalo haha buti pa siya, may sign na. Ako wala pa :(

Nagpicture pircture ulit sila don. Yung ibang guest tumuloy na sa reception. Ako nagstay muna. May hinihintay ako eh.

"Rian," pagtawag niya sa akin.

Akala ko di niya na ako mapapansin. Nagtago na nga ako dito sa sulok eh.

"Ikaw pala."

"Ang cold mo na sa akin ha, sa bagay, dapat lang sa akin yan. Nasaktan kita eh," sabi niya with a sincere voice.

Hindi naman sa gusto ko maging ganto sa kanya. Hindi ko lang alam kung papaano ako kikilos, dahil na rin sa ilang taon na kaming di nagkikita.

Pero napatawad ko na siya. Alam ko sa sarili ko yan. Alam ko din namang nasaktan din siya sa nangyari.

"Kamusta ka na?" tanong ko.

"Syempre, masaya. Nakahanap na din kasi ako ng taong mamahalin ko at mamahalin ako," sabi niya with a sweet smile. Iisipin mong napakasaya niya talaga.

"Congrats nga pala sa wedding mo," sincere na sabi ko. Di na ako bitter

"Thank you, ikaw kamusta ka na? Wala na akong balita sayo, buti at pumunta ka sa kasal ko," sabi niya na parang nakikipagkwentuhan lang sa kaibigan. Oh well, naging magkaibigan naman talaga kami.

"Ayos lang, ito humihinga pa din," pabirong sabi ko. Napangiti siya ng malaki. Siguro gumaan ang pakiramdam niya na nakikipagbiruan na ako sa kanya.

"Nice seeing you again, oh paano, balik na ako sa asawa ko," sabi niya.

"Oh sige, alalayan na kita, baka madapa ka pa, Ate Ck," sabi ko sa kanya habang inaalalayan na ang kanyang gown.

Naglakad na kami papunta sa asawa niya.

"Congrats ulit sa inyo, una na ako," pagpapaalam ko sa kanila.

"Salamat?" sabi ng groom niya, napatanong yata siya dahil hindi niya ako kilala

Tiwala langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon