Magkasundo kami sa lahat ng bagay.
Nagkakaintindihan kami.
Masaya kami basta't magkasama kaming dalawa.
Kuntento na kami sa kung anong meron kami ngayon.
Akala ko nga forever na kami eh, pero hindi naman pala.
Sinabi niyang di niya ako iiwan, pero nagawa niya.
Naramdaman kong mahal niya naman ko.
Pero yun pala, pinaasa niya lang ako.
Masyado na ba akong nagtiwala sa kanya kaya ako nasasaktan ng ganito?
Chapter One
"PLUM! Andito na sundo mo!" sigaw ng pauwi kong kaklase.
Napailing na natatawa na lang ako sa kanila. Agad kong niligpit yung mga gamit ko at naglakad na palabas.
Paglabas ko, napangiti agad ako. Nakasandal sa tabi ng pinto yung 'sundo' ko. Nakatingin siya sa labas, pinapanood yung mga students na nagsisispag uwian na. Amoy na amoy ko yung matapang niyang pabango. Napangiti pa ako lalo dahil doon. Nag ayos pa talaga siya. Nakahawak siya sa strap ng bag niya. Mukha siyang jologs forever. Pero kahit ganyan yan, mah-- bait yan! ^_________^v
Naglakad na ko palampas sa kanya. Kunwari daw di ko siya nakita doon. Trip ko lang mang asar. Mabilis niya namang nahawakan yung braso ko kaya napatigil ako.
Nagkunwari naman akong nagulat dahil doon.
"Uy, Marion nandyan ka pala!" nakahawak pa ako sa dibdib ko, para dagdag effect sa acting ko.
Yan nga pala si Marion Sanchez. Ang dakilang sundo ko! Lagi akong inaasar ng mga kaklase ko nyan. Senior nga pala yan, samantalang junior ako. Lagi niya akong hinahatid sa bahay. Baka daw kasi madapa ako papauwi. Di ako lampa promise!
"Lokohin mo lelang mo P. Di mo na ako maloloko. Kilalang kilala na kita." napangiti naman ako nung sinabi niya yan. Nagsimula na kaming maglakad.
Ako nga pala si Plum Rian Gonzales. Katulad ng sabi ko kanina, third year highschool ako ngayon. Boyfriend? Hmmm, you can say mayroon. Tanungin niyo si Marion. Haha! May mutual understanding kami niyan. Basta sure akong may something sa amin. Hindi lang siya labeled.
P tawag niya sa akin, short for 'pangit' daw. Hindi for Plum. Pinababayaan ko na lang siya sa gusto niya. Dyan siya masaya eh. Haha
"Akin na nga yang bag mo." sabay sapilitang inagaw sa akin yung backpack ko.
"Wow ha! Ang gentlemen mo talaga eh!" sarcastic na sabi ko. Ang sakit kaya nung pagkaagaw niya sa akin nun. Epal talaga nito ni Marion forever.
"Kunwari na lang narinig ko 'Thank you Marion ah! Ang gwapo mo talaga at ang macho mo pa. I love you so much!' kaya your welcome at thankyou sa puri. Di mo na kailangang sabihin yun," mahanging sabi niya.
"HA! Sorry ka pero di yun ang sinabi ko. Never kong sasabihin yun. Asa ka naman."
"Sus, kunwari ka pa P. Sabihin mo na, the truth will set you free," pagpupumilit niya.
"Weh. Alam naman nating dalawa kung ano ang totoo eh."
"Nga naman, alam natin na patay na patay ka sa akin." aba't bakit biglang ganun? Pinag uusapan lang namin kanina yung kanarcisist niya ah?
"Really Marion? Ako ba talaga? Sino ba sa atin ang nagsabi ng 'Hinding hindi ka iiyak pag umalis ako kasi hindi naman ako aalis. Di kita iiwan Plum' ako ba?" pang aasar ko sa kanya. Namula naman siya dahil dun. Cuteee!
Naalala ko tuloy....
Flashback
Nawawala yung aso ko. Si Lavender! Si Kuya Rin kasi di marunong magsara ng gate kapag papasok eh. Ayan tuloy nakalabas yung baby ko. Paano na siya? Paano kung nasagasaan siya? Or worse may makakuha sa kanyang lasinggero tapos gawin siyang pulutan. That can't be! Nooooo!
Lavendeeeeeeeeeeeeeer!
Paano na siya? Baka nag iiyak na yun. Di niya kaya ang buhay sa outside world. Mahihirapan siya. Kailangan niya ako.
Umiiyak na ako dito.
Tinawagan ko si Marion.
"Hello?" sinagot niya agad pagkaring.
"Marion. Huhuhu. Si Lavender nawawala. Si kuya kasi eh!" pagsusumbong ko sa kanya ng nakaiyak.
"Pupunta ako dyan. Wag ka ng umiyak please? Hintayin mo ako." tapos binaba niya na nung nag ok ako.
Ilang minutes ang nakalipas nakarating naman siya. Malapit lapit lang bahay niya sa amin kaya mabilis lang siyang nakarating. Naabutan niya akong umiiyak kaya niyakap niya agad ako.
"Shhh. Mukha ka ng tanga. Wag ka ng umiyak." Ang sweet niya lang no? Dahil dun napatigil ako sa pag iyak. Napangiti naman siya dahil dun.
"Ayan, mukha ka ng tao---ouch!" binatukan ko lang naman siya kaya ganun. Sana lagi ko na lang siyang kausap sa phone para sweet naman siya.
"Walang magagawa yang pag iiyak mo dyan. Tara na," nilahad niya yung kamay niya na kinuha ko naman.
"Magtiwala ka lang P. Mahahanap natin yung baby mo," may halong pangaasar na sabi niya.
Nilibot namin yung buong village para hanapin siya. Nagtanong tanong kung saan saan. Inabot na kami ng gabi sa paghahanap. Pero wala kaming nakita miski anino niya or collar man lang. Dahil doon di na ako pinigilan ni Marion na umiyak. Niyakap niya na lang ako.
"Kapag nawala kaya ako iiyak ka din ng ganyan?" sabi niya. Hindi ako makasagot kasi nag iiyak pa din ako.
"Pero nga naman, hinding hindi ka iiyak pag umalis ako," natawa naman siya sa sinabi niya. Baliw yan eh. "Kasi hindi naman ako aalis. Di kita iiwan Plum," namula ako dun sa sinabi niya. Medyo gumaan pakiramdam ko pagkatapos niyang sabihin yun at nagyaya ng umuwi.
End of Flashback
"Shut up, P!" pikon niyang sabi.
"OMG Marion. You look so cute!" pang aasar ko pa sa kanya.
Nag asaran lang kami hanggang makauwi ako.