Tiwala Lang 14

102 1 0
                                    

Tiwala Lang 14

Dahil fourth year na kami kailangan na namin mamili kung anong program ang kukunin namin. Hard decision to dahil kailangan ng magseryoso. Hindi na pwedeng sabihin na 'babawi na lang ako next time'.

'May next quarter pa naman eh.'
'Di na kailangan magreview, wala naman sinabing quiz eh'
'Petiks lang to'

Pagbumaba grades namin saang school kami pupulutin? I know sasabihin niyong section 1 ka naman bakit mo prinoproblema yan?

Kung kaya ko namang tumaas pa grades ko bakit di ko gawin? Ayaw kong makuntento sa kung anong kaya ko lang. Sabi ko nga kanina, seryoso na dapat ito.

Nag iisip na kami ng school na papasukan nina Chelsea at Berry. Btw, 6 months na ang lumipas. Kaya super close na kami ng dalawang yan. December na ulit. Ang bilis no? Minamadali na kasi nung author yung story ko eh. Hahahaha

Well, si Berry gusto niyang magdoctor kasi alam niyo na yan good at heart. Gusto niya talagang tumulong sa kapwa niya.

Si Chelsea magdodoctor din daw siya. Yun daw gusto ng parents niya eh. Tsaka wala siyang gustong kunin kaya go with flow lang siya.

Ako? Di ko alam. Wala din akong gusto eh. Saan ba ako magaling? Hmmmmm. Wala eh. Alam ko naman wala akong future sa pagsasayaw ko, I mean hindi naman siya profession. Panghobby lang siya.

Kaya ang naisip ko sumama na lang kina Berry. Magdodoctor na lang din ako.

"Gaya na lang ako sa inyo. Mukhang masaya maging doctor eh," sabi ko. Natuwa naman silang dalawa.

"Yey! Magkakasama pa din tayo! Wait, sa iisang school tayo mag aral ah!" sabi ni Berry.

"Oo nga. Same pre med na din! Di ko kayang wala kayo guys!" clingy na sabi ni Chelsea.

"Ay parang di ko na gusto magdoctor. Mageengineering na lang ako. Para malayo sayo!" sabi ko pero alam niya namang biro lang yun.

"Alam ko naman meaning me ay 'oo naman Chelsea di ko matitiis na mawalay sa inyo kahit saglit'," pangloloko niya.

"Isipin mo na gusto mong isipin," sabi ko na lang.

"Hahaha nag aaway nanaman kayong dalawa eh. Lagi na lang oh," suway niya sa amin. Haha nanay talaga tong si Berry eh.

"Well, Berry kasi tong friend natin na si Rian ay hindi pa magpakatotoo. Ang bitter bitter lagi!"

"Anong bitter palagi? Minsan lang!" sabi ko na ikinatawa nila.

"Magmove on ka na kasi eh! Ako nga nakakamove on na eh," sabi ni Berry.

"Sinong niloko mo? Kung kay 'ano' sure akong nakamove on ka na! Pero kay 'ano the second' hindi pa! Sure na sure ako!!" pang aasar ko. Hindi dapat ako laging hot seat dito

"Puro naman ano yun Rian. Di ko nagets!" sabi ni Chelsea.

"Ewan ko sa inyo. Basta alam ko deep down nakamove on na ako," sabi niya.

Edi ako na nga di makamove on. Porket wala lang akong nagugustuhan na iba di pa ako nakakamove on. Di ba pwedeng di ko lang talaga type ang mga tao sa palagid ko ngayon? Di ba?

"Edi nakamove on na din ako," sabi ko. Di na siya nagsalita. Hahaha ang sama ko talaga.

"Pero ako di ako makamove on. Nililigawan na ako ni Blair! Hahaha after 45 years di na siya torpe!" sabi ni Chelsea.

Ilang months na din sila naglalandian nung Blair na tinutukoy niya. Di pa nga naman nakikita yun eh kaya iniisp kong gawa gawa niya lang yun. Hahahaha left out kasi, walang problem sa lalaki kaya tingin ko para makiIn lang siya.

Tiwala langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon