Tiwala Lang 7

89 3 1
                                    

Tiwala Lang 7

After nung incident sa terrace, natulog na ako agad which is mabilis lang. Siguro dahil sa lahat ng dramang nangyari ngayong araw kahit na creepy talaga ang last na nangyari.

Kakagising ko lang btw. Haha nagmumuni muni pa ako eh. Tutal naman no classes ngayon, saturday po kasi fortunately, kaya okay lang kahit hindi na ako umalis sa kamang ito.

Ngayon nagchecheck na ako ng phone. Uyyyy, 32 messages! Naks iba na talaga maganda eh. Haha parang di broken hearted eno? Ganyan talaga mga magaganda, di iniistress ang sarili sa mga ganung problems.

Chineck ko isa isa. Awtsu flood lang pala yun ng isa kong friend fa@z@. De joke lang. Hahahahaha mga late bday texts from friends and family.

Pero may isang nakakuha ng attention ko, naks!

Text ni Marion. Of course sino pa ba ang magaling pumukaw ng attention ko?

P, hbd

Yan lang laman ng text niya pero sapat na para kiligin at magkikisay ako sa tuwa. Ganyan epekto nya sa akin. Pero bigla din akong nakaramdam ng lungkot, naalala ko ulit na wala na palang kami. Well, in the first place, wala namang kami.

Pinasaya lang ako sandali. Pero syempre nagreply ako sa kanila. Yung iba generic na lang nireply ko like, 'thanks sa pagbati. Regalo ko?' pero syempre iba ang kay Marion.

Wag niyo na alamin kung ano. Bahala kayong mag isip kung no yun. Hahahahahaha

-------------------

After 3 weeks

"P, tara na uwi na tayo!" yaya ni Marion

"Wait malapit ko ng matapos to. Sandali na lang!" sigaw ko. Busy akong magpicture ng notes. Oha, akala nyo nagsususlat ako ng notes no? Di na uso yun! Hightech akong bata

"Bagal mo kahit kailan, pinaghihintay ako lagi eh!"

"Awtsu hugot! Sobrang lalim umabot hanggang core," pang asar ng mga kaklase ko.

"Loko, umuwi na nga kayo! Hahahaha tamad mo kasi P eh, inaasar na tuloy ako dito. Bilisan mo na," pagmamadali nya sa akin

"Heto na po, tapos na. Sino ba may sabing maghintay ka?"

"Gusto mo bang wag na kita hintayin? Okay lang naman sa akin, tutal matagal tagal na akong naghihintay, wala pa ring nangyayari," sabi niya.

"Yan ang hugot talaga!" pang aasar ko naman.

"Pachix ka kasi eeh!"

"Chix naman kasi talaga," tapos ngiting pangbeauty queen.

"Ewww," with suka sukahan.

"Kapal mo!"

"Hiya ako sayo eh," sabay akbay sa akin.

"HEPHEP!" sabi ko sabay pilit alisin yung kamay nya.

"Horray?" pero di pa din tinatanggal yung kamay niya.

"OMG! Hahahaha ang corny mo forever!" sabi ko pero natawa pa din dahil di makamove on. Ayyyy

"Corny daw pero natawa, baliw ka no?" sabi niya. Napatigil tuloy ako tumawa.

"Oo baliw sayo," banat ko. Wow ang bago lang eh!

"EHEEEM! Kaira, alis na tayo dito mukhang nakakaistorbo tayo eh," sabi ng classmate ko. Gosh andyan papala sila!

"Oo nga eh, Mae. Tara na, di yata nila napansin na nandito pa tayo. Naglambingan pa eh," pagpaparinig ni Mae sabay tumatawa silang lumabas ni Kaira.

Habang kami ni Marion, nakatayo lang habang nakayuko. K, pahiya kami. Eto kasing si Marion eh, pda.

"Tara na Plum." sabi ni Marion. "Uhmm Plum? Sabi ko tara na."

Wait bakit iba na boses ni Marion ngayon?

"Hoy uwian na Plum! Tulog ka pa dyan!" paggising sa akin ni Ryden seatmate ko.

"Ayy sorry. Kanina pa ba dismissal?" tanong ko. Kasi kami na lang sa room eh.

"Actually oo. Kanina pa din kita ginigising. So now na gising ka na, aalis na ako. See you tom na lang," pagpapaalam niya.

Hayyyyy. Panaginip nanaman pala. Parang totoo na eh!

Nag ayos na ako ng gamit. Pagkalabas ko ng room andun si Marion hinihintay ako na parang di niya ako di pinansin ng 3 weeks.

Pero syempre joke lang yun. Asa naman ako na mababalik yung dati. Aasa na lang ako.

Nang palabas na ako ng school nakasabay ko si Marion. Totoo na ito!!!! Promise.

Di niya naman ako napansin kasi nakaearphones siya at diretso lang ang tingin. Nga naman, bakit niya ako mapapansin? Sino ba ako?

Sumakay ako ng jeep, well I mean kami. Kasi same way lang naman kami pauwi remember? Di ako stalker okay?

Pagkasakay ng jeep bigla siyang naglabas ng phone at nagtext. Di naman ako feeler at nag assume na pinipicturan niya ako btw, sa tapat niya ako nakaupo.

Awwww sino kaya yung katext niya? Nakakaselos naman. Kunwari ako din may katext kaya nilabas ko ang phone ko at nagtext kunwari. Baka magselos din siya gaya ng nafeel ko nung nakita ko syang may katext. Kaso di niya man lang ako tignan kahit isang tingin lang. Awtsuuuu

Maya maya...

From: unknown number

Hi! :)

May nagtext talaga sa akin. Omg sino kaya to. So nagreply ako. Eto convo namin...

Me: May I know who's this po? :)

Siya: Secret. Nice english

Me: Sino nga? Pasecret secret ka pa dyan! :3

Siya: Syempre para mysterious effect ;)

Me: Weh! Sino na dali? Di kita rereplyan kapag di mo sinabi

Siya: Joke lang naman eh. Si Ranz ako, i got your number from a friend.

Me: Sinong friend? *message sending failed*

Awwww wala na pala akong load. Reg lang pala yun. Sad. Sino kaya yung Ranz? Wala akong kilala na Ranz eh!

Si Marion may katext pa din. Amp sino kaya yung katext niya? Gusto ko sana itext siya kaso naalala ko i dont have any load na eh.

*Received one new message*

From: Ranz idk

Uy bakit di ka na nagreply? Di ko alam na snob ka pala.

Hala paano yan i dont have load na. Hindi ako snob Ranz!!! Kung alam mo lang. :(

Tapos flinood nya ako. As in umabot ng 43 messages. Take note iba iba nakalagay ah. Hanga na ako sa kanya. May perseverance.

Makitext ba ako kay Marion? Nah, kapal naman ng mukha ko nun. Bayaan ko na lang tong si Ranz tutal naman i dont know him eh.

PERO SINO BA YUNG KATEXT NIYA? Nakangiti na siya ngayon.

/////////////////////////////////

Yey just updated two of my stories! I'll try updating LMBTO later. :) As I was editing this again, I notice na gumamit nanaman ako ng name na Mae. Hahaha ang hilig ko talaga sa Mae or May. Hanggang May pa kasi pasok ko eh. Huhuhu

Tiwala langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon