Tiwala Lang 17
"Rian! Help me naman! Ang gulo kasi kausap ni Marion kaya may problem nanaman kami," sabi sa akin ni Ate CK thru phone.
Well, it's been 4 months simula nung maging magbestfriend kami ni Marion. And being his bestest best friend, ako ang umaayos ng relationship nila ni Ate CK.
Yes, sila pa din. Going strong? Hahaha i cannot say. Lagi silang may away. Hindi ko nga alam paano sila umabot ng 3 years eh.
Pagkahindi sila nagkasundo sa isang bagay agad na tatawag sa akin si Ate Ck. Nakakarindi na nga ang mga daing niya. Naiintindihan ko na si Kuya Rin, siya dati ang nasa situation ko. Minsan na nga lang gusto kong sabihin na magbreak na sila eh.
Magkacollege na ako next month or so. Sama sama pa din kami nina Berry at Chelsea. At schoolmate din pala namin si Mayree. Next time na ako magkekwento about sa kanila. Stressed ako dito kina Ate Ck at Marion eh.
"Ano nangyari Ate?" kunwaring concern kong tanong
"Kasi magdedate sana kami ngayon. You know, dahil monthsary namin! And hindi niya man lang naalala. Text na ako ng text, di siya nagrereply kaya ang ginawa ko pinuntahan ko siya sa bahay nila huhuhu," pagkwento niya with iyak.
Nga pala, nakahanap na ng bagong bahay sina Tita Carmen. Mga makalipat sila after 2 months. Pero kahit 2 months na silang wala sa bahay di pa din ako nakaiwas kay Marion. Madalas pa din siya sa bahay. Ayos lang kina Mommy kasi best friend ko DAW naman na daw yun.
"Oh anong mayron sa bahay nila? May babae ba?" tanong ko. Hindi naman sa chickboy si Marion pero alam mo na hindi malabong magkaron siya g bagong babae dahil nagawa niya na dati. *ehem* at ako yun *ehem*
Ang alam ko, alam ni Ate Ck yun. Nung bandang nireject ni Marion yung cookies ko, before nung araw na yun nalaman ni Ate Ck. Kaya iniwan ako ni Marion dahil nabuking na siya. Ang alam daw ni Ate Ck na pinsan lang ako. Naniwala naman. Pero ngayon ayos na kami. Di ko lang alam paano.
"Walang babae! Huhuhu ang naabutan ko lang tulog siya. Dapat 10 kami aalis eh, anong oras na nung pinuntahan ko siya! Mga 11 na. Di na talaga ako mahalaga sa kanya. Hindi man lang siya nagsorry o nag explain. Pinaalis niya na lang agad ako huhu," pagdadrama niya pa.
"Nako sorry na talaga Ate Ck. I think kasalanan ko to. Magdamag kaming magkausap ni Kuya Marion. Hindi ko alam na may lakad pala kayo. Bandang 3 na kami natapos mag usap. Pasensya na talaga ate!" sabi ko. Eh hindi ko naman talaga alam na may date pala sila. Hindi nga nabanggit ni Marion eh
Saglit na natahimik yung kabilang linya. Akala ko nga wala na akong kausap eh.
"Ah ganon ba? Sige kausapin ko muna si Marion," sabi niya with mahinang boses. Tapos binaba niya agad eh hindi pa ako nakakapagbabye. Loko talaga yun!
Maya pagkatapos ng call namin ni Ate Ck ay tumawag si Marion. Hala, dapat tatawagan siya ni Ate Ck ha! Nako, dagdag away nanaman to.
"Uy Kuya Marion, baba mo na to kasi tatawagan ka ni Ate Ck. Tsk. Baka magalit pa lalo yun," bungad ko.
"Bakit naman magagalit yun? Di ko na nga maintindihan yun eh! Ako ang dapat magalit sa kanya," sabi niya. Wait di ko gets! Siya ang may kasalanan diba?
"Eh bakit naman ikaw magagalit? Ikaw nga di sumipot sa date niyo dapat."
"Baka may date! Wala naman kasi kaming date. Hindi pa nga kami nagkakausap since last week kasi ang busy niya lang. Alam mo na yun kung ano anong events ang sinasalihan. Kaya paano kami magkakaron ng date?" sabi niya.