21st

7 1 0
                                    

Chapter 21

Andito kami ngayon ng pamilya ko sa Northern Samar. As a celebration sa award ko. I'm in my room with my cousins and all of us are looking for a swimsuit to wear.

"Don't be too exposed, byby." I heard Race on the phone. Mabagal pa signal dito.

"Opo, sir." I said. I heard him laughing on the other line. Imbes kase na outing ang gawin nila Race ay pinagfocus nalang sila sa company.

"Is Wave still there?" he asked. He was with us. Wala namang ginagawa si Wave kundi iwasan ako. Hindi tuloy ako komportable.

"Yeah, hindi nga niya ako pinapansin." I sighed. Siya iyong pinakaclose kong pinsan kaya amboring ng buhay ko ngayon.

"Dali na, Dale!" my cousin shouted. Tumayo na ako at sumunod sa kanila.

--

The pink sand was so nice. Sobrang clear ng tubig at wala masyadong tao. Ang sarap lang maligo sa ganitong resort, since hindi crowded.

At syempre hindi naman sila lahat marunong lumangoy kaya halos lahat nagphophoto-shoot lang. Hindi ako makapag photoshoot, since bawal ko din naman ipost. Nagselfie lang ako at sinend kay Race.

Sobrang protective niya sakin. Pero ni isang beses hindi ko minasama iyon. Ewan ko ba bakit ang ibang babae nagagalit kapag pinagbabawalan ng jowa. Sana naman maintindihan nila yung nararamdaman ng jowa nila.

Mabuti nalang at ang bait kong jowa.

"Buryong-buryo ka diyan, mija?" tanong ni papa. Ngumiti ako sa kanya.

"Hindi naman papa. Nakakabighani naman kase iyong tanawin." sabi ko at ngumiti ulit.

"Kumusta pala iyong dinner kasama ang pamilya ni Race?" he asked. Hindi agad ako nakapagsalita. Never ko na kase iyon inisip ulit.

"U-Uh, maayos naman po, papa. They were suggesting na magtrabaho daw ako sa company." sabi ko. Hindi ko na idinetalye lahat ng nangyari.

"You're a princess, you deserve to be served. Not to serve someone." papa said. Ayaw nila papa na maging employee ako sa company, dahil baka daw mahirapan ako.

Mas mahihirapan ako kapag itinake-over ko iyong kompanya ng walang ideya ano ang kaganapan doon. Pero hindi ko rin naman kayang kalabanin sila papa.

Tinawag ni mama si papa. I just sighed and I stopped smiling. Nakakapagod din kaya!

Ang ganda din dito mag bahay. Iyong pagising mo ang ganda ng bungad. Kapag malungkot ka, andyan yung tunog ng alon at malamig na hangin para sabayan k--

"Ay p*tanginamo!" I shouted. Bigla kaseng tumabi saken si Wave! Hindi man lang nag iingay!

"Sobrang daydream mo na yan." and he tsked. Iyon lang naman gawain ko sa tuwing bored ako ih!

"Himala at pinansin mo na ako ngayon?" sabi ko. Sa dami kong ginawa ay ayaw talaga niya ko pansinin.

Inaalok ko siya ng pagkain, ayaw ako pansinin. Nakikipag-picture ako, ayaw sumama. Tatabi ako sa kanya, tatayo siya. Mag-iingay ako, lalabas siya ng kwarto. Kaya itinigil ko na!

"Hindi ko kase alam pano kita kakausapin." he smiled a bit. Pwede naman kase niya akong kausapin tungkol sa ket ano.

"Kahit naman nonesense sabihin mo, nakikinig padin naman ako!" sabi ko sa kanya. Ayun nakita ko ulit siyang tumawa na tunay, hindi na iyong peke.

"So, kumusta kayo nung jowa mo?" pagsisimula niya ng topic. Ang sarap pala sa pakiramdam kapag nagkakaayos na kayo.

"Okay na okay kami." sabi ko at ngumiti. Tumingin siya sa akin at parang ng aasar. He really knows me well. Halos kabisaduhin niya na reaction ng mukha ko.

Cannot BeWhere stories live. Discover now