7th

17 1 0
                                    


Chapter 7

Nauna akong pumasok sa school dahil ayaw kong makasabay si Race. Ang dami kasing umaaligid sa kanya. Natatagalan tuloy yung pagpunta ko sa room.

At dahil nauna ako. Eto ako ngayon sa room nakatungangang naghihintay kay Dice.

Me:

Dice! Where are you?

I texted her. Hindi ko alam na matatagalan pa pala yung paghihintay ko. Kinuha ko yung notebook ko at nagsulat ng kung ano-ano.

Ba't ba kasi antagal niya? Eto tuloy ako unang-unang dumating sa room. Early bird is me.

"Why are you writing my name?" gulat akong sinarado yung notebook ko. Paglingon ko ay si Race lang pala.

"Gosh! You startled me!" inirapan ko siya. Kainis hindi man lang nagsabi na abdito na siya, nahuli tuloy niya akong sinusulat pangalan niya.

Kasalanan ko bang lagi akong lutang?

"So, bakit mo nga sinusulat pangalan ko?" sinulat ko ba? Ba't di ko alam yun? Isang paraan nalang para makatakas sa kahihiyan.

"H-Huh? Sinulat ko pala?" pahmamaang-maangan ko. Sana dumala!

Linapit niya yung mukha niya sa akin. Shet! Ba't lagi niya 'tong ginagawa?

"W-Wala naman kasi talaga." sabi ko. Ngumisi siya sa akin. Ang creepy, tapon kita eh!

"Anong ginagawa niyo?" sobrang lawak ng ngiti ni Dice. Aasarin na naman ako neto!

Kailangan bang maabutan kami ng ganoon? Araw-araw na ata akong mamalasin.

"Alam kong mang-aasar ka. Kaya better shut up." wala kong ganang sabi. Wag kayo! Stressed ako ngayon.

Umiling nalang si Dice at umupo na sa tabi ko. Kahit ganito ako ka moody tanggap parin ako niyan. Ang bait ko ata.

"Ang aga mo naman ngayon. Inspired?" tanong niya sa akin. Hindi ako inspired. Umiiwas lang.

"Nope, nag-try lang kung anong feeling maagang pumasok." palusot ko. Tumango- tango naman siya.

Bakit ba kasi trumansfer si Race dito? Duh! Halos alam na naman niya ng lessons namin. Nagsasayang lang siya ng oras. Dapat dun nalang siya sa kompanya nila.

Pumasok na si Prof. Reyes. Ang mataray naming teacher sa History. Minsan na nga akong pinagawa ng report dahil sa pagiging lutang ko.

"Goodmorning class. For today, dahil tinatamad ako mag klase mag g-groupings nalang tayo." Pinakita sa amin ni Prof. iyong grupo. Yes! Di ko kagrupo si Race. Kaso di ko rin kagrupo si Dice. Mabuti na iyon.

Atleast walang manggugulo sakin. Naglakad ako patungo sa grupo namin. Well, andito sa amin yung matalino. Ang swerte ko talaga.

"Abby, ikaw na magsulat." utos sa akin ng leader namin. Hindi naman ako ganoon ka talino pero with honor 'to.

"Okay, basta sagutan niyo lahat yan." ako lang naman kasi ang sekretarya ng klase. Pinagmasdan ko ang paligid at nakita kong si Dice na natutulog at walang pakialam sa kanyang grupo.

Actually, matalino si Dice pero hindi siya aktibo sa klase. Ewan pero lagi siyang tulog. Si Race naman ay tumutulong sa kanyang kagrupo. What a genius asshole!

"Abby, diba sabay kayo ni Race pumasok kahapon? Magaka-ano ano kayo?" tanong ng chismosa kong kaklase. Tinapunan ko siya ng masamang tingin.

"Chismosa ka." simple kong sambit. Sumama ang tingin niya at umiwas nalang. Ayaw ko sa mga chismosa lalo na kung hindi si Dice iyon. Si Dice lang ang gusto kong chismosa.

Kapag sabihin ko bang sundo ko, maniniwala sila? Diba hindi. Kasi nangdito tayo sa mundo na puno ng judgemental people. Dahil wala akong magawa, kinuha ko ang ballpen ko at nagsulat-sulat sa notebook.

"Oh, tapos na kami sagutan yung mga questions. Ikaw na bahala magsulat at ipasa kay ma'am." sabi ng group leader namin at umalis agad. Tsk! Suplado.

Umupo ako sa upuan ko at nagsimulang isulat iyong mga sagot nila. Pasalamat sila at wala akong talent sa History. Kung may talent lang ako dito, hindi ko na kailangan magsulat.

"Dale! Inaantok pa ako!" sabi ni Dice habang papalapit sa akin. Hindi ko muna siya pinansin, dahil abala ako sa pagsusulat. On time kasi dapat daw mapasa.

Binilisan ko sa pagsusulat dahil kakaunti nalang ang oras. Ang tagal kasi nilang sumagot ayan tuloy halos di ko na maintindihan sulat ko.

"Abby! Bilisan mo!" sabi ni Wesson ang group leader namin. Gwapo din sana siya. Kaso ang sungit nakakainis. Nag bad sign ako sa kanya at narinig ko siyang tumawa. Happy?

"Tulungan na kita." sabi ni Race at kinuha ang papel. Umupo siya sa aking tabi at nagsulat na din. Maraming tumukso sa amin.

"Yieee! May driver na nga, may katulong pa."
"Ang gwapo niya kapg ganyan siya."
"Kayo pala? Yiiee! Di niyo sinabi."

Nakita kong naiirita na si Race sa mga pinagsasabi nila. Ang ingay kasi nila masyado. Kung may magandang comment hindi mawawala ang bad comments.

"Ang landi din pala niya."
"Inabuso naman ang kabaitan ni Race."
"Hindi kayo bagay, huwag kang assuming."

Napatigil si Race sa pagsusulat at tumayo. Natahimik silang lahat. Napayuk din sila, dahil ang sama ng tingin sa kanila ni Race.

"Hindi kami bagay, dahil tao kami. Kung ayaw niyo sa kanya, ako gusto ko siya." sabi niya at napatingin ako sa kanya. Si Dice ang pinakaunang nag react.

"Tama na yan! Kalma lang tayo." pinaupo niya si Race. Nabitter lang 'to e. Nagsigalawan na sila at umastang walang nangyari. Ako naman ay hiyang-hiya. Bakit niya sinabi iyon?

"Okay, pass your papers. Finished or unfinished."sabi ni Prof. kaya kinuha ko ang papel na nakay Race at ipinasa na. Sobrang kalat ng classroom. Napansin kong wala sa mood si Race. Affected much?

"Huy, ayos ka lang?"sabay tapik ko sakanya. Napalingon naman siya sa akin at pilit na ngumiti. Ang obvious mo masyado.

"Oo naman." pilit siyang ngumingiti. Ang cute! Para siya natatae. Seryoso kasi masyado. Alam namang tuksuhan lang.

"Halata ka! Huwag ka ng malungkot. Sabay tayo mag lunch mamaya. Libre ko." ngumiti ako sa kanya. At dahan-dahan naman siyang ngumiti. Naku! Libre lang ata habol neto.

"Isama mo na rin ako sa libre mo " singit ni Dice. Syempre, di magpapahuli ang aking napakagaling na besy. Dalawa na pala ililibre ko ngayon. Imbes na nagtitipid ako ay gagastos nalang.

Hindi lahat ng mayaman, nabibili lahat. Alam mo kung ano ang hindi nila mabibili? Pagmamahal. Kahit gaano karami ang pera nila, basta hindi maganda ang ugali. Walang magmamahal sa kanila.

Money can't buy love.

Cannot BeWhere stories live. Discover now