16th

12 1 0
                                    

Chapter 16

It was early in the morning. Mama waked me up for church. Hindi ko namalayan na anong oras na pala. I was busy watching movies last night.

"Hindi ba pwedeng mamaya nalanag tayo magsimba?" hirit ko kay mama habang nakapikit. I'm still sleepy.

"Naku! Ayan puyat pa! Hindi pwedeng namaya, bangon!" sipat sa akin ni mama. Napilitan naman akong bumangon.

Kinuha ko agad ang phone ko.

Race:

Good morning :) Any plans for today?

Ngumuso naman ako sa message niya. Sigurado namang alam niya kung saan yung lakad ko.

Me:

Good morning. I'll be going to church.

In sundays, we always have lunch in our house. Inaaya naman kasi siya ni mama. Nakakasundo naman niya, except kay Wave. Ayaw kasi talaga ni Wave sa kanya.

"Anak, malelate na tayo!" sigaw ni mama mula sa baba. Agad akong pumasok sa c.r. a naligo ng pamabilisan. Pagkatapos ay pumili ng simple ba dress at sinuot ko ang white sneakers ko.

Though, marami naman akong sandals, but I'm not fond of it. Bumaba na ako at handa na silang lahat. Ako nalang ang hinihintay.

"Ang tagal mo naman." reklamo ni Wave sa akin. Ngumuso ako at itinulak siya. Humalkhak naman siya at umakbay.

Sumakay kami sa isa naming sasakyan. Si papa ay todo asar kay Wave na inspired daw. Hindi ko alam kung inspired saan.

"Saan, pa?" curious kong tanong. I've never seen him inspired kaya hindi ko alam kung totoo ba.

"Iyong lockscreen niya, nak. Litrato ng isang babae." humalakhak naman si papa. Si Wave ay kanina pa nakabusangot ang mukha. Kumunot naman ang noo ko dun.

"Sinong babae pa? Hindi naman niya ako nasabihan." sabi ko at namutla naman si Wave. Naku! May tinatago 'to sa akin. Very wrong!

"Hindi ko alam. Nakatalikod lang kasi iyong babae at against the light." hindi parin napapawi ang mga tawa ni papa.

Tiningnan ko ng masama si Wave.

"Wala akong alam diyan." painosente pa siya. Naku! Nahihiya pa sabihin. Inlove na inlove 'ata at nahihiyang umamin.

"Kayo na?" pang-aasar ko. Umismid naman siya.

"Naku! Napakaimposible! Taken na iyon." sabi niya at ngumuso. Ba't naman kasi siya nagkakagusto sa taken?

"Ba't mo gusto?" how can you like a person that's taken?

"Matagal ko ng gusto pero di niya napansin hanggang sa naging taken siya." ngumuso siya at tumingin ulit sa labas.

Hindi na ako nagtanong ulit. Edi sana linigawan niya! Scared of rejection? Lahat naman siguro ay ayaw mareject. Though, you need to try.

Nakarating na kami sa simbahan at nakita ko ang kotse ni Race. Ngayon ay sigurado akong sakanya iyon, dahil lagi siyang pumupunta dito para magkita kami.

Bumaba agad siya ng kotse at naglakad patungo sa amin. Narinig ko ang 'tsk' ni Wave. Four months have passed, pero ayaw parin niya kay Race.

"Goodmorning tita, tito." pagbati niya kina mama. Ngumiti sina mama at naglakad papasok ng simbahan.

Agad na lumapit sa akin si Race at ipinalibot ang kamay sa aking bewang. Ngumiti naman ako sa kanya.

Our sundays are always like this.

Cannot BeWhere stories live. Discover now