Chapter 2
"Nak, gising na! Malelate kana sa school!" ang aga aga ay ang ingay ni mama.
Ang sarap ng tulog ko eh! Heto naman si papa sasabay sa kaingayan ni mama...
"Nak! Handa na ang pagkain!" sigaw ni papa sa akin.
Hindi ako ngayon gutom. Mas pipiliin ko muna matulog. Antok pa kasi ako eh.
"Andito si Race!" sigaw ulit ni mama.
What? Akala ko ba ay sa school niya i hahatid?
"What?!" sigaw ko pabalik. Oh my God! Eh hindi pa nga ako naliligo. I really need to get up.
Tumayo na ako at dumiretso sa banyo lara maligo. Shett! 6:30 na pala. Malelate na talaga ako!
Binilisan ko ang pagligo at sinuot ko na ang uniform ko. Paglabas ko ng kwarto ay bumaba na agad ako. Nakita ko sila mama na kumakain ng tahimik.
Asan ang Race dito?
"Akala ko ba ay andito si Race?" tanong ko kay mama. Tumawa naman ng malakas si mama.
Potekk! Linoloko lang pala nila ako.
"I say that para bumangon kana. Ang lakas ng tama mo dun ah!" tawang-tawa parin si mama.
Napa singhal nalang ako. Hindi na ako kumain dahil late na ako. Nagpahatid nalang ako agad kay manong.
Pagdating ko sa school ay nakita ko si Dice na nagaantay sa guard house. Pinuntahan ko ito at inaya ng pumunta sa room.
"Sorry hindi kita na replyan. Tinamad ako. Pero eto assignment ko." ibibigay na sana niya ang assignment niya.
"Huwag na, may nagawa na ako." sabi ko sa kanya.
Tumawa naman siya "Sigurado naman na di ikaw gumawa nun eh! Ayaw mo sa chemistry." sabi niya.
"Tama ka! Hindi ako ang gumawa!" tumawa na din ako. Kahit kailan talaga ay alam niya kung gagawa ako ng assignment o hindi.
Medyo malapit na kami sa room at nakikita ko na parang may nagkakagulo.
"Abby! May gwapong naghahanap sa iyo!" sabi ng isang kaklase ko.
Sino? si Jeremy? si Race?
"Siguradong si Race iyan" sabi ni Dice. Talaga ba? Ang aga naman niya.
Ang haba ng hair ko. Hinahanap daw ako ng gwapo eh! Well, maganda naman ako.
Hindi naman sa feelingera, pero maganda talaga ako.
Pagdating namin sa classroom ay nagtanong agad ako. Kung ako nga ba talaga ang hinahanap.
"Sim, anong ginagawa niya dito?" tanong ko kay Sim.
"Ewan, hinahanap ka daw eh." nagkibit balikat pa siya.
Char. Hindi naman ako famous, pero bakit hinahanap-hanap parin nila ako?
Sumingit ako sa kanila at tiningnan kyng sino ang nandyan. Aray! Ang hirap lumusot eh!
"Abby!" tawag sa akin ng isang pamilyar na boses
Is this for real? Bakit siya andito ng ganito ka aga?
Lilingonin ko naba? Self, kailangan hindi ka mahiyain kaya kaya 'to!
"Tawag ka, Dale." natatawang sambit sa akin ni Dice. Shett ka! Alam ko.
Liningon ko at tama nga ako.
Si Jeremy ang nandito...
"I missed you." sabay yakap niya sa akin. Naghiyawan naman ang mga kaklase ko.
Hoy! For your information, hindi ko siya type. Never.
"Hindi kita miss, sorry." nag smirk pa ako. Hindi ba niya tanggap na ayaw ko talaga sa kanya?
"Ouch. I'm here to court you again. Wether you like it or not." deklara niya. Wala na akong magagawa.
Bahala siya, hindi naman ako ang masasaktan.
May narinig akong nag knock sa door at sabay-sabay silang lumingon doon.
Hindi ko naman makita dahil ang daming nakaharang. Sino naman 'tong eeksana? Ang daming artista ah!
"Where's Abby?" narinig kong tanong ng isang lalake sa kaklase ko.
"Haba ng hair mo, Dale! Ikaw lagi hinahanap eh!" sabi sa akin ni Dice. Sobrang haba talaga.
"Sino ba andyan?" sigaw ko naman. Si Jeremy ay nasa tabi ko, halatang nag aabang din.
"It's me Race." sigaw niya pabalik. Shett! Andito na siya. Napangiti ako.
"Kaya pala ayaw mo sa akin. Pero babawiin naman pa din kita." sabi ni Jeremy. Bakit ba ayaw mo tumigil?
Naglakad ako papuntang pintuan para makita si Race. He's really good to me. I wish he could be mine.
I want a guy like him.
"Here is it." sabay abot niya sa akin ng isang folder. Sobrang dami ba nito? Bakit naka folder?
"Thank you. Okay lang ba sayo?" tanong ko. Baka naman ay naawa lang.
Ayoko pa namang may nahihirapan, dahil sa akin. Pero kung mapilit edi bahala sila.
"Of course. I gotta go, I still have work to do." paalam niya sa akin. He's really busy.
"Bye, thank you ulet." kumaway ako.
Nakonsensya tuloy ako. Alam kong marami siyang ginagawa pero hinayaan ko lang siyang gawin ang assignement ko.
"Siya pala gumawa ng assignment mo. Ang astig talaga niya!" niyugyog na naman ako ni Dice.
Wala nabang ibang pwedeng gawin? Ang sakit na sa ulo eh!
"Stop it. We need to start our class." sabay singit ng teacher.
Aish. Heto na si Prof. ng Chemistry. Sasakit na naman ulo ko dito.
Pinasa ko na ang assignment ko. Pagkatapos noon ay dissmisal na agad namin.
Chemistry really sucks.
Gusto ko muna kumain. Nagugutom na ako. Hindi pa naman ako kumain ng umagahan.
Dumiretso ako ng canteen at bumili ng snack. Shett! Ang sarap talaga kumain.
Race is calling...
Race is calling...
'Hey.' bungad ko sa kanya.
'Can we meet later?' sabi niya sa akin.
'Ang bilis naman ata. Kaka kilala lang natin ah.' medyo nabibilisan kasi ako. Two days palang kami nagkakilala.
'Oh alright. I'm sorry. I think we need to know each other more.' pag papaumanhin niya.
'Yeah right.' sabi ko. Tama din naman.
'Alright. Bye' at binabaan na rin ako.
I can't be that easy-to-get. I'm still a girl. Kailangan ay paghirapan nilang makuha ako.
But everyone can fall with Race's sweet moves.
And I think I'm one of those.
Pero self, kakakilala niyo nalang. Baka may plano iyang iba. Hindi niyo ko masisisi. Ayokong masaktan.
I'm scared that maybe one day, my love will be my worst nightmare...

YOU ARE READING
Cannot Be
RomanceAbby I let him enter my life. He promised. I trusted. He broke it. This story is only fictional and doesn't mean to insult other people's culture.