5th

14 1 0
                                    

Chapter 5

Hindi ko maipinta ang mukha ko. Ngiting-ngit ako eh! Inspired masyado selp? Pumasok na akp sa bahay at nakita ko si mama na nanonood ng t.v.

"I'm home!" sabi ko. Liningon naman akp ni mama. Tumayo siya at lumapit sa akin.

"You're blooming! What happened?" am I that obvious? I'm tired to tell a story. But, she's my mother.

Nginitian ko si mama "Later ma, magpapalit muna ako." palusot ko. Hindi ko naman talaga ikukwento.

Nakakahiya sabihin kay mama. Dumiretso ako ng kwarto at nagpalit agad. I opened my messenger...

7 new messages...

Himala at may nag message sa akin. Some are random guys at andun rin si Jeremy...

Jeremy:

I won't stop courting you.

Seriously? This man is really insane! I replied...

Me:

Seriously? Hindi ka pa ba natuto?

It's not that ang harsh ko. Hindi kasi niya maintindihan na ayoko sa kanya. Ang yabang niya! Ang boring pang kasama. Oh diba! Sino ba ang masisiyahang kasama siya?

Race:

Hope you'd like the necklace.

Of course! Ang ganda kaya. Hindi pa ako nakatanggap ng ganitong regalo noon. He's the first to give me something special.

Sasapakin ko talaga si kupido kapag mali ang taong ibigay niya sa akin!

Pagkatapos kong magbihis ay sinabihan ko si mama na hindi na ako kakain. Busog pa naman ako.

I decided not to reply. I opened my facebook account and posted a picture of the necklace. It's really beautiful.

Chinat ko si Dice kung okay lang ba iyong necklace. I'm expecting her to say yes. Tapon ko siya pag sinabi niyang hindi.

Abby:

Dice! Race gave me a necklace!

I waited for her reply. Mukhang busy, hindi agad nag reply eh. Baka din may ibang ka chat, it's called sana all!

Dice:

Wow! Sana all binigyan! Naiingit tuloy ako!

Reply sa akin ni Dice. Maiinggit ka! Sa dinami dami ng hinarot mo, mas nauna pa akong nagka lovelife sayo.

Nung nabagot na ako kaka scroll ay in off ko na at humiga na sa kama. Hay! Pasok na naman bukas! Nakakatamad tuloy!

Alam kong sayang si Jeremy kaso di ko talaga siya gusto. Kahit noon pa man di ko siya nagustuhan. May aura siya na di ko maexplain.

He's a goodman, but he's not that good.

Inaantok na ako. Makatulog na nga. Di na ako nag goodnight. Antok na kase talaga ako.

-

"Abby! Gising na! Nandito na sundo mo!" sigaw sa akin ni mama.

Sundo lang pala. Tulog lang muna ako. Wait! What? Sundo? Wala naman ako nun! May driver naman kasi kami.

Inuuto ba ako ni mama? Naku, gusto niya lang gumising agad ako. Pero sinong sundo naman? Nacurious tuloy ako.

Bumangon ako at naghilamos. Pumunta ako ng terrace at tiningnan kung sino ang sinasabing sundo ni mama.

What the hell?

si Race?

He smiled at me. Nakapoker face lang ako. Paanong siya ang sundo ko? Naka uniform pa siya ng school namin. Doon na siya mag-aaral?

Dali-dali akong naligo at nagbihis. Damn, di ako sanay magmadali. Pasalamat siya at marunong akong maawa.

Pagkababa ko ay nasa hapagkainan na si Race. Naks! Welcome siya sa bahay?

"Abby, kain ka na." sabi sa akin ni papa.

Umupo na rin ako sa hapag. Shit! Ang awkward ne'to pero ngiting-ngiti parin siya. Kainis siya! Tinarayan ko nalang. I saw him smirk.

Pagkatapos ay nagtoothbrush na ako at nagpaalam kina mama na aalis na ako. Sabay kami ni Race pumasok sa school. Siya driver ko.

Nagsitinginan ang mga estudyante sa amin. Halatang nagwagwapuhan sila kay Race. Tss!

Nauna na ako papuntang room, dahil baka mastranded ako mamaya doon. Bakit kailangan dito siya?

"Abby! Wait! Sabay na tayo." sabay lapit sa akin ni Race. Maganda ako pero di ako sanay sa atensyon.

Inirapan ko nalang siya. Tumitili ang mga babae na nadadaanan namin. Tapos ansasama pa ng tingin sa akin. Edi inyo na'to!

Pagdating namin sa classroom ay napaawang ng bibig si Dice. Gulat ka noh? Kasama ko isang gwapo. Pero huwag kang mag-alala kaklase naman natin.

"Anong meron?" pag eechos sa amin ni Dice. Ngumiti lang naman ako. Maya-maya ay nag ring na ang bell.

Di ko alam kung saan pumunta si Race. Time na pero wala parin siya. Sakto dumating na si Prof. Gonzales.

"Siguro alam niyo na. May bago kayong kaklase." sabay tumili ang mga babae. Tsk!

Pumasok na si Race. Ngiting-ngiti pa ang gago.

Happy?

"I'm Race Tyler Chua. I'm not single anymore." he smirked.

Di na pala siya single tapos eto lapit pa siya ng lapit sa akin. Tapon ko siya eh!

Umupo siya sa likuran ni Dice. Bumulong naman si Dice sa akin.

"Di na pala single. Ba't lapit ng lapit sayo?" pang-aasar ni Dice. Sinamaan ko nalang siya ng tingin.

Tinawanan naman ako. Wow! Ang lakas magsmile sa akin. May pa necklace pa. Pafall din 'to eh!

Di ko siya pinansin the whole class. Hanggang sa nag lunch.

"Di na ata ako pinansin." pagpaparinig niya. Siya pa may gana mag ganiyan.

Pumunta na kami ng canteen. Di parin maka move-on ang mga babae at pinagtsitsismisan parin si Race. Taken na nga diba? Ayaw tumigil?

Umupo na kami sa pwesto. Di ko namalayan na kanina pa pala nakasunod si Race sa amin. Kaya pala ang sama ng tingin nila sa akin.

Tusukin ko mga mata niyo eh!

"Ano sayo, Dale?" tanong sa akin ni Dice. Siya naman kasi laging bumibili.

"Kahit ano. Wala akong ganang kumain." naiinip na ako. Tumango naman siya at tinanong si Race. Di ko na pinansin kung ano gusto niya. Bad mood ako ngayon.

Umalis na si Dice. Kami nalang dalawa sa table. Ang awkward ng atmosphere.

"Look, kanina mo pa ako di pinapansin. What did I do?" halatang nag-alala siya.

"Manloloko ka." malamig kong sambit. Napakunot naman siya ng noo. Playing dumb?!

"What do you mean?" naguguluhan niyang tanong. Parang di niya alam? Playing safe?

"Liniligawan mo ako, pero di kana single. Pinaglalaruan mo ba ako?" diretsahan kong tanong sa kanya. Pasalamat siya at di ko nataasan ang boses ko.

Tumawa siya ng malakas. Problema ne'to? Kanina lang ay sobra siyang seryoso. Tapos ngayon pagtatawanan ako?

"Tawa ka lang! Di na talaga kita papansinin." sabay kuha ko ng phone ko.

He looked at me.

"I said it, because I don't want them to go near me. Baby, I don't want you to get jealous." he said.

Baby...

Cannot BeWhere stories live. Discover now