Chapter 6
I always spaced out. Kapag kinakausap nila ako, lagi akong lutang. Minsan di na nila ako kinausap, dahil daw lagi akong lutang.
The things that Race said keeps bugging me. Sinabi niya iyon para di na siya lapitan? Pero ba't niya ako tinawag na baby.
Nakaramdam ako ng tapik sa aking braso. Napalingon naman ako.
"Miss Rosales, I was callin' you for how many times. What are you doing in my class? Day dreaming?" pagalit sa akin ni Prof.
Shit! It's embarrasing. Gusto kong lumabas ngunit alam kong bawal. Nakakahiya sobra!
I saw some smirk from my classmates. How dare them?!
Buong klase ako naka poker face. Wala akong pinansin ni isa sa kanila. Pagkatapos ng klase ay kinuha ko agad ang bag ko at lumabas ng classroom.
Wala na akong balak hintayin sila. Gusto ko na lang umuwi. Hinabol ako ni Dice.
"Huy! Di ka na nag aantay." nag pout pa siya. Tss!
"Gusto ko ng umuwi. Sorry Dice." sabi ko sa kanya. Tinawanan lang naman ako. Alam kasi niya ang dahilan kung bakit ako ganito.
"Asan ba sundo mo?" mismong pagsabi niyang iyon ay napamura ako. Shit! Ngayon ko lang naalala.
"Asan si Race?" tinukso niya agad ako. What the hell? Siya na driver ko eh!
"Andun may kausap pa sa classroom." nagpaalam na rin siya sa akin, dahil andyan na sundo nila.
Inis akong naglakad pabalik ng classroom. Pinaghintay pa talaga niya ako? Very wrong!
Wow! Nga naman! Nakikipaglandian pa pala. Sana sinabi niya para nagpasundo nalang ako. Linapitan ko siya at kinalabit.
"Give me your keys." diretsahan kong sabi. He curiously looked at me.
"Bakit?" tanong niya sa akin. Kalma self! Huwag kang mag wawarshock.
"Uuwi na ako. Busy ka pa makipaglandian. Ako nalang magdridrive ng kotse mo." sabi ko sa kanya.
Ngumiti lang siya at nagpaalam sa kausap niya. Inakbayan niya pa ako habang papuntang parking lot.
"Why are you jealous, Baby?" inaasar na naman ako. Suntukin kita eh!
"Jealous? I just want to go home!" inis kong sambit at sumakay agad ng kotse. Pumasok na siya at pinaandar ang kotse.
Hindi ako umimik. Inis parin ako sa kanya. Baby? Jealous? Damn him!
Di ba niya pwedeng bilisan? Uwing-uwi na ako. Ang bagal naman niyang magdrive.
Saktong pagdating namin ay bumaba agad ako. I heard him cursed. Pumasok ako ng bahay at dumiretso sa kwarto.
"Ate, pakisabihan si mama na sabihan si Race na huwag na akong sunduin bukas." utos ko sa aming katulong.
Humiga ako sa kama. Ah! It feels very comfortable. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
-
Ringing...
Ringing...
Damn! Sino tumatawag? Tiningnan ko iyong phone ko and I saw it was Race.
"Hello?" matamlay kong sagot.
"Galit ka parin sa akin?" pinagsasabi neto?
"Huh? Di naman ako gakit ah!" sabi ko sa kanya.
"I'm outside." dali-dali akong tumayo at naghilamos. Labas? ano ginagawa niya doon?
Saktong paglabas ng kwarto ay tumambad agad siya sa akin. Paano siya nakapasok.
"Pinapasok nila ako." he said. Nababasa niya ba iniisip ko? Woah! Mind reader?
"Okay, hindi naman ako galit. Ba't ka andito?" sabay sa pagkunot ng aking noo.
Pumasok siya sa kwarto ko. Hindi man lang nagpaalam?
"Alam kong naguhuluhan ka sa akin. Ask me." sabi niya sabay higa sa kama ko. Anong pinagsasabi ne'to?
"Sige na. Is it about the 'single status' again?" he looked at me in the eye. Umiwas naman ako ng tingin.
Hindi naman niya kailangan magpaliwanag. Wala kaming label! Manliligaw lang siya at wala ng higit pa!
"Naexplain mo na yan kanina. Ayos na nga kase." inagaw ko pa sa kanya iyong kumot.
"Really? I think you're jealous, aren't you?" linapit pa niya sa akin ang mukha niya. Umiwas naman ako.
"Yes, bakit ako magseselos kung alam kong baliw na baliw ka sa akin?" proud kong sagot.
Tama naman diba? How can he go here para lang magsorry?
Tumawa nalang siya at umiling.
"Di ka pa ba uuwi? Baka hiniahanap kana ng magulang mo?" tanong ko sa kanya.
"Hindi na ako bata para hanapin nila." sabi niya habang tumitingin sa mga pictures ko sa wall.
Hinayaan ko lang muna siya at naglaptop lang muna. Pero di ako maka focus sa ginagawa ko. Ewan pero naiilang ako sa kanya.
"You're so cute." he said out of the blue. Napatingin naman ako sa kanya. Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"What are you talking about?" tanong ko. Di niya iyon sinagot at lumabas ng kwarto ko.
Sinundan ko naman siya. Ang galing kasi umaalis lang ng walang paalam.
"Hoy! Di ka manlang magpapaalam?" sigaw ko sa kanya. Lumingon siya at...
"Sinong nagsabi na aalis na ako? Kukuha lang ako ng pagkain." tinawanan pa ako ng gago.
Aish! Kainis siya! Pumasok ulit ako ng kwarto at ginawang busy ang sarili ko. Lagot siya mamaya di ko talaga siya papansinin.
"Psst! Ano ginagawa mo?" pangungulit niya sa akin. Hindi ako sumagot hinayaan ko lang siyang manood.
Hinintay kong mangulit siya ulit ngunit busy pala siya sa phone niya. Ng biglang nag ring iyong phone niya. Tumayo siya at medyo lumayo.
"Ma?" narinig kong sabi niya. Hindi na ako nanhialam pa kaso baka pribado iyon.
Pero dahil di ko mapigilan. Tinigilan ko ang paglalaptop at nakinig sa kanila.
"Alright. Opo ma, uuwi na ako." sabi niya at pinutol na rin ang linya. Magtatago na sana ako kaso nahulk niya.
"Ano ginagawa mo?" shet! what to do? Ano palusot ko ngayon?
"Akala ko kasi umuwi kana. Uuwi ka na ba?" pag-iiba ko sa topic. Yumuko siya at tumingin ulit sa akin.
"Yep, uuwi na ako. Thank you and goodnight." tumalikod na siya at nagsimulang maglakad paalis.
Pumasok na ako sa kwarto at nagdesisyon na matulog na. Humiga ako sa kama.
You're so lovely. I can't help but fall for you~
I heard a voice in my phone. Nung tiningnan ko iyon ay nagrecord pala si Race. Di ko napansin iyon ah?!
Di ko naman dinelete. Syempre remembrance iyon.
At dahil mahilig akong matulog kahit maaga pa ay matutulog na ako. Pumikit ako at tuluyan ng nakatulog.
YOU ARE READING
Cannot Be
RomanceAbby I let him enter my life. He promised. I trusted. He broke it. This story is only fictional and doesn't mean to insult other people's culture.