Chapter 4
Pagdating namin sa mall ay dumiretso kami sa Department Store. Namili kami ng mga damit.
"Shett! Ang ganda ne'to ah. Kaso ang mahal eh." panghihinayang ko. Tiningnan din ni Dice.
"Hindi naman iyan bagay sa akin." sabay niyang tawa. Nakita kong lumapit si Race sa amin.
"You like it?" tanong niya sa akin. Sasabihin ko ba? Nakakahiya naman kung um oo ako.
Pero wala namang masama kung sabihin ko diba?
"Oo eh. Kaso ang mahal." nanghihinayang talaga ako. Kung may cash o card lang akong dala ay binili ko na ito!
Tumawa naman si Race. Anong sakit neto? Di nakakatuwa.
"Kunin mo na. Ako bahala." sabi niya sa akin.
For real? Yehey! Dinampot ko agad ang dress. Hindi naman talaga ako mahilig ng dress pero ang ganda kasi eh.
"Naks, swerte ng magiging asawa niyan ah!" sabi ni Dice. Tama siya, ang swerte nga!
"Sobra!" pagsang ayon ko. Tumawa naman siya. Pati ba siya ay tatawanan lang din ako? Gosh!
"Ikaw naman daw kasi ang future niya, remember?" panunukso sa akin ni Dice. Pinaalala pa niya!
Ang tanong ay seryoso ba siya sa mga pinagsasabi niya? What if hindi? Edi ouch.
"Shut up!" sabay kong tawa. Nandito kami sa counter at sa napag usapan nga si Race ang nagbayad sa lahat.
Siya na nga ang nagbayad, siya pa ang nagbitbit. Sana all! Ngayon lang ako nakakita ng ganyan. Not all man do that!
"Jowain mo na kaya cyst! Ang saya niyang kasama eh." tawang-tawa ang Dice. Diba para siyang masayahing gago! Chos, hindi naman siya ganoon.
Diretso lang kami ng lakad papunta sa Parking lot. Mag gagabi na din kailangan na namin umuwi.
Siya rin daw maghahatid sa amin. He really wants to know me more. Feeling ko ay hindi naman siya masamang tao. Pero we don't know kung ano ang nasa isipan niya.
I can't trust him that easily.
Sumakay na kami ng kotse niya. Ako daw muna sa front seat. Pambawi daw kay Race. Muntanga talaga si Dice.
"Si Dice ang uunahin natin. Mas malapit kasi ang bahay nila." sabi ni Race. Shett! So meaning kami nalang mamaya?
Nakakahiya! Hindi nalang ako magsasalita. Zip!
"Sus! Gusto mo lang makasama ang Dale eh." panunukso ni Dice. Wala na talaga siyang ibang magawa.
"Pwede din." nag smirk pa ang gago. Nagsimula na siyang mag drive. How can be this man so good looking?
Tahimik lang ang buong biyahe, dahil tulog ang madaldal nating Dice. Ako naman ay naka tingin lang sa labas. Wala rin naman ako matopic, so better shut my mouth.
Pero gusto ko siyang tanungin kung seryoso ba siya sa mga pinagsasabi niya sa akin. Gusto niya ba ako?
Shett! Ang assuming ko! Unti-unti kasi akong na fafall sa ka sweetan niya. Ang rupok ko din eh!
"Race." tawag ko sa pangalan niya. Kaya mo yan Abby!
"Yes?" tanong niya sa akin. Pero nakatingin lang siya sa daanan. Malamang nag dradrive eh!
"A-Ano seryoso ka ba sa mga sinasabi mo sa akin?" nahihiya kong tanong.
I saw him Smile. Damn, he's really handsome!
"Of course. Aaminin ko, matagal na kitang gusto. Lagi kitang nakikita sa building niyo. Nakikita ko kung gaano ka makitungo sa ibang tao. Then,I started to like you." he stated.
Seriously? Matagal na pala niya akong kilala? Hindi ko man lang siya napansin. Ang dami ko kasing ginagawa.
"G-Gusto mo ako? Pero bakit na
ngayon ka lang lumapit sa akin?" tanong ko sa kanya."Kasi hindi kita malapitan noon." sabi niya. Bakit hindi? Naguguluhan ako!
Pero parang ayaw pa niya pag usapan kaya tinikom ko nalang ang bibig ko.
"Don't worry, Hindi naman agad kita liligawan. I want you to be happy." sabi niya sa akin. Shett! Kinikilig ako.
"Liligawan kita sa tamang panahon at sisiguraduhin kong magugustuhan mo rin ako." he stated again.
Gusto kita! Pero I want to know you more. Hindi naman ako magjojowa agad-agad.
I want my first love to be also my last.
Tumahimik ulit kami. Hanggang sa nakarating kami sa bahay ni Dice.
"Harrid Dice, andito na tayo sa inyo." pag gigising ko kay Dice. Tulog mantika panaman 'to!
Kinalabit ko pa siya, pero ayaw talaga.
"Ang hirap gisingin." tumawa si Race. Sinabi mo pa!
Pag ito hibdi pa gumising in...
Ⅰ
Ⅱ
Ⅲ
Ayaw talaga ah!
"HARRID DICE!" sigaw ko sa kanya. Nagulat siya at agad nagising.
Tinawanan siya namin Race. Grabe yung reaksyon niya eh! Ang sakit sa tiyan kakatawa!
Kinusot pa niya ang mata niya " Required ba talagang manigaw?" inis na sambit ni Dice. Sorry!
"Sorry, ayaw mo kasi magising eh!" pag papaliwananag ko.
Mali ba yung ginawa ko?
"Di okay lang. Geh, salamt Race sa libre! Ulitin sana!" tawang-tawa pa siya. Kumaway kaway muna siya bago pumasok sa kanila.
Nag maneho na ulit si Race at patungo na ito sa amin. Malapit lang naman ang bahay namin kaya hindi 'to magtatagal.
"Huwag ka sana mailang sa akin." sabi niya. Nginitian niya pa ako. Chingchong!
"Of course, kaibigan naman kasi kita." tama! Kaibigan palang naman kami. I already considered him as my my friend.
"I accept that. Tama ka naman, kaibigan naman kasi tayo." tumawa siya. I want someone like him. A person that can wait.
Pero hanggang kailan kaya niya kayang maghintay?
Pagdating namin sa bahay ay baba ba na sana ako. Pero pinigilan niya ako. He get something from the paper bag. It was an accessory!
"Para saan iyan?" tanong ko sa kanya. Don't tell me, para sa akin iyan. Ang dami niya ng naibibigay sa akin.
"A necklace for you. It's a race car necklace. Para everytime na titingnan mo iyan ay maaalala mo ako." he winked. Damn! He's really clever.
Hindi ko mapigilan mapangiti habang sinusuot niya sa akin iyon.
"Thank you. Ang dami mo ng nailibre sa akin." sabi ko sa kanya.
"Wala iyon. Bilang kaibigan, ililibre kita. I mean kayo!" tumawa pa siya.
Maya-maya ay nag paalam na rin siya at pumasok na ako sa bahay...

YOU ARE READING
Cannot Be
RomanceAbby I let him enter my life. He promised. I trusted. He broke it. This story is only fictional and doesn't mean to insult other people's culture.