Chapter 19I'm sure it was Ceo. Pero hindi ko kayang sabihin kay Dice ang tungkol dito. Kaso lang narinig niya ang pagbanggit ko sa pangalan ni Ceo.
"A-Asan?" nauutal na tanong ni Dice. Fuck! Antanga ko sa part na binanggit ko yung pangalan niya!
"W-Wala, akala ko kasi siya iyong nakita ko." pilit akong ngumiti sa kanya at dahan-dahan naman siyang tumango.
Pumasok na kami ng cafeteria at pumwesto sa lagi naming pwesto. Hindi na ako komportable sa paligid. Bigla kasing nanahimik si Dice. I felt my phone vibrated kaya agad kong kinuha iyon.
Race:
You okay? Did you really saw him?
He asked. Tinitigan ko muna siya saglit bago ibalik ang tingin sa aking telepono. Hindi kami ganoong nagkikita pero alam kong siya iyon!
Me:
Yeah.
I sighed as I sent the message. I saw his jaw clenched. Wala naman siyang dapat ikagalit. Pinsan niya iyon, at para sa akin hindi iyon basta-bastang landian lang. Hindi naman kasi ganoon karupok ang kaibigan ko.
"Kain na tayo." aya ni Sim. Agad naman kami kumilos para kumain. Pero wala akong gana.
Sabi ni Ceo kagabi ay hindi niya gusto si Dice. Pero bakit niya sinusundan ngayon? Ang gulo niya talaga!
"Dale, you're thinking too deep again." pang-aasar sa akin ni Dice. Agad naman akong ngumiti.
"Hindi ba dapat ikaw 'yon?" pang-aasar ko pabalik. Ngumuso naman siya at sumubo ulit. Barado agad eh!
"Dapat kasi vra, hindi ka maging marupok. Kitams ngayon, broken ka tuloy." pang-aasar ni Sim habang nakaakbay kay Dice. Agad namang sumama ang tingin ni Dice kay Sim. Siniko niya ito kaya napadaing si Sim sa sakit.
"Di mo alam ang buong istorya! hulog kita sa kanal eh!" naiinis na sambit ni Dice. Tiningnan niya si Race.
"Ikaw? Mang-aasar ka din?" tanong niya at napangiti ng konti si Race. Umiling siya at itinuloy ang pagkain. Tahimik niya ngayon. Hindi gaanong nagsasalita. Wala naman kaming pinag-awayan ah?
Hindi ko nalang pinansin iyon at inubos na ang pagkain ko. Ang daming bago ngayong araw! Si Dice na hindi na gaanong masayahin, si Race ay hindi gaanong nagsasalita. Tapos kayo wala na rin, ay mali.
Pagkatapos naming kumain ay andito na kami naglalakad papunta ng classroom. Ilang hagdan paba ang lalakarin oh giliw ko~
Sa sobrang dami naman ng hagdan papunta sa classroom. Buti pa yung classroom na nasa baba. Naka-aircon na, hindi pa sila mapapagod kakahakbang sa mga taeng hagdan na'to! Hindi ako komportable sa atmosphere ngayon. Hindi naman kasi sila dating ganito! Kapag nakita ko si Ceo itatapon ko talaga siya sa basurahan! Ang dami niyang ginawang pinsala ngayon.
Pagdating namin sa classroom ay nagulat ako ng iba ang makita kong teacher sa harapan. Pati ba naman teacher nagbabago? Ugh! Wala sa sarili ko akong umupo sa seat ko.
"So, everyone's here. I'm Aziriala Mendez, your substitute teacher. Miss Mercado was admitted to the hospital due to her kidney disease." then she sweetly smiled. I just shrugged at hindi na nakinig sa iba pa niyang sinabi.
Hindi ko masyadong gusto yung sub teacher. Masyadong pacute! Minsan ay tumatawa pa na parang tanga. Ako lang ang may karapatan na maging cute! chos.
Kanina pa ako nababagot sa mga pinagsasabi niya. Hindi naman kasi siya naglelecture, puro kwento niya sa buhay ang sinasabi niya! Wala naman nagsabi na interesado kami doon! Tiningnan ko si Dice at kulang nalang ay notebook na pantakip sa mukha niya, dahil halatang gusto niya ng matulog.

YOU ARE READING
Cannot Be
RomanceAbby I let him enter my life. He promised. I trusted. He broke it. This story is only fictional and doesn't mean to insult other people's culture.