Chapter 22It's our outing day! After one week ngayon ko nalang ulit sila makakasama. Si Dice ay namumula pa ang kutis, halatang nag-enjoy sa outing nila. Si Sim naman ay halatang hindi nag outing! Lalo na si Race!
"See you in a hour Leyte!" sigaw ni Dice bago umapak sa hagdan papasok ng eroplano.
May nakita kase kami sa instagram na magandang lugar sa Leyte. It's Limasawa! I first heard of that on the song of Ben and Ben. My seat was beside Dice and Race beside Sim. For sure, marami na namang chika si Dice.
"Dai! Owemjiii! Grabe andaming pogi doon sa pinuntahan namin!" sabi niya at inalog-alog pako! Akala mo naman talaga nakamove-on na sa nang-ghost sa kanya.
"Congrats, dai!" sarkastiko kong sabi. Hindi naman halata na hindi siya interesado sa ibang lalake. Nararamdaman ko nga dito iyong presensya ni Ceo!
"Wala na nga akong pake doon sa isang iyon!" sabi niya. Hindi nga niya mabanggit ang pangalan ih! Wala din naman akong sinabi na siya iyon. Masyadong halata Dice.
"Wala naman akong sinasabi ah!" pang-gagaya ko sa tono niya. Narinig ko na ang announcement ng flight attendant na kailangan na mag airplane mode. Kaya ginawa ko na iyon.
--
Habang nasa-ere kami ay pumasok muna ako ng comfort room. I was startled when someone held my wrist!
"C-Ceo." sabi ko. Medyo kinakabahan ako. Iyong mukha niya kase! Parang nagagalit! Guys, I need help! Kung makatingin kase akala mo may atraso ako sa kanya.
"I don't want Dice being attracted to other men." may diin ang boses niya sa pagkasabi niya. Hindi ko naman kasalanan kung maattract siya sa iba! Edi sana hindi niya na iniwan! Iposas niya kamo sa kanya!
"Go and talk to her." sabi ko at lalabas na sana. Kaso bigla siyang nagsalita.
"I can't." sabi niya. Ay naku! Ano bang gusto niyang gawin ko? Ibakuran si Dice? As if naman ako iyong lalake para ibakuran siya!
"She'll be in danger." sabi niya at nauna ng lumabas ng comfort room. Sinuot niya din iyong mask niya at dumiretso sa kanyang seat. He was seating behind us! Katabi sila ni Race!
Danger.
Anong danger naman ang nag-aantay kay Dice? o kay Ceo? Ang gulo naman nung magjowang iyon. Dinamay pa ako sa gulo nila! Hindi ba dapat nasa tabi ni Ceo si Dice para ma protektahan niy, if ever may masamang mangyayari?
Hindi ko na pinansin iyon at bumalik na sa seat ko. Dice was already sleeping. Is Ceo not tired of following her everyday? Was he there on they're family outing? He can't even go near her.
He loves Dice.
A man who's just playing around, shouldn't be following a lady after there break-up.
--
We arrived at the airport of Tacloban. Ngayon naman ay pupunta kami sa sakayan ng mga van patungong Padre Burgos.
"Padre Burgos! Padre Burgos! Sakay na!" Sigaw nung isang matanda doon sa may van. Well, lahat kami walang ideya ano ang meron dito sa Leyte.
"Let's just wait na may sumakay na iba diyan." suggestion ni Sim.
We saw a girl entering the van, so we entered too. Napuno agad namin ang fron seat. Apat kami at sakto lang iyon sa front seat.
Mga ala-singko ang dating namin doon at tatawid pa ng dagat papuntang Limasawa. Pare-pareho kaming busy sa pagkuha ng mga picture. Ito ang first travel ko kasama sila.
"Limasawa with someone special." bulong ni Race sa akin. Nung nakaraan ay bumawi siya sa akin, dahil daw ampangit nung treatment sakin nung parents niya. Wala lang naman sa akin iyon.
"May itatanong ako sayo mamaya." sabi ko at kumunot naman ang noo niya. Tss, curious na naman 'to. Minsan nang-aasar lang ako,sasabihin ko na may tanong ako mamaya pero wala naman talaga. Pero ngayon meron talaga.
"Ay naku! Ayan ka na naman." inis niyang sambit sa akin. Sabi na nga ba ih! Napatawa ako ng mahina.
"Gaga ka! Seryoso ako ngayon!" pero tumatawa parin ako. Sinungitan niya lang ako. Iyong dalawa naming kasama ay tulo na laway habang natutulog.
--
Pagdating namin ng Padre Burgos ay naghanap na kami ng bangkang sasakyan para makapunta sa mismong island.
LIMASAWA I'M COMING!!!
Sobrang ganda ng tubig ng dagat. Malinaw at malinis. We were all busy taking pictures. Syempre, maswerte ako kase may photographer ako.
Nakasunod parin kaya si Ceo sa amin?
"Abby! Ikaw nga magpicture sa akin! Si Sim kase ampangit ng kuha ih!" inis na inis na siya! Tumawa kami lahat dahil sa reaksyon ng mukha niya.
"Nasan ba kase si C—" tinampalo ba naman bibig ko! Walanjo! Ganon ba niya ka ayaw marinig iyong pangalan na iyon? Ano pa ba kung makita niya?
"Sorry." sabi niya at tumawa. Ang sakit kaya nung palo!
--
Pagkadating namin sa mismong island ay…
WOW
Just wow.
Sobrang ganda.
Philippines is knows sa mga may magagandang beach. Tama nga sila, never ka madidissapoint ng tanawin dito sa Pilipinas.
"You wanna live here?" he asked me. I stared at him for a while.
"Who wouldn't?" I asked back, smiling widely.
Limasawa is a great place. Lahat naman siguro gusto dito tumira. Peaceful. Refreshing and mababait yung mga tao.
"Sweet naman ng couple naten." Bulong ni Sim kay Dash.
"It's because, I finally found my home."

YOU ARE READING
Cannot Be
RomanceAbby I let him enter my life. He promised. I trusted. He broke it. This story is only fictional and doesn't mean to insult other people's culture.