9th

16 0 0
                                    

Chapter 9

It's saturday today. Hindi pa siya nagpaparamdam simula kahapon. Wala rin akong planong pansinin siya. Mapride na kung mapride.

Hindi ko alam kung bakit ganoon bigla. Wala naman akong ginagawang masama pero parang galit siya sa akin. Di ko naman kasama iyong Jeremy ah! Sumunod lang siya!

"Nak! Sama ka?" tanong sa akin ni mama. Saan na naman lakad niya? Naku! Baka gawin na naman akong assistant. Noon kasi kapag sinasama niya ako sa lakad niya ay ako nagiging alalay niya.

"Saan po ma? Alalay na naman ba ako?" tanong ko sa kanya at napatawa naman siya. Ngumuso lang ako at hinintay sumagot siya.

"Lunch kasama ang mga Chua. Alam mo na business matters." may pa taas-taas kilay pa si mama. Ngumiwi naman ako at napilitang tumango. Ayaw ko siyang makita! Naiinis ako, hindi ko talaga iyon papansinin mamaya.

Nagbihis ako ng semi-formal dress at sinuot iyong white sneakers ko. Last message niya sa akin ay iyong i-update ko daw siya sa whereabouts ko. Pero di ko gagawin iyon!

Bumaba na ako, dahil alam kong ako nalang ang hinihintay nila mama. Ako lang naman ang sobra tagal magbihis. Pagbaba ko ay andun na pala sila mama sa kotse. Sumunod lang ako sa kotse.

"Hon, bakit may biglaang pa lunch iyong mga Chua?" tanong ni papa kay mama. Biglaan? Hindi pala iyon napagplanuhan. Sinuot ko lang ang eaephones ko hanggang sa makarating sa isang Chinese Restaurant.

Pumasok na kami at may nag assist sa amin papunta sa reserved table. Andun na ang Chua family, ngunit di ko siya makita. Umupo na kami.

"Are we already late?" nakangiting tanong ni mama sa kanila.

"No, were just early." ngumiti din iyong Chua. Halos magkaedad lang sila ni mama. Naku! Buti nalang at wala si Race dito.

"Where's your son?" tanong ni papa. Pa! Bakit mo pa hinahanap? Di naman importante iyon. Laking gulat ko ng nakita ko siyang lumabas ng C.R. Malapit kong maibuga iyong tubig na iniinom ko!

"I'm here. Mr. Rosales." he smiled.  I rolled my eyes. Wow! Hindi man lang ako pinansin. Habang kumakain kami ay pinag-usapan nila mama iyong tungkol sa business.

Nagpaalam muna ako na restroom lang ako. Mabilis ako tumayo at nagpunta ng restroom. Wala naman talaga akong gagawin sa restroom. Mga ilang segundo ay lumabas na ako.

"What the fu-" hindi ko naituloy ang sasabihin ko, dahil agad niyang tinakpan ang bibig ko. Walang hiya siya! Tiningnan ko siya ng masama kaya tinanggal niya iyong kamay niya.

"Ano ba problema mo?" irita kong sabi. Kumunot ang noo niya at bigla niya linapit ang mukha niya sa akin na dahilan ng pag-atras ko.

"You…" sabi niya at mas lalo pang linapit ang kanyang mukha! What the hell is he doing?!

"And your sweet badlips, baby." sabi niya sa akin at inilayo na ang mukha. Hindi parin ako nakapagsalita, dahil sa gulat. How can he be that seductive?

"It's not a crime to breath." pang-aasar niya sa akin. I rolled my eyes on him at naglakad na pabalik ng table. Damn, him! Umakto ako na parang walang nagyari.

"Kailangan talaga sabay mag restroom?" bulong sa akin ni mama. Nanlaki bigla ang mga mata ko. Race looked at me curiously. My mom chuckled a bit.

Kanina pa nag-uusap sila mama at bored na bored na ko. Hindi ko naman magamit ang phone ko, dahil baka sabihin nila na wala akong modo. Iinom na sana ako ng tubig ng biglang nag vibrate iyong phone ko.

Race:

Wanna go out? :)

Wow! Paano maging siya? Paano maging walang hiya? Napasinghap ako at agad tumigin ng masama sa kanya. Samantalang siya ay nakangiti lang.

Me:

Ayos nako. Kesa naman ikaw kasama ko.

I heard him muttered a curse and both our parents stop from talking. Narinig din ata siya. Lumingon si Mrs. Chua sa kanya at kumunot ang noo.

"Is there a problem?" tanong ni Mrs. Chua. Ngumiti siya at huminga ng malalim.

"Nothing." he smiled with assurance. He looked at me seriously. Bumalik ang kanyang tingin sa kanyang phone. Isang text pa ay di na talaga ako magrereply!

Race:

I'll go out.

Sabi ko nga hindi na ako magrereply. Hinayaan ko lang iyon. He stood up and excused his self. Hindi pa siya nakakalayo ay tinawag siya ni mama.

"Race! Sama mo na si Abby. Mukhang bored na din." nag smile pa si mama sa kanya. Lumapad ang ngiti ni Race. Sinenyasan ako ni mama na sumama na. Napangiwi ako at walang choice kundi sumama kay Race.

Pareho kaming tahimik na lumabas ng resto. Wish Dice was here right now. Napaka-awkward ng atmosphere. Hindi rin siya nagsasalita. Tae! Ako na nga lang mauna!

"Ayos lang sakin kung di mo na ako papansinin. Pero basted ka agad." parining ko sa kanya. Gulat siyang napalingon sa akin. Nagpipigil tawa ako dahil sa reaksyon niya.

"Fuck?!" he cursed. Kumunot ang noo ko at lumingon din sa kanya.

"Minumura mo na ako?" singhal ko sa kanya. Mariin siyang pumikit at huming ng malalim.

"Of course, not! Fine, I was freakin' jealous yesterday." pag-amin niya. So, required na di ako pansinin kapag nagseselos? Bahala ka! Manigas ka diyan!

Hindi ako sumagot at kinuha ko ang earphones ko. Tumayo siya at hindi ko alam kung saan pupunta. I don't care! Hinayaan ko siyang umalis.

Limang minuto na at hindi pa siya nakakabalik. It's already one o'clock at hindi pa natatapos ang lunch nila mama. Sa sobrang boring ay sinearch ko siya sa Instagram. Oh! Nakafollow pala siya sa akin? He has a hundred thousands of followers! Pero wala naman siyang posts.

Ang kakaisa niyang picture ay iyong profile lang niya. He was on the beach. Naka shorts lang siya at topless na nakatalikod sa camera at nakalingon sa dagat. Ngumuso ako, dahil sobrang pribado niya! Meron siyang mga account sa iba. Pero pare-parehong walang posts.

"Stalking me, huh?" he smirked and gave me something. I smiled in amusement.

"Should I say, thank you?" tanong ko sa kanya. He chuckled sexily and looked at me again.

"No, alam kong favorite mo yan. Let's call it as a peace offering." he chuckled again. Ngumuso ako para mapagilan ang pag ngiti

He really is a stalker. Alam niya kung saang shop ako bumibili, iyong flavor na din!

"Hindi na ako basted." nagpout pa ang gago! Why so cute, self? Nagkibit balikat lang ako at sakto lumabas na sila mama.

"Thank you, Mrs. Chua." mom smiled at them. Ngumiti rin sila at nagpaalam na. Race waved at me at tinanguan ko lang siya. Sumakay siya sa ibang sasakyan. It's his own car!

I smiled and looked at the milktea he gaved me.

"Mamaya na yang kilig, nak!" pang-aasar sa akin ni mama. Sumakay na ako ng kotse at natulog lang muna sa biyahe. This day is kinda fun and a little bit boring.

Race is really a jealous guy. I smiled again with that thought.

Cannot BeWhere stories live. Discover now