Chapter 3
Pagkatapos ng morning class namin ni Dice ay dumiretso kami sa canteen para kumain.
Hindi ko alam kung bakit parang wala akong ganang kumain. Ayaw ko sa pagkain ngayon. Isa itong himala.
Tulala lang ako na nakatitig kay Dice. Ang saya niya habang kuamakain. Naiiinggit ako!
"Tutulo laway mo niyan." bigla akong may narinig na boses sa likod. Shett! Is this for real?
Liningon ko siya. Nakangiti siya sa harapan ko. Napangiti na rin ako.
"Anong ginagawa mo dito?" nakangiti kong tanong. Tumigil ka kakangiti self!
"Sabi mo kasi na it's better if we will know each other more. Ako na ang pupunta sayo. I understand na hindi ka pa ganoong nagtitiwala sa akin." sagot niya.
He's really sweet! Damn, pa fall to ah! Umiling iling nalang ako. Wala akong masagot.
"Hindi mo ba papaupuin 'yan?" singit sa amin ni Dice. Buti at pinaalala niya.
"Take your seat." sabi ko at sinunod naman niya.
He sat beside me. Si Dice ay namumula na dahil sa kilig. Baka mamaya ay maihi ito. She's really my bestest friend.
"Bakit hindi ka kumain?" tanong niya sa akin. Bakit ka galit? Tatay ba kita?
"Bakit nga daw kasi, Dale?"pang aasar sa akin ni Dice. Lagot ka sa akin mamaya!
"Tigilan mo iyan. Baka ma fall ako." pagbibiro ko. Tumawa pa ako. Si Dice naman ay mura ng mura.
"Edi ma fall ka. Mas mabuti nga iyon." sabi niya. Nginitian niya pa ako.
Ang ganda talaga ng mga ngiti niya! He's almost perfect for my ideal guy.
Pero ampanget naman kung sa outside looks lang ako mainlove. What if magsawa ako sa pagmumukha niya? Tapos na? Hindi iyon pagmamahal kundi Lust.
"Kumain ka. Masama iyan sa kalusugan." sabi niya sa akin. Bakit ka ba kasi ganyan?
"Mag ta time na kasi. Mamaya nalang." aalis na sana ako. Pero hinawakan niya ang kamay ko...
Shett! Parang namumula ako! Nakakahiya.
"Sit, I'll be the one to talk to your teacher." ma awtoridad niyang sabi. Sumunod nalang ako.
Hindi ako kumportable kumain ng nakatingin siya sa akin.
"Dale, alis muna ako ah! Enjoy!" hindi niya na hinintay yung sagot ko. Tumakbo nalang siya palabas.
Patuloy parin ako sa pagkain. Pwede ba siyang hindi tumitig?
"Can you stop staring?" tanong ko sa kanya.
"I can't. I am amaze by your beauty." seryoso niyang sabi.
Shett! Namumula na naman ako. Tangina kanina pa ako napapahiya dito.
Pagkatapos ko kumain at nagpaalam na siya na may pupuntahan pa siya sa office.
"Bye, take care!" paalam ko sa kanya. Sumilay ang ngiti sa mga labi niya.
Napangiti na rin ako. Parang matagal ko na siyang kilala. Kumportable ako sa kanya. Kaya lang mahirap parin magtiwala sa taong kaka kilala mo lang.
I enetered the room. Alam kong late ako. Pero thankful ako na hindi ako pinagalotan ni Prof.
"Kumusta iyong date niyo?" panunukso sa akin ni Dice.
Wala na bang ibang magawa ito kundi ang manukso?
Umiling nalang ako. Natawa siya ng mahina. She's really crazy!
Kinuwento ko sa kanya iyong nangyari. Pero halatang nabitin siya. Wala naman kasi masyadong nangyari. Hindi kami gaano nag uusap.
"May feeling ako na gusto ka niya." sabi ni Dice. Hindi ko alam kung ano irereact. Ganoon kasi iyong ipinapakita niya.
"Ayoko mag assume." sabi ko. Tumawa naman siya.
"Dapat lang. Ayokong masaktan ka Dale." seryoso niyang sambit. Sweet!
"Nice. Ang sweet mo!" tukso ko sa kanya. Tumawa naman kaming dalawa.
Hindi namin napansin na may pinapagawa na palang activity si Prof.
"Miss Rosales and Costa, no plans of doing the activity?" masungit na tanong ni Prof.
Yumuko kami at sabay kinuha ang mga libro. Sorry na at masyado kaming nadala sa usapan.
"Panira talaga 'to!" naiinis ni Dice na sabi. Tinawanan ko nalang siya.
Hindi nagtagal ay natapos din iyong subject namin. Shett! Napaka boring talaga!
"Gusto ko mag cutting!" sabi sa akin ni Dice. May balak ata isama ako sa kalokohan niya.
"Huwag mo na akong idamay diyan." natatawa kong sambit. Tumingin naman siya ng masama sa akin.
Anong problema neto?
"Porke may lovelife na ay hindi na ako sasabayan sa kalokohan." kunwaring nagtampo pa siya.
Shett! That's my weakness, madali lang kasi akong maawa.
"Okay fine! Last na 'to ah!" pagsang ayon ko sa kanya.
Tumango naman siya. Naglakad na kami papuntang likod ng building. Doon kasi may pwedeng malusutan.
"Wala bang tao?" tanong ni Dice sa akin. Tiningnan ko ang paligid at wala naman.
Umiling ako. Ganito talaga kapag expert! Nakalabas din kami.
"So, saan tayo ngayon?" tanong ko kay Dice. Nagisip muna siya, kunwari may isip.
Sumilong muna kami dahil mainit. Wala pa kaming mapuntahan eh.
Maya-maya ay may dumaang isang pamilyar na kotse. Sobrang pamilyar siya sa akin. Unti-unting binuksan ang bintana.
Shett! Nakita ako ni Race na nagcucutting. Nakakahiyang pangyayari!
"Nag cutting kayo?" tanong ni Race sa amin. Hindi ako makapagsalita.
Tumawa naman si Dice "Oo eh! Nakakahiya tuloy makita mo kami dito." tawang tawa parin siya.
Gaga talaga!
"No, it's alright. Ganyan din naman ako dati." tumawa din si Race. What? Dati?
"Sakay na kayo. Mall tayo libre ko lahat. Alam ko namang mayaman kayo pero libre ko pa din." sabi niya at inaya kaming sumakay.
Pinilit ako ni Dice kaya tara. Sumakay kami sa kotse ni Race.
"Sigurado ka naba sa desisyon mo?" tanong ko kay Race.
"Oo naman. Pero may limit kasi card ko eh." nanghihinayang niyang sabi. Wala din naman akong planong gumastos ng gumastos.
Nakakahiya kaya, hindi naman kasi iyon akin.
"Okay lang. Hindi naman namin iyan uubusin. Ilan ba ang limit?" tanong ko. Para narin alam namin kung ilan lang ang pwede naming bilhin.
"1 million lang eh. Bawal pa kasi ang malalaking halaga." ani ni Race. Minamaliit lang niya ang isang milyon!
Naging tahimik ang biyahe namin hanggang sa nakarating kami sa kanilang mall...
YOU ARE READING
Cannot Be
RomanceAbby I let him enter my life. He promised. I trusted. He broke it. This story is only fictional and doesn't mean to insult other people's culture.