Chapter 13
Anim kami sa isang lamesa kaya nagpadagdag pa kami ng isang table. Hindi ko inaakala na matatapatan ni Syen yung katakawan ni Dice. He's been ordering different dishes.
"Kapag yang tiyan mo sumakit, bahala ka." pananakot ni Ceo. Dahan-dahan naman binitawan ni Syen yung fried chicken na hawak niya. I saw Zarijel smirked. Pwede bang siya nalang? Chos, ayoko sa tahimik.
"Zarijel, can you please go out? My girl keeps staring at you." naiinis na sabi ni Race. Hindi sumagot si Zarijel at dumiretso lang sa pagkain. I planned to text him.
Me:
How can Zarijel be that handsome?
Wala naplanuhan ko lang na inisin siya. Agad niya namang tiningnan iyong phone niya. He looked at me intensely. Kunwari ay wala akong alam at hindi siya pinansin.
"Huwag mong sabihin na natri-triggered ka kay Jiel?" natatawang sambit ni Ceo. Tumawa naman sila Syen at Dice. Ako ay kunwari walang pakialam sa kanila.
"I'm not triggered." sabi niya at ibinalik ulit ang tingin sa telepono.
Race:
So, you like him? Hindi na kayo ulit magkikita. Handsome? Saang banda?
I chuckled a bit with his reply. Magrereply na sana ako, kaso gusto kong isanma si Dice sa plano ko. Diyan kasi magaling si Dice. Sa pang-iinis.
Me to Dice:
Huy plano kong inisin si Race. Tulungan mo naman ako.
Kanina pa tingin ng tingin si Race sa akin. Hindi ko pa siya rineplyan.
"Ba't ang gwapo mo, Zarijel?" agad namang umismid si Zarijel. Damn, this will be fun.
"Kaya nga. Kahit ang tahimik mo ay gwapo ka parin." pagdagdag ko. Agad namang nanlisik iyong mata ni Race. Nagpipigil tawa na kami ni Dice.
"Sa susunod talaga di ka na namin isasama. Hindi na nila ako pinapansin." sabi naman ni Syen. It's because, he's too busy eating.
"Kapag nagsalita naman ay napakaganda ng boses." kunwari ay manghang-mangha si Dice. Race looks very pissed right now. Hindi ko na maexplain ang mukha niya.
"It's angelic." dagdag ko. Si Ceo ay natawa naman sa reaksyon ni Race. Umiigting na kasi ang panga niya sa galit.
"Damn, our little Race is jealous." pang-aasar ni Ceo. Nakita kong tumipa siya sa telepono niya. Si Dice ay pinipigilan parin ang tawa.
Zarijel's voice is very manly and angelic. He got that handsome face with a not-so chinky eyes. He also got the red lips. Though, he's not that sociable.
Hindi ako ganoon kaclose sa mga pinsan ko. Minsan lang din naman kasi kami magkakasama. Si Wave lang ang malapit sa akin. Kaso nung nalaman niyang ampon lang siya ay lumayo muna siya.
We are now already done eating. Handa na kaming bumalik sa skwelahan. Naunang lumabas sina Zarijel at Skyen. Samantalang sina Race ay nasa likod namin.
"Kunwari doon tayo kina Zarijel sasakay." mahinang bulong sa akin ni Dice. I smiled a bit. She's still into it.
Paglabas namin ay kunwari akong sumunod kay Zarijel. Kumunot naman ang noo niya nung nakita niya ako. Sinenyasan ko nalang siya na wag maingay. Umiling lang siya at pumasok na sa sasakyan niya.
"What the hell are you doing?" he's voice thundered. I tried hard not to laugh.
"Dito ako sasakay." kunwaring inosente kong turo kay Zarijel. Ginulo niya ang kanyang buhok at naglakad papalapit sa akin.
YOU ARE READING
Cannot Be
RomanceAbby I let him enter my life. He promised. I trusted. He broke it. This story is only fictional and doesn't mean to insult other people's culture.