8th

20 1 0
                                        

Chapter 8

At dahil sinabi kong manlilibre ako ngayon. Andito kami ngayon sa isang restaurant malapit sa school. Handa naba kayo? Handa naba kaying matunghayan kung pano nila ubusin pera ko?

"Dale! Gusto ko ng Carbonara with Iced Tea at Burger with Ice Cream." sobrang ngiti niya halos di na makita ang mata amp.

Sinusulat ng waiter ang mga sinasabi ni Dice. For sure, tatanungin ako nila mama kung bakit binawasan ko laman ng card ko.

"Ikaw Race?" tanong ko sa kanya. Pansin ko kasing nagspaced out siya. Nakapoker face parin siya hanggang ngayon. Problema neto?

Ngumiti naman siya "Gusto ko ng steak with Iced Tea." iyon lang ang sinabi niya. Wow! Tipid ata. Pero ang mahal kaya ng steak.

Pagkatapos ay hinintay muna namin ang order namin at maya-maya ay dumating narin naman. Sabay-sabay kaming kumain at pare-pareho kaming walang imik, dahil focus masyado sa pagkain.

Lalo na si Dice. Minsan lang kase ako manlibre kaya ganyan. I know kasi na pinaghirapan iyon nila papa. Pagkatapos namin kumain ay bumalik na kami ng school at baka ma late pa kami.

Hinahanap ko iyong I.D. ko dahil bawal pumasok kapag walang I.D. Hinalungkat ko ang bag ko at kinabahan ako, dahil wala doon.

"Uy, tara na. Anong oras na sizt!" sabay hablot sakin ni Dice.

"T-Teka yung I.D ko. Di ko mahanap." patuloy parin ako sa pagkalkal sa bag.

Lumapit si Race sa akin at halatang medyo natatawa siya. Tinatawa neto? Kung sapakin ko kaya siya. Pumunta siya sa likod ko at hinablot yung I.D ko kaya nasakal ako.

Na realize ko suot ko pala yung I.D ko pero nasa likod.

"Naku, lutang mo masyado." tawa sakin ni Dice.

Ayun tumatawa yung dalawa. Pagkatapos ko silang librehan? Tatawanan lang ako? Very wrong. Ngumuso nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Pagdating namin sa classroom ay sakto lang kakadating lang din ng Prof. Terror pa naman iyon. Kahit limang minuto ay bawal.

"So, Para sa ikakasaya niyo-" naputol agad ang kanyang sasabihin, dahil naghiyawan ang aking mga kaklase.

Expected naman kasi na hindi magkaklase or may pa activity lang. Mas maganda kasi kapag activity lang. Atleast, nakakakopya kami.

"Hindi tayo magkaklase ngayon for some important matters." Prof. sighed. Siya talaga iyong pinakamahilig magturo. Hindi siya ganoon ka terror.

Nagsigawan sila at yung iba ay nauna ng lumabas. Alam naman namin na wala ng klase mamaya. Si Dice ay agad lumapit sa akin.

"So, saan tayo?" excited talaga 'tong gumala. Umakto naman akong nag-iisip. Hindi ko rin alam kung saan. Starbucks or Mall? Kaso nakakatamad sa mall. Masyadong crowded.

"Starbucks?" suggest ko sa kanya. Actually, gusto din niya doon, dahil maraming tumatambay doon.

"Ayown! Race! Di ka sasama?" lumingon kami kay Race. Kakatapos lang niya sa kausap niya sa phone. Important?

"I'm sorry. Something came up." sabi niya. Baka may problema sa company nila. Kinuha niya ang bag niya at nagpaalam sa amin.

Nagsimula kaming maglakad palabas ng campus. So, ayun dahil walang magd-drive sa amin. Wala kaming maagawa kundi mag-commute. Isang kotse ang nag park sa aming harapan. Ay wow!

"Sakay na!" aya sa amin ni Jeremy. Wtf! Ba't siya andito? Ayaw talaga niya tumigil.

"No, thanks. Magco-commute nalang kami." I rolled my eyes and started walking far from him. Sumunod naman si Dice pagkatapos niyang mang-asar kay Jeremy.

"Naku! Napakapapansin talaga nun!" medyo nairita ata. Hindi ko maexplain iyong reaksyon niya.

Nakasakay kami ng taxi at papunta na kami ng Starbucks. Si Dice ay focus masyado sa phone niya. Samantalang ako ay nakatingin lang sa labas.

You have 1 new message…

It appeared on my notification. Tiningnan ko kung sino iyon.

Race:

Ano kayo oras uuwi? I'll fetch you.

Hindi na naman kailangang sunduin. Pwede naman ako tumawag sa bahay para magpasundo. Sayang lang gas niya.

Me:

Huwag na. Tatawag nalang ako sa bahay para magpasundo.

I replied. Nakarating na kami ng Starbucks at auto-order naman itong si Dice. Libre niya na daw. Tutal, nanglibre daw ako kanina. Marami ngang nakatambay na tao dito. Yung iba nag-aaral at meron ding business matters.

Pagdating ni Dice ay inabot niya sa akin ang Coffee sa akin. Pinakapaborito ko dito ay ang Macchiato talaga. Nag-order din siya ng chocolate cake.

"Huy, alam mo ba? Hindi pa diba? May gwapong papasok dito." ngiting-ngiti niyang sabi sa akin. Lumingon ako sa entrance at nakita ko si Jeremy. Ughh! Sumunod pa talaga amp!

"Gwapong may saltik." sabi ko at humalakhak naman si Dice. Nag-wave pa talaga siya doon. Agad tuloy kaming nahanap. Wala na! Wala na ako sa mood!

"Hi, babe!" bati niya sa akin. Eeww! Ang cringy pakinggan. Agad akong nanlumo na dahilan ng pagtawa nila. So, happy pill niyo na ako niyan?

"Dice, uwi na tayo?" lumingon si Dice sa akin. Alam ko na sagot neto! Mangiinis na naman siya!

"May sundo ka na?" tanong niya sa akin. Sabi ko nga wala pa. Wala akong choice kundi umupo nalang ulit. Uubusin ko lang 'tong pagkain at uuwi na ako. Bahala na kung walang sundo.

"Kung gusto mo ng umuwi, ihahatid kita." offer ni Jeremy sa akin. Diba niya maintindihan ang ayaw ko sa kanya? Hindi ko siya pinansin at patuloy lang ako sa pag-inom ng coffee.

Ba't ba kase ayaw niyang tumigil? Halatang ayaw ko sa kanya. Pwede ko sana siyang maging kaibigan kaso masyadong mapilit, iba ang gusto. Hindi ko naman siya mapapagbigyan sa gusto niya. Tumayo ako at handa ng umuwi.

"Dice, uuwi na ako. Salamat sa libre." ngumiti siya at bumalik sa phone niya. Naku! May hinahaharot na naman ata. Naglakad ako papuntang exit kaso hinarangan niya agad ako.

"Akala ko ba ay wala kang sundo? Sino maghahatid sayo?" pangungulit sa akin ni Jeremy. Isa nalang talaga basted agad siya sa akin. Kahit dito ko pa isigaw.

"Pake mo ba? Kaya kong umuwi mag-isa." inis kong sabi. Hindi parin siya umaalis sa harapan ko.

"Pwede naman kitang ihatid, dahil wala din namang susund-" di pa niya natatapos ang sasabihin niya ay may narinig akong boses sa aking likuran.

"Merong susundo sa kanya." napapikit ako. Shit! Ang ganda ng timing niya! Naglakad ako paalis at pumasok agad sa kotse niya. Pagpasok niya ay hindi niya ako pinansin. Ay galet? Nag-drive lang siya at hindi man lang ako kinausap.

"Sige lang! Huwag mo na akong pansinin." kunwari nagtatampo ako. Hindi parin niya ako pinapansin hanggang sa dumating kami sa bahay.

"Stay away from that guy." malamig niya sabi. The cold never bother me anyway~

"Hindi naman ako lumapit ah!" pagrarason ko. Tama! Hindi naman ako lumapit. Siya ang sunod ng sunod.

"Alright, please update me your whereabouts." sabi niya sa akin at nagpaalam na. Lumabas na ako ng kotse niya at hinintay ang pag-alis niya.

Ngayon lang ako nagkaroon ng manliligaw na demanding.

Cannot BeWhere stories live. Discover now