12th

12 0 0
                                    

Chapter 12

Ngayon pupunta ang mga taga-EU sa school namin. Maaga akong naghanda, dahil susunduin daw ako ni Race. Nakakahiya naman kung paghintayin siya.

Nauna ako bumaba. I used to wake up late. Hindi ako sanay na maabutan yung maid na hinahanda yung pagkain namin. Iyong ako ang maghihintay kina mama bumaba.

Habang pababa ako ay narinig ko ang boses ni mama.

"Anak! Ang aga mo ata? Inspired?" pang-aasar sa akin ni mama. Namula naman agad ang mga pisngi ko kaya tumalikod agad ako sa kanya. I heard mama chuckled.

"Sige, mauna ka na. Alam kong susunduin ka ni Race." alam agad ni mama? Halatang nagkakasundo ang dalawa. Mas alam ni mama ang plano ni Race!

Nauna din akong kumain, dahil sabi sa akin ni Race na otw na daw siya. Nakita kong pababa na si mama at papa. Naglalambingan na naman ang dalawa. Hindi parin nawawala ang kasweetan sa kanila.

"Aysus! Akala ko di ko na maabutan si Dale dito." sabi ni papa. Tipid akong ngumiti sa kanya. Napalingon ako sa lalakeng naglalakad patungo kina mama. Wow! Hindi ako nainform na dumating na siya!

"Hi tito, tita." yumakap siya sa kanila. Pagkatapos ay lumingon sa akin. Focc! Hindi parin nagsi-sink in sa akin. I'm not dreaming, right?

"Dale!" tawag niya sa akin. Paano ba magreact? Hindi ako makagalaw sa inuupuan ko. Ngumuso siya at naglakad papalapit sa akin.

"Missed me that much?" sabay gulo niya sa buhok ko. Doon ako natauhan. Ilang oras ko pa naman inayos yung buhok ko! Tiningnan ko siya ng masama.

"I didn't miss you! Hindi moko ininform!" sabay yakap ko sa kanya. Nakakaiyak, medyo matagal na rin simula nung makita ko siya.

"Tita Claire didn't let me get back earlier." ngumuso siya at umupo sa tabi ko. Kakain din siguro. Kumuha siya ng kanin. Sabi ko nga kakain.

"Ayos naba iyong problema niyo?" ngumiti siya at tumango. He's my step-cousin. I still consider him as my cousin. Hindi naman talaga kami magkadugo. Pero siya ang pinakamalapit sa akin.

Race:

I'm outside.

Pagbasa ko sa text niya kaya tumayo na ako at aakmang aalis na. Ngunit pinigilan ako ni Wave.

"Sino iyong katext mo?" tanong niya at kumunot ang noo. Ngumuso ako at hinila siya patayo. Ipapakilala ko nalang. Tutal na sa labas na naman.

Sinundan niya ako palabas at nakita ko si Race nakasandal sa kotse niya. Kumunot ang noo niya nung nakita niya kami. Nginusuan ko nalang.

"Race, this is my cousin Wave." sabi ko kay Race and I heard a low chuckle of Wave.

"Step-cousin." pagtatama niya sa akin. Agad sumama ang tingin ni Race. Ngunit agad naman nawala iyon.

"Race, manliligaw niya." inabot niya ang kamay niya. Tinaggap iyon ni Wave. Pagkatapos ay nagpaalam na ako kay Wave at pumasok na sa kotse ni Race.

Badtrip siyang pumasok sa kotse. Ang aga-aga ay badmood agad? Tinotoyo ka sizt? Naku, ang aga para diyan.

"Bad mood?" tanong ko at pumikit siya ng mariin. He nodded.

"Halatang gusto ka niya!" pagmamaktol niya. Pfft! Ako? Protective lang talaga si Wave kaya ganon!

"He's my cousin, Race." tumawa pa ako. Naku! Nagseselos sa pinsan ko? Very wrong.

"Step." para siyang bata kapag nagtatampo! Ang cute ko! He's still my cousin!

"I don't care. He's still a cousin for me." huminga siya ng malalim at tumango nalang. Defeated? Hindi naman tama na pagselosan si Wave. Siya kasi ang pinsan ko na inaaway ang mga manliligaw ko! Kesyo di daw sila karapatdapat!

Cannot BeWhere stories live. Discover now