Chapter 1
I arrived at home with a smiling face. Para kasing interesado siya sa akin. Hindi naman sa nag aassume, pero parang ganoon na nga.
"What's with that face, Nak?" mapanuksong tanong sa akin ni mama.
Ina ko talaga siya!
"May bago na akong crush maaa!" sabay yakap ko sa kanya.
Yes, ganyan kami ka close. Lahat ng nangyayari sa akin ay alam niya. Para ko na nga siyang bestfriend eh!
Pero kailangan mas close ang family kesa bestfriend.
"Is it Race?" tanong ni mama. Pati iyan ay nahulaan niya? Pwede niya ng gawing negosyo ang panghuhula.
Hindi ako nakasagot. Napangiti ako nung narinig ko ang pangalan niya.
Ang tindi ng tama ko ah! Self, bata ka pa. Wala munang seryosohan. Lil Uzi Vert said...
"While you're young, don't ever fall inlove. It's fake!"
Kaya kalma lang tayo.
"Ma, wala pa ba yung pagkain?" tanong ko kay mama. Tumawa naman siya.
Alam niyo ba? Malamang hindi. Matakaw talaga kasi ako. Pero syempre kailangan maintain parin ang body.
"Manang mana ka talaga sa akin!" yinakap ako ni mama.
Talaga ba?
"Kaso mas maganda ako sayo ma!" ako naman ang tumawa. Akala niya ah!
"Syempre nahaluan na ng dugo ko eh." singit ni papa sa usapan namin ni mama.
And we are the Feeling Family!
"Tama na iyan at handa na ang pagkain." singit ni Nana Gina.
Lahat ng kasambahay dito ay itinuring na naming pamilya.
Umupo agad ako sa hapagkainan at susubo na...
"Whops, di pa tayo nagdadasal." natatawang sambit ni papa
Nag pout naman ako. Excited na ako eh! Seafood pa naman yung ulam!
Hadlang talaga kayo pa!
"Aming ama na nasa langit..."
Hanggang sa natapos. Yey makakain na ako!
Kumuha ako ng maraming hipon. It's my favorite!
"Nak, dahan-dahan lang sa pagkain." paalala ni mama sa akin.
Tumango naman ako. Kung makapag alala si mama sa akin ay parang hindi rin siya ganoon.
Shett! I don't want to stop eating! Pero may tumawag sa akin eh...
0975******* is calling...
Sino to? Ginugulo niya yung pagkain ko!
'hello.' medyo naiinis kong ani.
'Bakit parang galit ka? Nakakaistorbo ba ako?' tanong ng gago. Wait! si Race to ah!
'H-Hindi naman. Anong kailangan mo?' medyo nautal ako.
'Nothing. I just called so that you can save my number.' ani niya. Ouch, wala pala siyang kailangan.
'Alright, Bye' pagpapaalam ko naman.
Buti nalang at pasensiyoso ako. Ayoko pa naman na may sabagal sa pagkain ko.
Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako sa kwarto at nag internet. This is life!

YOU ARE READING
Cannot Be
RomanceAbby I let him enter my life. He promised. I trusted. He broke it. This story is only fictional and doesn't mean to insult other people's culture.