10th

10 1 0
                                    

Chapter 10

He just texted me goodnight, last night and no more. I just slept. Today, is sunday and it's church day. Maaga akong gumising para maagang makapaghanda.

Sabay-sabay kaming nag almusal nila mama.

"Nanliligaw si Race?" tanong ni mama sa akin. I sighed, ang aga-aga siya ang topic!

"Nope, kikilalanin daw muna namin ang isa't isa." sabi ko kay mama at sumubo ulit. Mukhang kontento na si mama sa aking sagot ngunit si papa ay hindi.

"Nanliligaw na rin iyan." sambit ni papa, kaya napalingon ako sa kanya. Mama smiled. Ughh! How can be my parents be this irritating?

"Hindi nga pa! Iba yung nanliligaw sa akin." kumain ulit ako at natahimik naman sila papa. I stopped from eating when I realized what I've just said. Fuck!

"Iyong Jeremy ba?" tanong ni mama. Alam nila na nanliligaw siya sa akin noon. Pero ang di nila alam ay hanggang ngayon pa pala. I nodded at mom.

"Ang tagal na din nun. Hindi mo parin sinasagot?" tanong naman ni papa. Gosh! Parang nasa hotseat ako ngayon.

"Pa, matagal ko na siyang binasted. Pero ayaw parin tumigil." page-explain ko sa kanya. Naiirita talaga ako kapag siya ang pinag-uusapan.

Hindi na sila nagtanong pa ulit hanggang sa natapos kaming kumain at nag-ayos nalang at pumunta na kami ng simbahan. Medyo malayo din ang simbahan kaya maaga kaming bumiyahe.

May nakita akong magbabarkada na naglalakad papunta ng mall. Ang aga naman nila para mag mall. Ako kasi, kapag sunday talaga lagi akong pumupunta ng simbahan. Umiling nalang ako at kinuha ang phone.

Dice:

Iyong simbahan parin yung pinupuntahan niyo?

Ow, ano nakain niya at naitanong niya ito? Sisimba siya? As far as I remember, di siya nagsisimba.

Me:

Yup. May plano ka?

Medyo natawa ako sa tanong ko. Wala naman ata 'tong plano. Ibinalik ko ang tingin ko sa labas habang hinihintay ang reply.

Dice:

Yep. Papunta na ako.

Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang reply niya. Woah! This is my first time na makikita siya sa simbahan. Well, except sa school. Kasi kailangan naman iyon.

Me:

Di ka masusunog?

Tumawa ako ng konti. For sure, tumatawa din siya. Nakasakay na ata, hindi na kasi nagreply. Hinayaan ko nalang din. For sure, nasa biyahe nadin iyon. Kahit hindi naman ganoon kalayo sa kanila ang simbahan.

Napansin kong malapit na din kami. Ang bilis ata ng biyahe? Naexcite tuloy akong makita si Dice na nagsisimba. Pagdating namin ay bumaba kami sa mismong entrance at hinayaan ang driver na humanap ng pwedeng parkingan.

Pumasok na kami at pumwesto malapit sa gitna. Luminga-linga ako sa paligid kung nandito na si Dice. Pero wala pa akong nakikita.

Me:

Saan ka na? Malapit na magsimula.

Nag-aanunsyo na kasi iyong madre ata iyon. Hindi ko nakita ng maayos. Ang dami kasing matatangkad sa harapan ko.

Dice:

I'm here. Saan kayo banda?

She replied.

Naks, sineryoso niya talaga ang pag punta dito? Baka naman makipagkulitan lang 'to sa akin?

Me:

Malapit sa gitna, left side.

Cannot BeWhere stories live. Discover now