☪️ Chapter 44☪️(Milktea)

869 56 4
                                    

SKYLIE POV:

Nakatunganga akong nakatingin sa bintana habang wala pa ang prof namin. Hayst ang boring (T...T) hindi ako makapaggala kasi grounded ako.

Pout*

Simula ng umuwi kami grinounded ako ni Tyron akala ko pa naman magagawa ko ulit ang gusto ko. Psh, school diretsyo bahay ang hobby ko ngayon. Akala mo sya yung lolo ko kung makagrounded parang matanda.

Speaking of lolo pinauwi ko si zander para ipadala ang regalo ko at babalik naman agad si zander dito dahil nag-enroll pala dito si Zander.

"Oyy Tyron payagan mo na kasi si Skylie lumabas tingnan mo bored na bored sa buhay." napalingon ako sa gilid ko ng kinausap ni marian si Tyron nasa tabi ko.

"No. Don't worry isang linggo na lang at pwede na nyang gawin ang gusto nya." nakacross arm na sabi ni Tyron.

Wait... isang linggo? I thought dalawang linggo pa.

"Tyron naman ang tagal ng isang linggo." nakasimangot na reklamo ni marian. Prrff parang ikaw ang nagrounded ah.

Tiningnan naman sya ng matalim ni Tyron kaya naging maamong tuta si marian.

"Bakit gusto mo bang dagdagan ko pa ang araw nya?" tanong ni Tyron sa kanya.

Sasagot sana si Marian ng sumingit ako.

"Eh eh sssh. Samahan mo muna ako sa CR marian." at kumilingkis sa braso nya.

Tumingin naman ako kay Tyron na nakapikit habang nakacross arm parin.

"Wala ng bawian ah isang linggo na lang. Thank you." nakangiteng sabi ko sabay halik sa pisnge nya.

Di ko nakita ang reaction nya dahil hinila ko agad si marian palabas.

"Bakit ka pumayag sky at nagawa mo pang magthank you ka pa sa kanya." nakasimangot na sabi ni Marian at pinagpadyak padyak pa ang paa.

"HAHAHA mabuti na nga yung isang linggo kaysa sa dalawa diba? Kasi dalawang linggo pa dapat." sabi ko at inalis ang kamay ko sa pagkakalingkis sa kanya.

Nakita ko naman nabigla sya at biglang mahiya dahil siguro sa ginawa nya kanina.

"Kung ganon inadjust pala ng isang linggo ni Tyron hehehe oo nga naman mas mabuti na yung isang linggo mabilis naman ang araw." napailing na lang ako.

"Nga pala Sky..." napatingin ulit ako kay Marian at ngumite saka hinintay ang sunod nyang sasabihin.

"Ahm wag ka na sana gumawa ng ikakapahamak mo at tsaka wag ka ng magligtas ng tao na hindi mo naman kaano-ano hindi ka si Darna, Wonder woman, Cat woman o sino pa man." Natawa naman ako sa sinabi nya kaya inakbayan ko sya.

"HAHAHA alam mo Marian nasa sa akin nayun kung magliligtas ako ng tao, hindi naman masama mangligtas." sabi ko.

Nasa vocabulary ko na ang mangligtas ng tao kahit hindi ko man kilala di naman akong takot mamatay dahil nakahanda na ako doon.

"At tsaka Marian hindi ako mamamatay baka nga dahil sa ginagawa ko pahabain pa ng langit ang buhay ko." nakangiteng sabi ko at kinindatan sya.

"Sky naman eh." tinawanan ko lang sya sa pagmamaktul nya at pinagpatuloy ang paglalakad.

LAIKYNN POV:

"Laikynn hindi ka ba natatakot na baka may lason nyan?" tanong ni Norman sa akin habang tinuro ang iniinom ko.

"Halos dalawang linggo ko natong iniinom so nothing to worry wala namang nangyayari sa aking masama." sagot ko sa kanya.

Palagi akong nakakatanggap ng inumin nato ng pumasok ulit kami.

Book 2: Im the Queen of the 5 GangsterWhere stories live. Discover now