LAIKYNN POV:
"Hoy mga punyeta magsigising na kayo!"
"Ano ba yan laikynn?"
"Anong oras na ba?"
"Nakalimutan mo na naman ba ang pagbubukas ng zipper mo?"
"Manahimik ka gerald alam kong magbukas ng zipper ko." inis kong sabi.
Nagsibangon naman sila at nag-unat ng katawan kasabay ng paghikab nilang tatlo.
"Pakitakpan ang mga bunganga bad breath pa kayo." sabay sabay naman nilang sinarado ang kanilang mga bibig.
Inamoy nila ang kanilang mga hininga at sabay tumingin sa akin ng masama.
"Wag nyo akong tingnan ng ganyan leader nyo ako. Magsiligo na kayo magluluto pa ako ng umagahan natin." sabi ko at tinalikuran silang tatlo.
Lumipat kami ng condominium at sama-sama na kami sa isang kwarto dahil nung nasa isang condo kami lagi silang nagsisikatukan sa gabi kaya napag-isipan kong lilipat kami at yung kwarto namin gawin isa which is nakabuti naman minsan nga lang mga 10:00 pm na kami nakakatulog dahil sa ingay nila.
Nagluto ako ng brown rice, egg, hotdog at meat loaf at magtimpla mg kanya-kanyang inumin nila.
Yaya nila ako sa umaga eh (Insert sarcasm)
Umiinom ako ng aking kape ng muntik ko ng ibuga sa gulat ang iniinom ko.
"P*tang *na laikynn alas kwatro palang!" narinig ko ang mga mabilis at padabog nilang mga paa papunta sa akin.
Sunod-sunod silang tumayo sa pagitan ng lamesa habang nakatingin sa akin ng masama. Nakabihis na sila ng uniform katulad ko pero yung mga mukha nila hindi maipinta.
"Ang akala namin 6:00 AM na pero laikynn alas kwatro pa lang. Anong dahilan at ginising mo kami ng ganitong kaaga?" nginitian ko lang sila at lumapit sa kanila.
"Wag ka ng magalit Joel ano kasi...ahm...gusto kong samahan nyo ako sa school." sabi ko at inakbayan sya pati si Norman.
"Sabay naman tayong pumapasok ah ano pa bang gusto mo? Ang aga-aga eh." Norman.
"Gusto kong samahan nyo ako kung sino talaga ang naglalagay ng milk tea sa locker ko. Mag-iisang buwan na at hindi natin alam kung sino sya diba gusto nyo din malaman yun kaya wag na kayong mag-inarte at kumain na lang." tinulak-tulak ko sila paupo sa upuan.
Well, may iba pa akong dahilan kung bakit gusto kong malaman kung sino ang naglalagay sa locker ko.
Sa tingin ko may gamot ang mga yun kaya gumaling ako dahil nong iniinum ko yung may nararamdaman akong mga sintomas tulad ng pagpapawis at hirap sa paghinga pero hindi ko sinabi ang mga yun sa kanila.
"Akala namin hindi mo na aalamin kung sino sya?" nagkibit balikat ako at umupo.
"Nagbago ang isip ko." yun lang ang sinabi ko na ikinatango-tango nila.
~
Nakatitig lang kaming nakatayo sa gate na nakasarado.
"So, anong gagawin natin eh nakasarado, subrang aga natin eh." joel.
Napaisip naman ako habang nakatingin sa gate at tumingala ako. Hindi naman masyadong mataas ang gate at hindi naman delikadong akyatin, napangite naman ako sa naisip ko.
"Anong nginingite mo laikynn? Don't tell me aakyat tayo?" napatingin ako kay gerald dahil nabasa nya ang nasa isip ko.
"Oo naman kung ayaw nyo edi ako na lang, dito na lang kayo sa labas hanggang pagfiestahan kayo ng mga lamok." saad ko.
YOU ARE READING
Book 2: Im the Queen of the 5 Gangster
Action"Bakit ba lagi na lang ako pinag aagawan?." Skylie