☪️Chapter 35☪️ (Royal Guards)

986 54 8
                                    

Skylie POV:

Lumabas kami ni Marian sa sala at pagkalabas namin at nakita namin si Danica.

Ngayon ko lang napansin na ang cute nila sa mga suot nilang maid suit nagmumukha silang Japanese.

"Danica." nakangiteng tawag ko sa kanya. Lumingon naman sya sa akin sabay takbo at niyakap ako.

(Chuckle)*

"Huhuhu namiss kita bakit kasi di mo sinuntok yung Ashton na yun huh?! Kidnapping yung ginawa nya sayo." naiinis na saad ni Danica at tinuro pa nya yung likuran namin kung saan yung sala.

"Ano kasi di ko nagawa kasi ano parang may pinaamoy ata sya sa akin kaya paggising ko nandito na ako at isa pa ang daming nakabantay dito." sagot ko naman sa kanya.

"At mag-ingat kayo sa binibitawan nyong salita nakakatakot pa naman yung mga royal guards dito parang handa silang pumatay." dugtong ko pa ng pabulong.

Yung kasi ang nakikita ko parang wala silang pakialam na nakapaligid sa kanila at wala silang paki-alam kung sino ang nakakabangga nila.

"Ayy promise di kami gagawa ng kalokohan hanggat wala pang umagahan pero ewan ko lang sa mga boys trouble maker pa naman sila kahit nga pagpunta namin dito nag-aaway parin sila."

(Sigh)* napabuntong hinanga na lang ako sa sinabi ni Marian kasi totoo naman yung sinabi nya pero hindi naman ata sila gagawa ng bagay naikakapahamak namin lahat.

"Kaya nga lalo na yung si zack naiinis na ako sa kanya akalain mo tinawag nya ako manok sa harap nilang lahat." prrff kaya pala inis na inis sya kanina.

Baka iba yung nasa isip nitong si Danica baka inisip nyang mukha syang manok dahil sa sinabi ni zack pero hindi kasi maganda naman si Danica may lahing manok lang dahil ang daldal nya.

"Hayaan mo na mahirap kasi ngumuya ang mga donkey." sabi ko na ikinatawa naming tatlo.

"Skylie." napalingon kaming tatlo ng may tumawag sa akin.

Nakita kong si Tyron pala. Ang gwapo nya talaga sa suot nya kung pwede lang si Tyron na lang ang prinsipe dito tapos dito na lang din ako.

Lumapit nya sa amin kaya gumilid naman yung dalawa.

"Wala naman sigurong ginawa yung lalakeng yun sayo." nag-aalala nyang sabi.

"Wala naman." nakangiteng sagot ko sa kanya.

"Ahem! remember nandito tayo sa palasyo baka tigilan nyo muna ang kasweetan nyo at ipabukas nyo na lang gawin nyan pagnakaalis na tayo." pagpapaalala sa amin ni Marian kaya lumayo kami ni Tyron sa isa't isa.

Muntik ko ng nakalimutan gusto ko sanang halikan si Tyron sa pisnge dahil namiss ko sya.

Napatingin kami ng nagsilabasan sila ashton.

"Follow me." autoridad yang saad. Bakit ang seryoso nito?

Binigyan ko ng mapangkahulugan ng tingin si Tyron.

"Why? I didn't do anything." defensive nyang sabi. Napacross arm ako sa harapan nya.

"Really huh?" nagtaas naman sya ng kanang kamay.

"Promise wala maliban sa..."

"Sa?" tanong ko sa kanya dahil ang tagal nyang dugtungan.

Siguro may sinabi to kay Ashton na hindi nya nagustuhan ganon kasi ang mga lalake pag hindi nagustuhan nagwawala o kaya nagagalit.

"Nevermind loves." saad nya at binulong ang huli nyang sinabi kaya hinampas ko sya sa may balikat.

"Tigilan mo nga yan baka may makarinig sayo." sabi ko at tinitingnan ang paligid.

"Tsk Hayaan mo sila pake-alam ba nila sa atin." nanguso nyang sabi at nagcross arm pa hayst ang tigas ng ulo nito kahit kailan.

"Ewan ko sayo, tara na nga at naiiwan na nila tayo oh." sabi ko at tinuro sila Ashton na malayo na sa amin.

Di ko pa kasi kabisado ang pasikot-sikot dito tulad nga ng sabi ko malaki ang palasyo.

"Sa kwarto mo na lang ako magpahinga." napatingin ako kay tyron habang naglalakad kami.

"Nahihibang ka na ba? Sinabi nyo sa Reyna at Hari na kaibigan nyo ako at kapatid ko si Zander kaya panagutan nyo yun."

Baka magtaka sila kung bakit nasa kwarto ko si Tyron instead na si Ashton.

"Ok ok hindi na po." napangite ako dahil nagiging childish na naman sya.

Nakasabayan na namin sila Ashton at kami ang nasa hulihan.

"Si Jayson." rinig kong saad ni Shan. Pero di ko makita dahil sa mga p*tang *nang na nasa harap ko.

Ang tangkad nila pero mga 2 inches ata ang tangkad nila mula sa akin ang hirap makipagsabayan sa matatangkad. =_=

"Oh ano jayson may pawalk out -walk out ka pang nalalaman naliligaw ka din pala HAHAHAHA." Alam nyo na kung sino ang malakas mang-asar sa grupo ni Tyron.

"Shup up zack baka mapatay pa kita." pagbabanta ni jayson sa kanya pero alam kong biro lang yun.

Alam kong bakit mainit ang ulo ni Jayson at yun ay dahil sa akin ang hindi ko lang alam kung bakit mainit ang ulo nya sa akin iba na ang pakikitungo nya at sa tuwing nakikita nga ako nag-iiba ang mood nya.

"Owwss wag naman ganyan jayson HAHAHA halika na ituturo ni Ashton yung magiging kwarto natin." zack.

"Tsk wag mo nga akong akbayan ang init-init eh."  rinig kong reklamo ni jayson.

Lagi na lang sila nagkakabangayan pero kasama na doon si Danica syempre.

Lumiko kami ng pasilyo at umakyat sa hakdan at.....

"Ano ba yan wala ba kayong elevator?" Isaac kung natatandaan nyo isa sya sa grupo ni Wilder

"Sa yaman nyo wala man lang kayo elevator." Zack

"Kaya nga kung gusto nyo tulungan kitang magpagawa ng elevator." reklamo ni jude isa kaibigan ni zander baka nakalimutan nyo na sila.

"No comment." sabi naman ni joel kaibigan ni Laikynn.

Napahinto kami ng huminto si Ashton halos na sa taas na kami ng hagdan.

"As far as i know servant cannot complain and one more thing when have you seen an elevator in a palace?"

(KATAHIMIKAN)

Prrfff ok pahiya kunti bukas bawi. Mahirap talaga pag ikaw ang malakas mang-asar sa grupo mas doble ang balik sayo.

"A-ak bakit ba gusto namin ng elevator eh tsaka sino nagsabi sayo na ser- hmmm."

"Bunganga mo ang ingay gusto mo bang mamatay tayo ng maaga dito? Kung gusto mo ikaw ang mauna at ipapatadtad ko yung katawan mo sa mga guards para di namin marinig ang nakakarindi mong boses." inis na banta ni zander sa kanya at tinanggal ang kamay nya sa bibig ni Zack at nakita ko ang reaction ni Zander pagkatapos nyang tanggalin ang kamay nya kay zack.

HAHAHAHA parang nandiri na ewan tapos pinunasan nya ang kanyang kamay sa pants nya.

"Silent!!" nagulat kami ng sumigaw si Ashton. Ngayon ko lang sya narinig sumigaw kasi pagnakikipag-usap nga sa akin mahina at mahinhin.

"Since you are here in my palace you have to follow the rules. The first thing is to keep your mouths shut, understand?" tumango naman yung mga duwag maliban sa akin, kay tyron, laikynn, at kay wilder.

May ganyan palang rules dito?

May narinig kaming mga yapak ng mga paa na paakyat dito at subrang bilis nila.

1sec...
2sec...
3sec...

Nakita ko ang mga royal guards na may mga hawak na sibat at ispada.

What the?!










Book 2: Im the Queen of the 5 GangsterWhere stories live. Discover now