Tyron Sebastian Smith POV:
"Sky!"
Agad akong napalingon dahil may tumawag kay skylie.
Di ko alam ang nangyayari pero bigla akong napamura dahil may nakita akong dugo na umagos sa ulo nya.
"T*ng ina!" Sinapa ko ng malakas yung nasa harap ko at tumakbo kay sky para saluin sya.
"Sky, sky, sky, love." tawag ko at pag aalog ko sa kanya at tinapik tapik ang mukha nya para imulat mata nya.
Magbabayad ang gumawa nito sa kanya. Dahan dahan ko syang nilapag at hinarap yung gumawa nito sa kanya.
Nakita kong makahandusay sya sa lupa ngunit gumagalaw pa nya.
Nilapitan ko ito at pinatungan nya saka sya pinagbubugbug sya.
"P*TANG *NA MO LALAMUGIN KO YANG MUKHA MO!" galit kong sigaw sa kanya
Boggssh*
Boggssh*"MAMATAY KA NA!" Halos lumabas na ang mga ugat ko dahil sa galit.
Pagbabayaran mo ginawa mo kay sky.
"Tyron Tama na dalhin na natin si sky sa hospital!"
Di ako tumigil kabubugbug sa kanya gusto kong mawala ang pagmumukha nya.
"Tyron tama na sabi!" Bwesit ka.
Bigla may humatak sa kwelyo ko napaangat at may sumuntok sa akin kaya napatiim bagang ako at pinunasan ang dugo sa labi.
Sinamaan ko ng tingin si laikynn dahil sa ginawa nya.
"Kailangan na natin dalhin si skylie sa hospital naiintindihan mo." madiin nyang sabi sa akin.
Hinawakan ko ang kamay nya para bitawan ang damit ko.
"Alam kong ginagawa ko." Saad ko bago sya tinalikuran.
Binuhat ko si skylie ngunit naalala kong wala pala kaming dalang kotse.
"Get in at wag ka ng mag-inarte dyan." napalingon ako sa sinasabi ni laikynn kaya wala na akong nagawa at dali daling pinasok si sky sa kotse.
Naiwan naman ang grupo ko pati ang grupo nya dahil di kami kasya sa loob ng kotse pero alam kong susunod sila.
Di ko muna tataasan ang pride ko kahit na sinuntok ako ng pangit nato.
"Wag mo akong tingnan ng masama." Napansin nya pala mukhang malakas din sya.
"Tsk." umiwas ako ng tingin at tiningnan si sky.
Patawad sky kung nasasali ka sa mga gulo ko ngunit gagawin ko ang lahat para protektahan ka sa lahat ng mga kalaban ko.
Napatingin ako sa noo ng na may dugo shit! nakalimutan ko.
"Bilisan mo parang pagong itong sasakyan mo." Saad ko.
Mukhang naiinis naman sya kaya biglaan nyang inapakan ang speed at agad naman kaming nakarating sa hospital.
------------MEANWHILE---------
"Ok na sya, nabendahan na namin ang ulo nya wala naman malalang fracture sa ulo nya nagkaroon lang ng sugat ang ulo kaya dumugo. Kailangan nya ng pahinga at wag nyo syang bibiglain sa pagtayo baka sumakit lang ang ulo nya pagkatapos ng 1 week and 3 days ok na sya." Sabi ng doctor kaya napatango ako.
"Thank you." pagpapasalamat ni laikynn.
Lumabas naman yung doctor habang ako hinahawakan ang kamay ni sky.
"Di ka marunong magpasalamat noh?" napatingin naman ako kay laikynn pero saglit lang at tumingin ulit kay sky.
Di ko sya pinansin pero maya maya narinig kong bumukas ang pinto.
YOU ARE READING
Book 2: Im the Queen of the 5 Gangster
Acción"Bakit ba lagi na lang ako pinag aagawan?." Skylie