☪️ Chapter 61☪️ (Milktea boy)

824 50 4
                                    

LAIKYNN POV:

"Zander?" sabay naming banggit sa pangalan nya.

Eh? Kala ko pa naman babae ang naglalagay pero shit lalake pala.

Napalakas ata ang pagkakasabi ng pangalan namin sa kanya kaya napalingon sya sa amin. Nang nakita nya kami ay biglang nanlaki ang kanyang mga mata.

Lumabas kaming apat sa pinagtataguan namin at tatakbo sana ng pinigilan namin sya na ikinahinto nya.

"Oyy zander."

"Ikaw ba ang naglalagay ng milktea sa locker ni laikynn?" tanong ni gerald pero napatingin akong nakakunot sa kanya dahil natatawa syang nagtanong kay zander.

Pati yung dalawa nagpipigil ng tawa na parang nakakonektado silang tatlo.

Napatingin ulit ako sa harap ng humarap sa amin ni zander.

"Oo bakit? May angal kayo?" taas ulong sabi nga at nagcross-arm pa.

"Prrrfff dapat sinabi mo sa amin na may gusto ka kay laikynn ng una palang para naman i-ship ship namin kayong dalawa." joel.

Agad ko naman binatukan si joel dahil sa kagagohan nya buti na si norman hindi nagsasalita pero nagpipigil sya ng tawa sa likod ni joel kung nagsalita pa tong lalakeng to baka mas malala pa ang sasabihin nito.

"What the f*ck!" react ni zander.

"Anong dahilan bakit mo ako pinagaling? Akala ko ba magkagalit tayo dahil kay Skylie?"

Ngayon ako naman ang nagtanong sa kanya. Hindi ko naman sinasabi na magkaaway kami pero dahil ang isang to close kay skylie at medyong protective kay skylie.

"Anong pinagsasabi mong magkagalit? Eh wala naman akong atraso sayo at ikaw din at saka bakit nadamay si skylie dito, nanahimik ang tao idadamay mo." saad nya.

Sa tono nya na parang naiinis parang ngayon ko lang na realize ang sinabi ko. Oo nga, wala palang kinalaman si skylie, mali pala ang sinabi ko.

"Tsaka kung ayaw nyo ng milktea na gawa ko edi wag. Wag kayong mag-alala last na yan." saad nya na parang galit.

Wala pa kaming ginagawa sa kanya pero nagagalit na sya. Tatalikuran na nya sana kami ng napatingin kami sa likuran namin.

"Bakit ang aga-aga nag-aaway kayo?"

Nakacross arm na tanong ni Skylie sa likuran namin. Habang tumatagal gumaganda sya, ang akala ko talaga sya ang naglalagay ng inumin sa locker ko pero hindi. Kung sya nga ang naglalagay nun mas lalong lalalim ang patingin ko sa kanya pero hanggang kaibigan lang kami.

"Hindi kami nag-aaway Sky nahuli lang namin si Zander na naglalagay ng milktea sa locker ni laikynn na may halong gamot. Tsaka ang aga ng pasok natin ah saan na yung possessive mong boyfriend?" Norman.

Gumagalaw ang ulo ni Norman na parang may hinahanap kung may kasama ba si Skylie.

"Actually kasunod ko lang sila pero..." bigla syang ngumite ng nakakaloko habang nakatingin kay Zander na parang nanunukso.

"Ikaw ah lalake pala ang habol mo ah." pang-aasar nya kay zander.

"SKYLIE FORD!" inis na sigaw ni zander sa pangalan nya kaya nagsimulang tumakbo si sky habang tumatawa.

Sa kabilang hallway sila dumaan hanggang sa hindi na namin sila nakita.

"Bakit parang mas bagay sila kaysa sa jowa nya?" komento ni joel kaya napatingin kami sa kanya.

"What? sinasabi ko lang kung ano ang nakikita ko." kibit balikat nyang sabi.

Napapoker face ako at kinuha ang milktea na kakalagay lang ni zander at padabog na ibinigay kay joel.

"Sayo na lang yan." ani ko at tinalikuran silang tatlo.

SKYLIE POV:

Tumakbo ako hanggang sa nakita ko sila Tyron na papasalubong sa amin kaya mabilis akong tumakbo at nagtago sa likod nya.

"Hey love slow down." saway sa akin ni Tyron ng muntik na akong madulas pero nahawakan nya ang kamay ko.

"Love oh inaaway ako." nakangusong turo ko kay Zander nang huminto ito sa harap namin.

"Abat ako pa nga eh ikaw nga tong nang-aasar sa akin." inis nyang saad pero dinilaan ko lang sya sabay tago sa likod ni tyron.

Hehehe nalaman ko lang kasi na may pantasya pala sya kay Laikynn. Bagay naman silang dalawa HAHAHA.

"Ang tatanda nyo na pero ang isip parang bata." rinig kong sabi ni Jayson kaya napatingin ako sa kanya.

May problema talaga itong si jayson eh at alam kong may kinalaman dito si Wilder dahil sa pagkakatanda ko noong nasa hospital ako ay ok naman sya pero noong niyaya sya ni Wilder para mag-usap naging ganito na sya.

"Minsan kailangan maging isip bata para naman mabawasbawasan ang problema." reply ko sa sinabi nya.

Tumingin naman sya sa akin pero nginitian ko lang sya ng totoo na ikinatigil nya pero hindi ko na pinansin yun dahil tumingin ulit ako sa harapan.

"Ano bang ginawa mo? Hindi ka naman aasarin ni Sky kung wala syang nakita sayo."

Agree ako kay Eugene. Tumingin naman sa akin si Zander na may panlalaking mata na parang sinasabi nya na wag kong sabihin.

"Ano ba yun love?" bulong sa akin ni Tyron.

Nilapit ko naman sa tainga nya ang bibig ko saka ko sinabi sa kanya yung nakita ko kanina.

"HAHAHA i got it." tawang sabi ni Tyron kaya namumula na si Zander.

Hindi ko alam kung galit ba sya o nahihiya.

"Ang daya bakit sa kanya mo lang sinabi sky?" zack.

"Oo nga dapat sabihin mo din sa amin." Danica.

"Ano ba yun Tyron?" Marian

"Care to share para tumawa din kami." shan

Mga reaction ng mga nasa likod namin ni tyron. Mabuti nga sabay na kaming pumasok ulit ngayon at kasama na sina shan at jayson noong nakaraan kasi hindi namin sila nakakasabayan.

"Wag nyo ng alamin. Tara na pumasok na tayo baka biglang sumayaw to sa harap natin at akitin tayo HAHAHA."

"Huh?" na confuse naman silang lahat sa sinabi ni Tyron.

Ang ibig sabihin ni Tyron baka mag 50/50 kami dahil nasa harap namin si Zander.

Hinawakan ako sa kamay ni Tyron at nagsimulang maglakad, sumunod naman ang nasa likuran namin.

Nadaan namin si Zander kaya kinindatan ko sya at ngumite sabay dila.

"Ship-ship." pang-aasar ko sa kanya at susugudin nya sana ako ng biglang nagpalit kami ng pwesto ni Tyron.

Kung baga kanina nasa kaliwa ako tapos si Tyron nasa kanan, ngayon naman nasa kanan ako tapos sya nasa kaliwa.

Binilatan ko sya na saktong pagdating ng mga tropa nya kaya hindi na ako tumingin sa likuran at bumalik ang tingin sa harap patungo sa classroom namin.




Book 2: Im the Queen of the 5 GangsterWhere stories live. Discover now