Skylie Ford POV:
"Sky nakagawa ka ba ng assignment mo?" tanong ni Danica sa akin ng pagpasok namin sa classroom.
"Oo naman sabay kami ni tyron gumawa." Sabi ko.
"Tulungan mo kami ni marian di namin kasi nagawa yung sa amin." Sabi ni Danica.
Itong dalawa na to ang tamad gumawa ng assignment.
At dahil kaibigan ko sila ay dapat tulungan ko sila.
"Sige." pagpayag ko.
Tinulungan ko naman silang gumawa ng assignment.
Saktong pagtapos namin ay ang pagpasok ng prof namin.
Yung boys naman ay ang tamihik lang sa likuran, naglalaro kasi sila sa kanilang Cellphone.
Ok na yun para di nila kami isturbuhin sa ginagawa namin.
------------MEANWHILE----------
Rinnnnnng*
Nagsitayuan na kami ng nagbell na.
"Whaaa sky thanks ah." sabay na sabi ng dalawa.
"Wala Yun haha. Tara na sa cafeteria." Aya ko sa kanila.
Nabigla naman akong may humawak sa kamay ko.
Pagtingin ko si Tyron lang pala na always poker face ang mukha.
"Let's go." Saad nya at nauna kaming naglakad sa kanila.
Pagpasok namin sa cafeteria ay maraming nakatingin sa amin.
"Whaaa nandito na sila!"
"SkyRon!!"
"Ang ganda at ang gwapo nyo!"
Di ba sila nagsasawa sa mukha namin ilang taon na pero kami parin ang pinagkakaguluhan nila.
"Wag mo na silang pansinin love." bulong sa akin ni Tyron kaya napatango ako sa kanya.
Sila na lang nag order para sa aming mga babae. Dapat lang noh bigwasin ko sila kung hindi sila magiging gentleman.
"Balita ko may transferee daw ngayon."
"Oo nga tapos galing daw sila sa ibang bansa."
Napatigil naman ako sa narinig ko. Di Kaya....
No. Imposible naman yan ang dami daming mga nangingibang bansa dito kaya impossible yun.
"Love ok lang?" agad akong napatingin kay Tyron na di ko manlang napansin n nandito na pala.
"Oo naman tara kain na tayo." nakangiteng sabi ko.
Nagsitanguan naman sila sa sinabi ko.
Habang kumakain kami may pumasok sa front door ng cafeteria kaya nakaagaw sila ng pansin.
Nanlaki naman ang mata ko dahil kilala ko ang pumasok.
Napatingin si laikynn sa gawi ko kaya agad akong yumuko at hinarangan ang mukha ko gamit ang palad.
"Sila yung transferee diba?!"
"Oo sila yun"
"Galing daw sila sa Amerika"
"Ang gwapo nila my God!"
"Nadagdagan ang heartthrob natin dito sa school kyaahhh."
Ang ingay nila nakakita lang na taga-ibang bansa eh.
"Love ok ka lang?" tanong sa akin ni Tyron.
"Oo naman, babalik na ako sa room natin tapos na ako eh." Saad ko.
YOU ARE READING
Book 2: Im the Queen of the 5 Gangster
Azione"Bakit ba lagi na lang ako pinag aagawan?." Skylie