☪️ Chapter 3☪️ Encounter

2.2K 101 4
                                    

Skylie Ford POV:

"HAHAHAHA."

"Kung nakita nyo lang yung mukha ni sky ang pula ng mukha nya pagkatapos halikan si Tyron." Zack.

"Isa pa Zack babasagin ko na talaga ang bibig mo kapag di ako makapagtimpi." napipikon na ako.

Kanina pa ako inaasar nito eh. Kapag toh may ginawang kahihiyan aasarin ko to.

"Zack tama na mas lalong namumula si sky eh." Shan

Abat nakisama ka pa.

"At pati na din si lead hahaha." Jayson.

"Whaaa ayaw ko na bahala kayo sa buhay nyo!!" Sabi ko at tumakbo.

"Luhh! sky!!!".

"Yan kasi inaasar nyo si sky eh! Sky wait lang!!."

Pumasok na ako sa loob ng sasakyan at nagheadset then pumikit.

Pinalakasan ko ang volume ng music para di ko sila marinig.

Blah blah di ko alam bakit ang pikonin ko ngayong araw.

----------FASTFORWARD--------

Napaunat at napahikab ako ng naramdaman kong malambot ang kinauupuan ko kaya minulat ko ang aking isang mata then ang isa kung mata.

Nandito pala ako sa kwarto ko sino nag buhat sa akin?.

Napatingin naman ako sa suot ko at ganon pa din naka-uniform parin ako.

Napatingin naman ako sa pinto ng bumukas ito.

"Gising ka na, mag bihis ka na at kakain na tayo."

"Kain lang walang tayo." Sabi ko.

"Sky."

"Tyron." kala mo ikaw lang marunong mag tawag ng name.

Yup si Tyron ang pumasok sa kwarto ko sino pa ba?.

Ayaw nyang pumasok sila shan dito sa kwarto ko maliban kayla Marian at sa kanya.

Oh napaka possessive nyang Boyfriend diba.

Patay na patay sa akin eh mahirap talaga kapag maganda ka.

"Hey are you listening to me?" napabalik ako sa ulirat ng nag salita sya.

"Huh?"

"Sabi ko bilisan mo na at kakain na. By the way bakit mo pala ako iniiwasan kanina are you mad at me?." 

"Psh tanong mo kaya sa sarili mo."

"Bakit ko tatanongin ang sarili ko kung ako mismo di ko masagot ang tanong ko. So tell me." utos nya.

"Wala lang naman NANG AASAR LANG NAMAN KASI KAYO kaya ayan." Sabi ko at emphasize ko pa para dama nya.

"Haha yan lang loves masyado ka namang pikonin ngayon." naparoll eyes na lang ako.

"Whatever."

"Whaa anong ginagawa mo?! Baba mo ako." pano ba naman kasi binuhat nya ako di ko alam kung saan ako nito dadalhin.

"Kanina ko pa sinasabi na magbihis ka na." Saad nya tapos pumasok kami sa loob ng CR.

"O-oo na mag bi-bibihis na ako. Ibaba mo na lang ako." shit nauutal pa ako.

"Bakit ka nauutal huh?." tanong nya sa akin.

Tiningnan ko lang sya ng bigla syang ngumisi.

"Mukhang mas gusto ko ang nasa isip mo." nakangising sabi nya.

"H-huh? wala naman akong iiniisip na ano noh." Sabi ko.

Kinakabahan ako sa pinagsasabi nito. Sapakin ko to para makatulog ng maaga eh.

"HAHAHA ok." natatawang Sabi nya at binaba ako.

"Mag bihis ka na o baka naman mas gusto mong ako ang magbibihis sayo." nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya.

"Ang bastos mo lumabas ka na nga!" tinulak ko sya palabas ng CR at sinarado ang pinto.

Narinig ko naman ang tawa nga sa labas. Habang tumatagal nagiging manyak na si Tyron.

Psh naligo na lang ako at agad na nagbihis baka mamaya tutuhanin nya yung biro nya.
.
.
.
.
.
.

(Sunday)

Sunday na ngayon at sa buong linggo ng pagpasok namin ay walang nangyari puro pass ng assignment, gawa ng activities, mga groupings.

Still boring parin.

Nandito kami sa may labas ng mall namamasyal. Kaming tatlo lang nila Marian at Danica kasi yung mga boys ayaw mag pasama sa amin gusto nila mag bonding naman silang lahat.

Kaya ayon naiwan kaming tatlo per maganda naman dito sa labas ng mall mas gusto nga namin dito sa labas kasi may mga bench at view kaysa sa loob muro mga pagkain at damit ang makikita mo.

Gusto sana ako isama ni Tyron kaso pinigilan naman nila Matthew. Sama ng ugali ni Matthew walang jowa lang eh.

"Ang daya ng boys noh?" napatango naman kami sa Marian sa tinuran ni Danica.

"Yaan mo sila kapag may nakadampot sa ating boylet bahala sila hahaha." Sabi naman ni Marian.

"Sus pero nag aalala ka lang kay eugene baka mamaya may kasama syang babae." Sabi ko.

" Aba! subukan nya lang mangbabae lagot sya kay Tyron."

Inimagine ko kung pano bugbugin ni Tyron si Eugene prrrff.

"Haha baka mawalan ka na ng gwapong boyfriend dahil bungi bungi na sya pagkatapos bugbugin ni Tyron."

"HAHAHA." Sabay kaming natawa ni Danica at nag apiran kami.

Parehas kami ng iniisip.

"*pout* Ang bad nyo naman kay eugene."

Inakbayan namin si Marian at nginitian sya.

" Joke lang yun hahaha bili na lang tayo ng ice cream ang init eh." Aya ko at tinanggal ang kamay ko sa pagkakaakbay sa kanya.

"Tara!!" Naglakad kami papunta sa may nagtitinda ng mga ice cream.

"Boss here!!" napatigil kami ng lumingon sa kanan.

"Shit! Faster they here!." Nakakita ako ng apat na lalaki tumatakbo.

Mukhang galing sa ibang bansa mag accent eh.

Tumatakbo sila papunta sa direction namin at ako naman nakatingin lang sa kanila may humahabol sa kanila sa likod.

"You bastard comeback here! we will kill you and your gangmates!"

Parating na sila sa direction ko pero ako parang toud dahil di ko magalaw ang paa ko di ko alam kung bakit.

"Sky!."

Nagulat na lang ako ng may nanghila sa akin at sabay na kaming tumakbo.

Book 2: Im the Queen of the 5 GangsterWhere stories live. Discover now