☪️ Chapter 58☪️ (The Romantic Date)

807 44 0
                                    

LAIKYNN POV:

"Aba malay ko kung hindi lang ako hinila ni wilder tapos kung saan saan pa ako nakakarating hindi ko na tuloy nakita si Tyron." nakangusong saad nya.

Napatingin kami sa likuran ni sky ng may humintong van sa likod nya pero hindi nilingon ni sky.

"Siguro may gusto kayo kay tyron noh kaya kayo nagtatanong alam nyo kung may gusto kayo sa kanya baka dalh-"

Habang nagsasalita si sky may nagsibabaan sa likuran nya na agad na hinampas ang kanyang batok na ikinawala ng malay ni sky pero sinalo sya ng isang lalake.

"SKY!" sigaw namin naming apat sa pangalan nya at susugudin sana namin ang mga lalaking may balak na dukutin si sky ng may nagpigil sa aming dalawang babae at bumababa sila.

"Hep hep wag kayong susugod."

"Teka...kayo diba ang kaibigan ni sky bakit nyo sya dudukutin huh?" Norman.

"FYI hindi namin sya dudukutin  pinatulog lang namin sya dahil may surprise kami sa kanya." nakapameywang na sabi ng isang matapang na mukha ng babae.

Nakalimutan ko kung ano ang pangalan nya.

"Birthday ba ngayon ni sky?" nagtatakang tanong ni joel.

"Hindi. Ahm Date lang nila ni Tyron kaya kayo wag nyong pigilan ang date ng kapatid ko kaya makakauwi na kayo... Oh pasok nyo na si skylie." baling nya sa dalawang lalake.

"Babye." dugtong ng kapatid ni tyron habang nakangite saka sinara ang pintuan ng van.

"Tsk may palaman-laman pa silang kidnap date lang pala ang pupuntahan." Joel.

"HAHAHA tol kung ako ang tatanungin maganda yung ginawa ni tyron syempre masusurprise talaga si sky nun. Hintayin na lang natin kung ano ang magiging moves ni laikynn pagka-girlfriend na sya." sabay silang tatlong tumingin sa akin na binigyan ko lang ng poker face.

"Tsk." tumalikod ako sa kanila at nauunang maglakad. Uuwi na lang ako wala naman gagawin dito sa labas kundi makipaglukuhan sa tatlong to.

SKYLIE POV:

"Huta bitawan nyo ako!" pagpupumiglas ko dahil nakatali yung kamay ko tapos naka blind fold pa ang mga mata ko kaya hindi ako makakita.

"Wag nyo ng hintayin na makawala ako kung bali-bali ang mga buto nyo sa akin." pagbabanta ko sa kanila.

Hawak nila ang balikat ko at yung kamay ko sa likod pero yung tali lang ang hawak nila.

Yung apat na yun hindi man lang nila ako niligtas tsk. Mga duwag pero kasalanan ko din kasi hindi ko manlang napansin na may hahampas sa batok ko.

"Saan nyo ba ako dadalhin huh? Sa boss nyo? Aba sige lang pagnasa harap ko yang boss nyo lagot sya sa akin dadalhin k-" pinahinto nila ako saktong may sumabat sa sinabi ko.

"Dadalhin saan love?" tinanggal ang blind fold ko at yung tali sa kamay ko.

Umiiling ako dahil ang labo ng paningin ko at ng maok-ok na ay napatingin ako sa harapan ko.

Nakita ko ang nakangiteng si Tyron pero nabaling ang tingin ko sa paligid maraming mga ilaw at may isang table sa pagitan namin ni Tyron at makikita dito ang syudad at ang unti-unting paglubog ng araw.

Napakagandang place for date or bonding for friends.

"So? What do you think?" nabaling ang tingin ko kay Tyron.

Nginginitian ko na sana sya pero naalala kong sya pala may pakana ng pagkidnap sa akin akala ko si Ashton na naman.

"What?" taka nyang tanong.

Book 2: Im the Queen of the 5 GangsterWhere stories live. Discover now