☪️ Chapter 51☪️ (They're here again)

727 47 2
                                    

SKYLIE POV:

Pagkalabas ko ay naghintay ako sa may gilid alangan naman na maghintay ako sa harap ng mall diba? Ano ako statue?

Habang nagcecellphone ako dahil tiningnan ko ang mga picture namin ay may...

"Sky!!" natigilan ako at tumingin ako sa kaliwa't kanan.

"Sky!" tumingin ako sa kaliwa at nakita kong sinisigaw nila Marian at Danica ang pangalan ko habang papalapit sa akin.

Saan ang mga jowa to?

Oh shoot!

Tumalikod ako sa kanila na parang hindi ko sila nakita. May pupuntahan pa kami ni Tyron tapos biglang susulpot ang mga to.

"Oy sky." napapikit ako ng may humawak sa balikat.

Haist. Humarap ako sa kanila at tumingin sa kanilang dalawa.

"Bakit parang iniiwasan mo kami tsaka saan si Tyron?" Tanong ni Marian sa akin pero hindi ako nakatingin sa kanya kundi sa gilid ko lang.

"Ahm nasa CR. Hinihintay ko lang sya dito." sagot ko sa kanya.

"HAHAHA Sky bakit iniiwasan nyo kami? Kanina pa namin kayo hinahanap kaso wala kayo kaya pumunta na lang kami sa likod ng mall para magrides. Diba sinabi namin na mag-aajust kami (pout)*" napakamot naman ako sa sinabi ni Danica.

Alam kong mag-aajust sila pero si Tyron eh. Pero tama naman si Tyron.

Kung hindi namin to niligaw edi kasama parin namin sila kahit na mag-aajust pa sila sa amin.

"HEHEHE sorry." nagpeace sign pa ako.

"Nga pala nasaan mga jowa nyo?" tanong ko naman.

Dapat magkasama sila dahil may din naman sila eh.

"Ahm nandoon pa sa likod ng mall naglalaro ng darts. Request namin na dapat manalo sila ng malaking teddy bear at habang naglalaro sila hihintayin namin sila dito pag hindi pa sila dadating ng maaga magboboy hunting kami." napatawa naman ako sa sinabi ni Marian.

"Sa tingin nyo papayag ang mga boyfriend nyo baka nga mamaya magkapasa-pasa pa ang mga pinili nyong lalake." Natatawang banggit ko sa kanila na ikinaisip naman nila.

"Hindi namin naisip yun pero... ano ka ba hindi naman namin gagawin ang sinabi namin sa kanila sky." saad naman ni Danica.

So, parang tinatakot lang nila ang mga boyfriend nila.

Prrff kaya ko naman gawin ang larong darts na yun. Pero hindi ko sa kanila ibibigay kundi sa bahay amponan kung sakaling mapalanunan ko lahat.

Habang nag-uusap kami nila Marian at Danica parang may mga fans akong tinatawag ang pangalan ko.

"SKYLIE!!!"

"SKY!!!"

Napatingin naman ako sa mga tumawag sa akin. Meron sa kaliwa, meron sa kanan, meron sa harap, meron sa likod.

"What the.!" panlalaki ng mga mata ko.

"Oh ow. Mukhang magkakarambulan mamaya dito sky. Paalisin mo na sila bago pa makita ni Tyron." saad ni Marian sa akin na kinalunok ko.

Kinakabahan kasi ako baka mapapaaway ako or sila lang hindi ako kasama.

Lumapit naman sila sa akin ng sabay sabay.

"Oyy sky kakadating mo lang ba dito? Tara magrides tayo." aya ni Wilder sa akin habang nakalahad ang kanyang kamay sa akin.

Yes, sila nga pero may iba pang grupo.

Book 2: Im the Queen of the 5 GangsterWhere stories live. Discover now