WILDER POV:
"Next Month magkakaroon tayo ng trip for 3 days papuntang Erter island so i want to all of you to join and guess what makakasama natin ang kabilang school na ka-grade nyo lang." nakangiteng announcement sa amin ni sir.
"YES!" Bigla akong nagulat ng biglang sumigaw si isaac sabay tayo habang nakataas ang kanyang dalawang kamay.
"P*ta isaac nakakahiya ka." inis na mura sa kanya ni marvin.
"Yes isaac?" tanong ni sir sa kanya.
"Sorry sir hehehe excited lang." awkward na sabi ni isaac at dahan-dahan umupo.
"Saan ka naman excited aber?" tanong ko.
"Oo nga." sabat naman ni niel.
"Kung ka-grade natin ang makakasama natin edi syempre makakasama natin si skylie, diba?" napaisip naman kaming tatlo.
Ayy oo nga pala magkagrade lang kami ni Skylie at kung magkagrade kami edi kasama namin sya sa trip.
Pero teka lang... agad akong napatingin kay Isaac na naghihintay ng sasabihin namin.
"May gusto ka din ba kay skylie?" seryosong tanong ko na ikinalunok nya.
Dapat lang matakot sya dahil madadagdagan na naman ang karibal ko kahit imposible na maging kami.
"Luhh si leader naman HAHAHA hindi, kasi, alam mo, na masaya lang kasama si skylie kaysa sa iba." sabi nya.
Kung sabagay naalala ko tuloy yung sa hunted kami tawa sya ng tawa, yung tawa nya parang hindi ka magsasawang pakinggan.
Kaso saglit lang yun dahil umalis sya parang nagmamadali di tulad ng iba kahit may jowa na nakikipaglandian pa at gusto pang makipaghalubilo sa iba.
"Ok ok that's enough class." pagpapatigil sa amin ni sir habang yung kamay nya nag gegesture.
"And about sa trip ay kailangan nyong makipaghalubilo sa kanila kung baga kahit sa bus palang ay makakasama nyo sila. Bawat Adviser nyo ay bibigyan kayo ng mga points for good moral na pinapakita nyo. Alam nyo naman kung ano ang dadalhin nyo hindi ba? Ayaw ko lang may makikita akong naghe-heels o magdadala ng heels dahil island yun hindi rampahan."
Nagsitawanan naman yung iba lalo na ang mga boys at kasama na kami doon.
"Magsuot kayo ng tsinelas or sandal." dugtong pa ni sir.
"Ang cheap naman nun sir." napatingin kaming lahat sa nagkontra.
"Ok Vanaya I have a question for you. Sandal or ba-o?"
Yung ba-o diba? Ano, yung niyog yun diba pag kinuha na yung laman. Eh anong connect ng sandal sa ba-o? Nasusuot din ba yun? Edi lulubog ang paa kung susuotin.
"What's ba-o sir?" tanong ni vanaya.
Prrrff buti ako alam ko yung ba-o, galing pa ako sa ibang bansa pero alam ko pa. Ang talino ko talaga.
"Sir can I answer her question?" taas kamay kong tanong.
"Wow lead for the first time nagtaas ka ng kamay." niel.
"Shut up baka ipasagot ko to sayo." inis kong sabi.
Parang iniinsulto nya ako eh parang sinasabi nya na hindi ako matalino kung bangasan ko kaya to.
"That's good Wilder." puri sa akin ni sir. Wala pa nga eh napupuri agad ako HAHAHA.
Tumayo ako ng maayos at tiningnan si Vanaya.
"Vanaya point your middle forehead..." utos ko sa kanya, Nagtataka man pero nilagay nya parin ang kanyang daliri sa gitna ng kanyang noo.
Inayos-ayos naman nya ang kanyang bangs na parang nagagandahan ako sa kanya.
Pst.
"Then line it horizontal turn to your head to the point and the top of your head that is called ba-o." nakangiteng dugtong ko sa kanya kaya nagsitawanan ang mga kaklase ko.
Namumula naman sya sa kahihiyan at parang gusto ng umiyak.
Wala akong pake.
"Wilder." warning sa akin ni sir pero hindi ko pinansin at umupo na lang pero itinama naman ni sir yung sinabi ko.
"Wilder." tawag sa akin ni marvin.
"Oh?"
"Parang mali naman ata yung ginawa mo kay vanaya." pangaral nya sa akin na ikinakunot ko.
Anong mali doon? Nakikipagbiruan lang naman ako at alam naman yun ni vanaya kaya wag syang bobo.
"Pinahiya mo si Vanaya sa buong klase at alam mo kung ano ang mangyayari? Kukutyahin sya mamaya ng mga kaklase natin. Alam mo naman na ang lakas ng impluwensya mo dito sa school." pangungusensya sa akin ni Marvin dahilan na ikinatingin ko kay Vanaya.
"Tama yung sinabi ni Marvin Wilder kung sa kapatid kong babae mangyari yun sasabog ako sa galit." sasaw naman ni isaac.
"Tsk, alam ko ginagawa ko kaya wag nyo na akong pagsabihan." inis kong sabi.
(UWIAN)
Naglalakad ako habang nakalagay ang dalawa kong kamay sa aking batok.
"Ahm wilder." tawag pansin sa akin ni Niel kaya napatingin ako sa kanya na parang inosente.
"Bakit?"
"Hindi ka ba magsosorry kay vanaya? Ayun sya oh." tiningnan ko yung tinuro ni isaac at nakita ko si vanaya na nakayukong naglalakad.
"Psh, bakit ako magsosorry? Kita nyo naman diba na ang mean nya sa iba kaya sinuklian ko lang tapos yung make up nya nakakapalan ako." inis kong sabi.
Nakakapalan talaga ako sa make up nya tapos yung bang nya parang ba-o. I don't know kung uso yun pero hindi bagay sa kanya, tsk.
"Kahit na wilder babae parin sya di porket na King of gangster tayo sa ibang bansa ay pwede na tayong magsiga-siga dito. Tandaan mo kaya tayo nandito para maghanap ng Queen at hindi tayo nakikipag-away kahit kanino." pangaral sa akin ni Marvin.
"Alam ko...pero may iba pang dahilan kaya tayo naghahanap ng Queen. Kaya maghahanap tayo para sa underground na pwedeng maging Queen at isa pa wag nyo akong tuturuan kung magsosorry ba ako o hindi kung gusto nyong mag sorry sa kaniya edi go hindi ko kayo pipigilan." sabi ko at tinalikuran sila.
"Teka Wilder! saan ka pupunta?" Niel.
Hindi ko na sila nilingon at pinagpatuloy na lang ang paglalakad ko. Ang hilig nilang pangaralan ako kung makaasta, sila ang leader ah.
Lumabas na lang ako ng gate ng Elite academy at lumiko ng daan kung saan madadaanan ko ang academy nila sky.
Nagtataka ba kayo kung bakit hindi ako nakakotse ngayon? Syempre iniwan ko sa bahay tinatamad ako mag drive lalo na pagsasakay ang tropa kaya mag lalakad na lang ako.
Bahala sila kung mapagod sila kakalakad may jeep naman.
Habang papalapit ako sa gate ng Royal Academy ay nakita ko si skylie na nasa labas ng gate habang nakangite.
Her Beauty is mesmerizing. Hindi na ako magtataka kung bakit galit na galit si tyron kapag may lumalapit kay Skylie.
Pwede ko naman agawin si skylie sa kanya, well, magjowa palang naman sila hindi naman sila mag-asawa.
Tatawagin ko na sana sya ng biglang sumulpot si Tyron at agad nya itong hinawakan sa kamay at hinalikan sa noo.
Psh. Sa susunod na lang siguro.
YOU ARE READING
Book 2: Im the Queen of the 5 Gangster
Action"Bakit ba lagi na lang ako pinag aagawan?." Skylie