Bonus Chapter 1
Isang Tingin (Upuan by Ben&Ben)
"Maymay, 'lika dito bilis! Anong tawag mo dito?"
Napalingon ako kay Shar nung bigla niya na naman akong tinawag. Nasa kusina kami ngayon at as usual, sinasamahan ko lang siyang magluto habang nanunuod ako ng mga clips sa youtube. Binaba ko muna saglit 'yung phone ko para tignan kung ano 'yung tinuturo niya.
"Ketchup?" Sambit ko.
"Mali!" Mabilis niya namang sagot dahilan para mapakunot 'yung noo ko.
"Bote?"
"Hindi." Umiling-iling pa siya.
Napaisip ako ulit pero dahil sa ngisi niya, alam ko na kung ano 'yung tinutukoy niya. Napairap na lang ako sa kalokohan niya.
"Label!" Pagsagot niya sa sarili niya. Tumawa pa siya nang malakas at nakakaloko.
Nagpatuloy na lang ako sa panunuod sa cellphone ko at umarteng hindi ko siya naririnig. Bakit ko ba kasi 'to kaibigan at bakit ko pa pinapatulan ang mga kalokohan niya.
Lumapit pa siya sa akin para lalong mang-inis.
"'Buti pa ketchup 'no, may label?" Pang-aasar niya pa habang pasayaw-sayaw habang winawasiwas 'yung sandok.
Tatayo na sana ako at akmang iiwan siya kaya nagmamadali siyang pigilan ako pero hindi pa rin siya tumitigal kakangisi. "Hoy, wait lang! 'Eto naman, di mabiro!"
Madalas niya na kasing inuulit 'yang birong 'yan, kahit saan niya maisipang isingit. Kesyo buti pa raw 'yung gatas may label. Buti pa raw 'yung cellphone may label. Halos lahat na raw may label, kami na lang daw ni Edward ang wala.
Hindi ko alam kung bakit mas obsessed pa siyang magkalabel kami ni Edward kaysa sa akin, eh.
Hindi naman ako naiinis, ayos lang naman sa'kin sinasakyan ko pa nga 'yung trip niya nung una. Hindi naman kasi ako mainipin na tao. Kaya kong maghintay kahit ilang taon pa 'yan. Hindi rin naman sumasagi sa isip ko 'yon dahil ang importante lang para sa akin, alam namin kung ano 'yung nararamdaman namin para sa isa't-isa.
Kaso netong mga nakaraang araw, mas napapa-isip tuloy ako. Baka nga mas maganda na rin 'yung malinaw para alam namin kung saan kami lulugar. Mahirap na rin 'no mamaya magkaiba pala kami ng pananaw ni Edward sa relasyon namin.
Hindi ko rin naman kasi mabasa gaano si Edward, lalo na kapag hindi pa namin napag-uusapan talaga. Minsan naiisip ko na lang din na baka naman hinihintay niya na lang din ako ang magbring up?
Umiling-iling ako para mahimasmasan, itong si Shar kasi eh!
"Ay, shoot!" Napalingon ako agad nung biglang sumigaw si Shar sa harapan ng ref. "Wala na tayong gatas na panghalo." Nakapangusong sabi niya.
Hindi na rin naman ako nagulat don, ang dami niya palaging naiisipang i-bake at lutuin tapos kain naman kami ng kain. Hindi talaga tatagal 'yung supply namin.
"Ah, sige ako na lang siguro bibili." Pag-vovolunteer ko tutal wala rin naman akong ginagawa pa. Sakto namang pumasok si Edward sa kusina.
Napatulala na lang tuloy ako sa kaniya habang naglalakad siya papalapit sa may tubigan. Matagal na kaming magkakilala at halos araw-araw ko siyang nakikita pero hindi pa rin nawawala 'yung epekto niya sa akin.
"Anong bibilhin? Samahan na kita." Sambit niya. Hinahabol niya pa rin 'yung hininga niya habang nagsasalin ng tubig sa baso.
Para akong literal na mahuhulog sa upuan ko nung magsalita siya. Hanggang ngayon hindi ko pa rin talaga maexplain kung bakit ganito na lang 'yung nararamdaman ko para sa kaniya.

BINABASA MO ANG
Leaves
FanfictionMarydale grew up surrounded by blinding lights and flashing cameras. There is no person left in the country that hasn't heard of her name. She has the fame and the fortune that every teenager are dying to have. All of her fans might have been thinki...