Chapter Twelve
Malaki rin pala 'yung pagkakaiba kapag inamin mo na sa sarili mong nahulog ka na nga.
Akala ko makakahinga na ako nang maluwag kahit paano pero kabaliktaran lang 'yung nangyari. Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi dahil sa kakaisip. Paikot-ikot ako sa higaan at nakalimutan kong nasa double deck nga pala ako kaya nagising si Sharlene para suwayin ako.
In the end, pareho lang kaming hindi nakatulog nang maayos. Ramdam ko pa din 'yung bigat ng mata ko dahil sa pag-iyak kahapon. Ibinaling ko na lang 'yung ulo ko sa lamesa. Ang sakit ng ulo ko, daig ko pa may hangover.
"Tama si Shar, nabaliw ka na nga." Pang-aasar sa akin ni Donny sabay abot ng isang basong kape kay Shar.
Katatapos lang nila magtanghalian pero mag-aalmusal pa lang kami ni Shar. Halos sabay kasi kami na hapon na nagising.
"Daya mo naman Donny, pahingi rin ako." Pagrereklamo ko pero hindi niya ako pinansin at nilampasan lang ako. Napakasuplado talaga.
Nagulat na lang ako nung may naglapag ng isang basong kape sa harapan ko. Pagtingala ko, bumungad sa akin 'yung mukha ni Edward ng nakangiti. Tinaas niya 'yung dalawang kilay niya at ngumiti para batiin ako.
I bit my lower lip to stop myself from smiling. I felt like I was back in high school gushing over a boy crush. Tumungo ako bago abutin 'yung baso.
"Thank you.."
"No, thank you." He said said it meaningfully, and I clearly knows what he meant. Hindi pa rin nawawala 'yung ngiti niya pero pansin ko pa rin 'yung lungkot sa mga mata niya.
Nagflashback sa akin 'yung biglang pagyakap niya sa may sasakyan kahapon. Naramdaman kong naipon na naman 'yung mga dugo sa pisngi ko. Hindi maganda 'yung nangyari kay Edward kaya hindi dapat ako kinikilig!
For sure ginawa niya lang 'yon para tumahimik na ako. Siguro kahit sino namang kaibigan niya at nakita niyang umiiyak, yayakapin din niya. Kahit si Shar din. Tama, tama. Walang malisya.
"Dude, what really happened yesterday ba kasi?" Bira ni Donny pero walang sumagot samin ni Edward.
Kahapon pa sila nangungulit na magkwento kami. Kung sa akin ayos lang naman eh, pero sinabihan ako ni Edward na h'wag ko munang ipagsasabi sa iba and I respect him. After all, it's not my story to tell.
"Siguro may something na nangyari sa inyo kaya ayaw niyong ipagsabi, no?" Pang-aasar ni Shar.
Nasamid tuloy ako sa iniinom kong kape tapos nabitawan ko pa 'yung baso kaya tumapon sa damit ko. Napangiwi ako sa sakit. Nalapnos na ata 'yung balat ko.
Gusto kong tignan ng masama sila Shar at Donny kasi tawa sila ng tawa nung makita 'yung nangyari sakin pero hindi ko magawa kasi hindi pa rin mawala-wala 'yung samid ko. Napapaisip tuloy ako kung kaibigan ko ba talaga 'tong mga 'to.
"Ano ba 'yan, May. Mag-ingat ka kasi.." Sambit ni Edward sabay abot sa akin ng tubig. Dali-dali ko namang ininom at sa awa ng Diyos nakahinga na ako ng maluwag.
Nagtaka naman ako nung tumahimik sila bigla kaya tumingin ako kay Edward pero umiwas lang siya sa akin ng tingin.
Anong meron?
"Uhmm, May.." Nakangiwing sinenyasan ako ni Sharlene at tinuro niya 'yung suot kong t-shirt.
Namilog 'yung mga mata ko at kaagad na tinakpan 'yung dibdib ko gamit 'yung kamay ko. Natapunan nga pala ako ng kape at nagkataon na sobrang nipis nung tela ng t-shirt na suot ko ngayon kaya halos na-see through na 'yung suot kong bra.
Kaya pala hindi makatingin sa akin ng diretso si Edward at namumula pa 'yung magkabilang tenga niya.
Hindi na ako nagpaalam sa kanila at dali-daling tumakbo papunta sa cabin. Ugh! Nagsisimula pa lang 'yung araw pero minamalas na kaagad ako. Gusto ko na lang magpalamon sa lupa ng buhay.
-
Nakatunganga lang ako sa field magdamag habang nagpapractice 'yung mga campers sumayaw. Sana kung noon pa sila nagsabit ng duyan sa may malaking puno hindi na sasakit 'yung likod ko sa tigas ng bench. Ito talaga 'yung paborito kong spot sa lahat kasi tanaw 'yung buong field, tanaw din 'yung pagsikat at paglubog ng araw.
Wala akong magawa kaya nakatingin lang ako sa langit at ginagawan ng hugis 'yung mga ulap. Gawain ko na 'to mula nung bata ako kapag wala akong magawa. Ngayon may nakikita akong rabbit sa langit tapos natawa ako kasi parang hugis carrot pa 'yung katabi nun. May parang butterfly din tapos may Edward. Umiling-iling ako kasi baka namamalikmata lang ako.
"Uy!" Bati ko nung mapatunayan kong si Edward nga 'yung naglalakad papalapit.
Wow, parang medyo kalmado ata ako ngayon na makita siya?
"Pwede patabi?" Tanong niya. Nung ngumiti siya dun na ulit dumoble 'yung tibok ng puso ko. Okay, so mukhang ekis. Gusto kong gawing illegal 'yung pagngiti niya. Mukhang lahat kasi ng makakakita mahuhulog sa kaniya, buti sana kung ako lang. Sana kung ako lang. Wow, inangkin?
Hindi niya rin naman hinintay 'yung sagot ko kasi umupo pa rin siya sa tabi ko. Nahihiya pa din ako sa nangyari kanina pero slight na lang. Narealize ko kasi na parang wala lang naman kasi kay Edward. Kumportable pa rin siya sa akin at ayoko namang mabago 'yon. Ako na lang 'yung mag-aadjust tutal ako naman 'yung may feelings sa aming dalawa.
"Nagsawa ka na dito 'no?" Biro niya. Pero base sa tono ng pagkakasabi niya tingin ko, half meant.
Umiling ako kaagad. "Never! Ang saya kaya dito."
Parang hindi siya naniniwala sa sinabi ko kaya dinagdagan ko. "Sa totoo lang, wala na talaga ako halos magawa kasi ang dami na nating nasulat. Hindi rin naman sa nagrereklamo ako. Kasi nag-eenjoy din akong panuorin kumilos 'yung mga tao dito sa camp. Damang dama ko 'yung passion niyo sa mga ginagawa niyo."
Nakita ko namang napangiti siya sa sinabi ko. Totoo naman kasi. Nakakahanga talaga 'yung passion nila na ipaglaban 'yung camp hanggang sa dulo.
"Pahawa naman ng kahit katiting na passion niyo oh. Pakiramdam ko kasi 'yung passion ko parang kandila. Habang pinipilit kong buhayin 'yung ilaw at painitin 'yung apoy, unti-unti namang namamatay.." Biro ko pero hindi siya natawa. Ngumiti lang siya sa akin ng bahagya.
"You know, we're really lucky to have you here. All the songs that you've written, it means everything for the camp. It means everything for us." Nakatingin siya direkta sa mga mata ko at ramdam ko 'yung sinseridad sa mga salita na binibitawan niya.
"Hindi naman mahalaga kung ilang kandila na 'yung naubos mo, eh. Ang mahalaga, hindi ka nagsasawang magsindi ng magsindi at hindi mo hinahayaang maapula 'yung apoy na nandyan." He pointed to my heart. I feel nothing but warmth.
"Wow, thank you. Pero hindi mo na ako kailangang bolahin. It's not that I really matter—"
"No, you matter to me."
Napanganga ako. Tama ba 'yung pagkakarinig ko? His words rendered me speechless. Ramdam ko na pinamulahan na naman ako.
"You matter to Shar, to Donny, to Chin, you matter to all of us really." Nataranta siya nung narealize niya yata 'yung sinabi niya. Napakamot pa siya sa batok niya.
"Ohh.. kay." Nawiweirduhan kong sagot.
Bumuntong hininga siya. Sobrang lalim naman ata ng pinanghugutan ng hininga niya.
"Fine. I don't know if this is the right moment to say this but I feel like saying it now.." Dagdag pa niya.
I could feel my heart beating out of my chest. Ano 'to? Bakit biglang may paganito? Shet na malagket hindi na magkamayaw 'yung puso ko!
He paused for a moment. I held my breath.
"I like you, Maymay."
Parang nag-windows shutdown 'yung utak ko.
He, what me now?
END OF CHAPTER TWELVE
BINABASA MO ANG
Leaves
FanfictionMarydale grew up surrounded by blinding lights and flashing cameras. There is no person left in the country that hasn't heard of her name. She has the fame and the fortune that every teenager are dying to have. All of her fans might have been thinki...