EPILOGUE

386 22 6
                                    

EPILOGUE

2 years later

"Ma, h'wag na po kayong mag-alala. Malapit na rin kaming dumaong."

Marahan kong hinawi 'yung iilang hibla ng buhok ko na hinahangin sa mukha ko. Napahawak din ako ng mahigpit sa handrailing habang nakatanaw sa kumikinang na dagat. Sinasalamin lang nito 'yung liwanag mula sa tirik na tirik na araw.

Katamtaman lang 'yung simoy ng hangin, hindi gaano kainit pero hindi rin naman gaano kalamig. Hindi ko akalain na dadating 'yung araw na mamimiss ko 'yung init ng Pilipinas. Hindi ko magawang masanay sa lamig ng Japan, eh. Lalo na kapag umuulan ng niyebe.

Narinig kong bumuntong hininga si mama sa kabilang linya.

'Oh siya sige na nga. Tumawag ka lang kung may problema ha. Mag-iingat ka dyan.'

Napangiti naman ako. Wala pang isang linggo nung bumyahe ako pabalik dito, sobra na 'yung pag-aalala niya sa akin.

"Opo, ma. Kayo din po ni kuya dyan."

Pagkasabi ko 'nun, nangibabaw 'yung malakas na alarm nung barko, patunay lang na malapit na kami sa pampang. Pinaalam ko na rin agad kay mama kaya binaba niya na 'yung tawag.

Sumabay lang ako sa agos ng mga pasahero na nagmamadaling bumaba. Kumpara noon, mukhang mas dumami na 'yung mga bumibisita dito sa isla.

Natigilan ako nung makababa na ako sa lupa. Hindi ko akalain na makakatapak ulit ako sa islang 'to. Parang pelikulang naglalaro sa utak ko 'yung mga larawan ng ala-ala na kaakibat nung pagbalik ko dito.

Dalawang taon na rin 'yung nakalipas simula nung mapadpad ako dito ng walang kahit na ano at walang kaplano-plano. Ibang-iba ako nun sa Marydale na nakilala ng publiko.

All I knew back then was that, I needed to escape the prison of fame and manipulations that I've been in for awful years. Maraming taon ang nasayang sa buhay ko dahil nagpalamon ako sa takot at utang na loob. Gusto ko lang makaranas ng kalayaan. Gusto ko lang maging masaya.

Hindi ko inaasahan na mararanasan ko lahat ng 'yon dito sa Hillcrest. Nakakilala ako ng mga totoong tao na tinuring ko at tinuring din akong kaibigan. Dito rin, mas nakilala ko pa 'yung sarili ko. Natuto ako na ipaglaban 'yung sarili kong mga kagustuhan.

Naranasan ko kung paano mamuhay ng walang reporter na nambubulabog sa bawat kilos ko. Napilitan man akong kumain ng maraming gulay, ayos lang kasi napapasaya naman ako ng mga tao sa paligid ko.

Pansamantala, nakalimutan ko 'yung problema ko. Sa loob ng tatlong buwan, namulat ako at nakilala ko 'yung sarili ko.

Hindi ko rin inaasahan na mahuhulog ako sa taong kinailangan ko ring iwanan.

Right then, I realized running away isn't freedom. Hindi ka makakaranas ng totoong kasiyahan kung patuloy mong tatakasan at tatakbuhan 'yung mga problema na bumabagabag sa'yo.

Above all, I used to be lost but I finally found my real self in this island. And I think there's nothing more rewarding than that.

Kaya sa loob ng dalawang taon, inayos ko 'yung buhay ko. Nakawala na ako ng tuluyan sa management na humahawak sa akin sa tulong ni Marcus at sa abugado niya. Kahit siya, nakawala na rin. Kaso lang, itinakwil na siya ng ama niya.

Sana lang talaga, masaya siya ngayon at malayang gawin kung ano talaga 'yung gusto niya. Nawalan na ako ng balita sa kaniya nung magpunta na kami ng Japan para manirahan.

Sa Japan, nagtrabaho ako bilang singer sa mga iba't-ibang club at bar. Hindi kasing laki 'yung kinikita ko gaya noon sa showbiz pero sapat lang rin para makatulong kila mama at kuya. Alam kong pinaghirapan ko naman talaga at nag-eenjoy ako sa ginagawa.

LeavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon