Chapter Four: Maybe the Night

313 24 1
                                        

CHAPTER FOUR

Edward has given me a task. At the end of the day, dapat daw makapili na ako ng pwedeng maging role ko sa campsite. Kaya sumubok ako ng iba't-ibang task para malaman ko kung saan ako nababagay. Naexcite ako kasi malilibot ko din 'yung lugar.

Nauna akong dumiretso sa canteen nung camp. There, I was greeted by a girl. She introduced herself as Sharlene. She's wearing her cap backwards and comfortable baggy clothes which I think is really cool. She seemed jolly and friendly kasi hindi nawawala 'yung ngiti niya habang kinakausap niya ako.

Sabi niya, siya daw 'yung naka-assign sa mga pagkain nung campers pati ng mga staff. Naabutan ko siyang nagpiprito ng mga hotdog at itlog para sa sandwich, mukhang kakaumpisa niya lang kasi konti pa lang nagagawa niya.

"Ay pala, kailangan ko pang kunin 'yung tube ice para sa juice baka matunaw na." Sambit ni Sharlene nung bigla niyang maalala.

Nag-alangan ako pero hotdog at itlog lang naman 'yung lulutuin kaya naisipan kong magprisinta na.

"Pwede namang ako muna magpiprito habang kinukuha mo yun."

"Hala salamat talaga! Babalik naman ako kaagad promise." 

Nakangiti akong tumango pagkatapos umalis na siya.

Sa totoo lang, hindi ko pa naranasang magluto ng kahit na ano. Nung bata ako, si mama 'yung nagluluto para sakin. Nung naging talent na naman ako, palagi namang may tagapagluto o kaya bumibili na lang ako ng take out. Nakakahiya namang sabihin 'yon kay Sharlene, baka mag-iba pa 'yung tingin niya sa akin.

I heaved out a deep sigh. "Kaya ko 'to."

Kinakabahan ako ako sa gagawin ko pero tinuloy ko na lang. Tinanggalan ko na ng wrapper isa-isa 'yung mga hotdog. Nangimay pa 'yung kamay ko sa sobrang lamig, may mga yelo-yelo pa.

Pagkatapos, sinalang ko na kaagad sa kawali.

At halos mapasigaw ako nung nagsitalsikan ng malala 'yung mantika. Nabitawan ko pa 'yung spatula dahil sa hapdi ng kamay ko. Umatras ako sa kalan. Dumoble 'yung kaba ko dahil alam kong hindi normal na magtalsikan ng ganun 'yung mantika.

Huli ko na lang narealize na dahil 'yun sa mga yelong nakadikit. Dapat pala hinagasan ko muna. Hindi ko rin nalagyan ng maliliit na hiwa. Naunahan na kasi ako ng kaba.

Nagpapanic na ako kasi napapatagal na 'yung mga hotdog sa kawali, pero hindi naman ako makalapit kasi takot ako matalsikan ng mantika. Buong akala ko madali lang magprito ng hotdog. Ang malala pa, napalakas ko pala 'yung apoy ng kalan kaya malamang masusunog na talaga kapag hindi ko pa kinuha.

Dinampot ko 'yung takip ng kawali para panangga. Kumakabog 'yung dibdib ko habang pilit na kinukuha 'yung mga hotdog. Pigil hininga ako sa pagkuha.

Nakahinga lang ako ng maluwag nung matapos ko ng mailipat sa plato lahat. Sakto namang nakabalik na si Sharlene bitbit 'yung tube ice.

"Uy, kamusta?" Masiglang tanong niya. Sinundan niya na lang 'yung tingin ko sa plato at pareho kaming napangiwi. Lahat ng niluto ko, kalahating sunog at kalahating hilaw.

"Sorry, siguro ikaw na lang ulit dito tapos ako na lang magtitimpla." Sabi ko na lang sa kaniya.

Gusto ko na lang bumuka sa gitna 'yung lupa at lamunin ako ngayon na. Mabuti na lang mabait siya kasi nginingitian niya pa rin ako na parang wala lang sa kaniya.

Nakailang 'sorry' ako at palaging 'ayos lang' 'yung sinasagot niya sa akin.

Pagkatapos kong magtimpla, nagpaalam na ako kay Sharlene bago pa madagdagan 'yung kapalpakan ko doon. Hindi talaga siguro para sa akin 'yung pagluluto.

LeavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon