Chapter Five: Make It With You

273 25 1
                                    

Chapter Five

"Time flies too fast when you're having fun", they said.

I knew that saying already, but I had never thought of it much. Not until now.

It's always been "time flies when you're busy", for me. Parang nilaan ko na lahat ng oras ko sa walang katapusang pagpapractice, mall tour, meet and greet, etc. Hindi na ako halos makatulog ng maayos dahil sa dami ng ginagawa.

Pero iba ngayon.

Three days had passed by. Hindi ko namalayan kasi sobrang gaan ng pakiramdam ko during my stay here. Payapa ang tulog ko sa gabi. My soul is at peace knowing na napapaligiran ako ng mga taong mabubuti ang puso.

"Chin, ang dami mo kumuha ng ulam tirhan mo si ate Maymay." Suway ni Kyle kay Francine.

"Ayos lang, kuha ka lang." Singit ko nung napansin kong napatigil sa pagsandok si Francine.

"Sorry ate May. Epal lang talaga 'tong Kyle na 'to. Kala mo 'di marami kumuha ng kanin. Kaya ang taba-taba." Bira naman ni Francine pabalik.

Nakilala ko si Kyle dahil kay Francine. Lagi silang magkasama pero para silang aso at pusa. Walang araw na hindi sila nagbangayan. Pero hindi sila nakakairita, nakaka-enjoy nga silang panuorin, eh. Ang cute lang.

Nasa canteen kami ngayong mga staff, kumakain ng tanghalian. Nahuhuli lagi kaming kumain kasi pinauuna namin 'yung mga campers. Hinahayaan na namin sumabay sa amin sila Kyle at Francine kasi mga leader naman sila ng camp. Si Blythe din actually, kaso hindi niya gustong sumabay sa'min kumain.

"Wow, makalait ka tignan mo nga istura mo." Pagdipensa ni Kyle.

"Tinignan ko na, itsurang maganda."

"Ganda? Saan banda?"

"Sa lahat ng banda!" Proud na sabi ni Francine.

Umarte si Kyle na parang nasusuka. "Kadiri 'to. Kumakain 'yung tao, eh."

"Kyle may gusto ka siguro dito kay Chin, no? Lagi mo siyang inaasar, eh." Singit na panunukso ni Shar tapos nag-iritan 'yung iba naming mga kasama.

Namula tuloy si Kyle.

"Guys, kain muna tayo. Mamaya na mag-asaran." Sita ni Donny dahilan para matahimik lahat.

Mabait si Donny kaso may pagkabossy lang talaga.

"Sungit." Bulong ni Shar.

Gusto ko tuloy matawa. Sobrang opposite ng ugali nila, hindi mo talaga aakalain na magkababata sila.

Napalingon ako nung siniko ako bigla ni Edward. "Nginingiti-ngiti mo dyan?" Taas-kilay niyang tanong.

"Wala lang." I smiled sheepishly.

Nilipat ko 'yung mga okra na nasa plato ko papunta sa plato niya. Kung hindi kasi gulay ang niluluto ni Shar, puro isda. Mas gusto kasi nilang healthy 'yung pagkain sa camp.

Nagulat ako nung binalik ni Edward sa plato ko 'yung okra. Palagi kong binibigay sa kaniya 'yung ibang ulam ko, kinakain niya naman. Ngayon niya lang talaga binalik sa akin.

"Ako, nakakahalata na ha. Ubusin mo lahat 'yan para magkalaman ka."

Ito kasi 'yung problema ko, eh. Hindi ako mahilig sa gulay. Pero hindi naman ako pwede mag-inarte kasi libre na nga pagtuloy ko dito pati pagkain, kahit na feeling ko wala pa akong natutulong.

Naalala kong kailangan ko nga pa lang magpagood shot sa kaniya kaya tiniis ko na lahat at pinilit na kainin lahat ng pagkain sa plato ko. Kapag feeling ko masusuka na ako, umiinom lang ako ng tubig.

LeavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon