CHAPTER SIX
Some people thrive under pressure, while other's don't. But one thing is for sure, you could define one's character when it involves something they treasure. The greater the pressure, the deeper the revelation.
Donny announced the campsite's first upcoming performance and we have atleast two days left to prepare. Nawindang kaming lahat kasi biglaan, pero wala kaming choice kasi nakaset na at may mga kilalang tao daw sa Hillcrest na manunuod.
If I am to be asked, ayos lang sa akin kasi sanay na ako sa mga biglaang performances. I could tell na hindi ayos sa kanila. Nag-iba kasi 'yung aura nung camp pagkatapos nung announcement. Lahat ginagawa 'yung best nila at naging busy sa pagpapractice.
Including Edward, to whom I thought was the most optimistic person in this camp. Wala na siya gaanong imik, katulad na lang kanina.
Nasa tree house kami at seryoso lang siyang nagsusulat. Huminto siya sandali bago pinilas 'yung papel, nirolyo tapos itinapon. Nahihirapan akong panuorin siya kasi paulit-ulit niya lang ginagawa. Ang dami ng papel na nasa basurahan.
"Ayos naman 'yung mga sinusulat mo ah? Bakit mo tinatapon?"
Nabasa ko lahat ng sinulat niya at sa totoo lang maganda naman talaga. We're supposed to write two songs each. Natapos ko na 'yung sakin pareho, napasa ko na din kina Kyle kasi sila 'yung kakanta. May natapos na ding isa si Edward kaso hindi niya matapos tapos 'yung isa.
He blinked twice before he answered. "Hindi. Hindi pa maganda." Frustrated niyang sagot.
"Chill ka lang kasi kapag stress ka mas magugulo 'yung ideas mo." Advice ko sa kaniya pero parang wala lang siya naririnig.
"Seryoso Edward, magpahinga ka. Hindi ka pa kumakain ng tanghalian." Dagdag ko pa.
He ran his fingers through his unruly hair. Then, he stared at me with his icy cold eyes.
"Pwedeng sa props ka na lang muna? I need to be alone."
I shivered by the tone of his voice. It's the first time na marinig ko siyang magsalita ng ganun. Hindi ako sanay na ganiyan siya.
I was hurt, of course.
I thought we're already friends but I guess I'm wrong because friends don't make you feel bad for saying your concern.
Hindi ako mapakali na nakikitang stressed 'yung mga tao sa paligid ko. For years, I've experienced working around a stressful environment and I don't want that to happen here in this camp. I know how toxic it will be if this thing continues.
Kaya may naisip akong ideya.
Nung dinner na, naiilang ako tabihan si Edward kaya kina Kyle ako tumabi.
Pinakbet 'yung nilutong ulam at as usual, maraming gulay. Hindi ko pwede ibigay kay Edward 'yung mga gulay ko kaya kay Kyle ko na lang inabot.
"Uy, thank you ate May."
Pagkasabi nun ni Kyle, napatingin sa akin bigla si Edward. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya na tinuloy.
May galit pa rin ba siya sa akin? Hindi ko siya maintindihan. Hinintay ko munang matapos kumain 'yung lahat bago ako nagsalita.
"Guys, 'di ba malapit lang tayo sa tabing dagat? Gusto niyo bang magnight swimming?"
"Hala, gusto ko!" As expected, si Francine 'yung unang pumayag.
"G lang din ako." Kibit balikat na sabi ni Shar.
"Ako din! Tutal ang hot nung panahon, eh. Kasing hot ko." Banat pa ni Kyle.
BINABASA MO ANG
Leaves
FanfictionMarydale grew up surrounded by blinding lights and flashing cameras. There is no person left in the country that hasn't heard of her name. She has the fame and the fortune that every teenager are dying to have. All of her fans might have been thinki...
