Chapter Twenty: Lifetime

214 18 0
                                        

Chapter Twenty

Dumadagundong 'yung paligid, hindi ko na rin alam kung sobrang lakas lang ba talaga ng kabog sa dibdib ko o dahil 'yun sa malakas na tunog na nagmumula sa mga malalaking speaker. Hindi ko mapigilang hindi mamangha sa nadatnan namin pagkababa namin ni kuya Robi sa sasakyan.

Sobrang daming tao. Kapansin-pansin din na hindi lang taga-Hillcrest 'yung pumunta rito para manuod. Lalo pa at may mga iba pang talent campsite na bumisita para magperform. Nandito siguro sila para suportahan 'yung mga 'yon.

Nagkakasiyahan lahat ng tao sa ilalim ng tirik na tirik na araw. Kumakanta at sumasayaw kasabay ng banda na kasalukuyang tumutugtog sa gitna ng malaking entamblado. 'Yung iba naman parang mga magkakaibigan at nagkakasiyahan lang habang kumukuha ng kani-kanilang litrato.

Napakalawak nung field. May mga booth din na naka-set up sa paligid ng oval para bilihan ng mga pagkain at mga kung ano-anong abubot.

Hindi ko napansin na napahinto na pala ako sa kinatatayuan ko kaya napamura ako nung mapansin kong wala na si kuya Robi sa tabi ko.

Napasinghal ako. Grabe, mang-iwan ba talaga?

Malamang nasa backstage na sila Edward at alam kong doon din pupunta si kuya Robi kaya doon ko napagdesisyunang pumunta.

Inilibot ko 'yung tingin ko at nalula ako sa dami ng tao. Napansin ko rin na nangingibabaw 'yung suot ko. Puro crop tops at beach shorts ang mga suot nila samantalang ako lang 'yung katangi-tanging naka-dress. Still, I've got no other choice but to dive in to the ocean of people.

Panay ang punas ko sa noo ko gamit 'yung likod ng kamay ko dahil sa init. Malamang nalulusaw na rin 'yung make-up sa mukha ko. Nahirapan pa akong maglakad dahil sa taas ng heels na suot ko. Maya't-maya 'yung paghingi ko ng dispensa sa mga taong nadadaanan ko dahil naaapakan ko na 'yung mga paa nila.

"Sorry!" Agad kong sabi nung makarinig ako na may sumigaw sa tabi ko. Napatigil ako nung mapansin ko na parang pamilyar 'yung camera na hawak niya. Halata 'yung gulat sa mukha niya nung makita niya rin ako.

"Maymay?"

"Sky!" Masaya kong bati.

"Kaloka ka dai! Bigla-bigla ka na lang nawala! Sobrang nag-alala kami sa'yo." Pabiro niya akong pinalo sa braso ko.

"Sorry sorry! Pero, Sky nasaan sila Edward? Kailangan kong makapunta sa kanila ngayon." Aligaga kong sabi.

Nahalata niya atang natataranta na ako kaya hindi na siya nagtanong pa.

"Wait, leave it to me." Taas noo niyang sabi.

Hinawakan niya ako ng mahigpit sa braso ko at tsaka nagsisigaw.

"Magsi-tabi kayo! Ang hindi tumabi kakalbuhin ko! Tabe!" Hiyaw niya habang hatak-hatak ako.

Natawa ako dahil kung ano-ano pang pambabanta 'yung sinigaw niya. Tiniis ko na lang 'yung mga sigaw niya kahit masakit na sa tenga, mukhang effective naman kasi humawi kaagad 'yung daan dahil sa kaniya. Mas mabilis kaming nakalapit sa stage.

Nung papaliko na kami sa gilid ng stage, natigilan ako kasi bumitaw siya bigla sa akin.

"I need to stay here, kailangan ko magdocu." Sambit niya bago itinaas 'yung camera niyang nakasukbit sa leeg niya.

Napangiti naman ako at nagulat na lang siya nung yakapin ko siya bigla ng mahigpit.

Hindi kami sobrang close ni Sky, malamang kasi aminin ko man sa hindi, mas marami pa 'yung pagkakataon na pinagselosan ko siya. Pero sa ngayon, sobra 'yung pasasalamat ko sa kaniya dahil sa mga vlogs niya. Ang laki ng tulong nun nung mga panahong hindi ko alam 'yung gagawin ko at miss na miss ko na sila.

LeavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon