Chapter Thirteen: Limasawa Street

168 17 0
                                    

Chapter Thirteen

Napahigpit ako ng hawak sa brush nung mapansin kong hindi kami magkamayaw sa paggawa ng props buong araw habang nagkakasiyahan lang 'yung ibang tao sa PlayStation. Nagpipintig 'yung tainga ko sa ingay nila.

Bumuntong hininga na lang ako at pilit na nagfocus sa ginagawa ko. Nung biglang may maramdaman akong tumama sa ulo ko, pagkatingin ko may nakita akong bola ng papel na nahulog. Hinanap ko kung saan nanggaling at sinalubong ako ng animo'y nagtatakang tingin ni Sharlene sa hindi kalayuan.

Hinayaan ko lang siya at nagfocus muli sa pagpipintura. Nakita kong tumayo na si Sharlene sa kinauupuan niya para lapitan ako.

"Bakit kanina ka pa nakabusangot?" Sita niya sa akin pagkaupo sa tabi ko.

"Wala lang." I replied flatly. Magpapatuloy lang sana ako sa pagpipintura ng background nung biglang pinigilan ni Shar 'yung kamay ko.

"Oh? E, bakit mo pala kinukulayan ng blue 'yung araw?" Natatawang asar ni Shar.

Napamura ako sa isip ko nung mapansin kong tama nga siya. Hindi ko namamalayan na hindi na pala ako nakapagpalit ng pintura. Ang malala don nalapat ko na sa tela. Nagmamadali kong tinapalan ng puti para mabura, buti kakaunti pa lang 'yung nalalapat ko.

Bwisit kasi hindi ako makapagfocus dahil sa ingay nung mga naglalaro.

"Ate May, pasama ako bumili sa central ngayon please?" Masiglang pag-aya sa akin ng kararating lang na si Francine.

"H'wag muna ngayon Chin." Walang kabuhay-buhay kong sabi.

"Ehhh ate kailangan na now."

Naagaw 'yung pansin namin nung lalong lumakas 'yung tawanan nung mga nakatambay sa kabilang sulok. Lalong nag-init 'yung ulo ko.

"Ate sige na please?" Pagpupumilit pa ni Chin habang inaalog-alog 'yung braso ko.

"Ayoko nga sabi! Ba't ba ang gulo mo?" I snapped.

Nakita ko namang napaatras si Chin sa pagtaas ko sa kaniya ng boses, maski ako nagulat din eh. First time ko yata siyang masigawan. Natahimik bigla 'yung paligid at ramdam kong napunta na sa amin 'yung tingin ng lahat. Nagpanic ako lalo nung makita kong magtubig 'yung mga mata niya. Magso-sorry na sana ako sa kaniya kaso bigla siyang tumakbo papalayo at palabas ng props room.

"Problema mo?" Matalim na sambit ni Sharlene sa akin bago nagmamadaling sinundan si Chin papalabas.

Napapikit ako at malalim na napabuntong hininga bago sumunod na rin sa kanilang dalawa.

Iritang-irita lang ako sa lahat ngayong araw. Hindi ko matapos-tapos 'yung sinusulat kong kanta. Inassign-an pa ako ng task ni Donny dahil nangangailangan sila ng tulong sa props. Halong pagod at gutom na rin ako dahil sa tuloy-tuloy na trabaho. Wrong timing pa 'yung pangungulit ni Chin sa akin.

I am not the type of person who snaps out of the blue. God knows sa dinami ng taon kong pagtitiis sa showbiz kahit papaano nakaya ko dahil nandito pa ako ngayon. Kaya naninibago ako sa nararamdaman ko dahil pakiramdam ko, hindi ako 'to.

Pagkalabas ko ng props room hinanap ko kaagad kung saan sila pumunta pero hindi ko na sila mahagilap. Nung mapagod ako kakahanap napaupo ako sa may katabing bench.

"Alam mo kasi ate kung nagseselos ka, h'wag kang nangdadamay ng iba."

Napapitlag ako nung biglang may nagsalita mula sa likuran ko. Nadatnan ko ang nakangising si Blythe. Nagtaka ako kasi sinundan niya pala ako papalabas. Naningkit 'yung mga mata ko nung magsink-in sa akin 'yung sinabi niya.

"Bakit naman ako magseselos kina Edward at Sky? Kahit maglaro pa sila magdamag don ng PlayStation at magtawanan hanggang sa mawalan sila ng boses wala naman akong pake." Pagdipensa ko pero lalo lang lumawak 'yung ngisi niya.

LeavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon