Chapter Sixteen: Paalam

166 16 0
                                        

Chapter Sixteen

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa mga tanong na binabato nila sa akin.

Nagulat na lang ako nung bigla na lang hinawi nila Kyle at Donny 'yung mga camera nila papalayo habang nagsisigaw sila Blythe, Shar at Sky para layuan kami ng tao. Hinawakan ni Chin ang kamay ko para pakalmahin ako. Ipinatong naman ni Edward 'yung jacket niya sa akin para matakpan ako. Pinalibutan nila akong lahat at giniya ako hanggang sa makapasok na kami sa loob ng camp.

Ramdam ko 'yung sobrang panlalamig sa buo kong katawan dahil sa magkahalong takot, kaba at galit. Kung kanina lang ay nagkakasiyahan kami, binawi naman kaagad. Damang-dama ko rin 'yung pagiging balisa ng lahat ng mga kasama ko lalo na nung maupo kaming lahat sa loob ng tree house.

Bumabaon 'yung mga tingin nila sa akin. Hindi ko naman sila magawang tignan dahil sa hiya. I braced myself for the change that's supposed to happened now that they've got to know my true colors.

"Grabe, na-offend ako ah hindi man lang nila ako tinapunan ng tingin." Awkward na tangkang pagbasag ni Sky sa nakakabinging katahimikan.

"Ayan napapala mo ate, h'wag kasi masiyadong malaki ulo." Kaagad naman siyang sinakyan ni Kyle dahilan para batuhin siya nito ng throw pillow.

"Akala ko sa movies lang ako makakakita ng ganon! Nakakatakot para silang mga zombie." Chin shivered as she talked. Halatang natakot talaga siya sa nadatnan.

"You're shaking.." Nag-aalalang sambit ni Shar. Hinawakan niya ako sa balikat para pakalmahin ako.

Nagagawa pa rin nila pagaanin 'yung loob ko dahil pilit nilang pinapakita na hindi sila apektado sa mga nangyari.

"Damn, we had an idea that you were famous but I didn't knew you were 'that' famous." Hindi makapaniwalaang saad ni Donny kaya nagtaka ako sa sinabi niya.

"Idea?" Pag-uulit ko.

"Malamang alam namin. Hindi naman kami tanga?" Sambit ni Edward. Mas lalo akong nanlamig sa tono ng pananalita niya. I could tell that he's mad and I would be too, if I was in his place.

"Sinabi ni Kuya Robi sa amin lahat ng tungkol sa'yo. Pinabantayan ka niya sa amin at siya na daw ang bahala para hindi ka mahanap ng management mo." Pagpapaliwanag ni Shar.

That was when it dawned on me. Kaya naman pala ni-minsan hindi nila ako tinanong kung bakit ako nandito. They knew all along.

"Totoo ba 'yung mga sinasabi nila?" Walang kaemo-emosyon na sambit ni Blythe dahilan para mabalot ulit ng katahamikin 'yung paligid.

Parang nag-echo na naman sa tenga ko lahat ng mga tanong na binato sa akin nung mga reporter kanina. Naikuyom ko nang mariin 'yung mga kamay kong hindi pa rin matigil sa panginginig.

"I'm sorry.."

Iyon lang ang tangi kong nasabi sa kanila. Ang dami ko pang gustong sabihin pero hindi ko mahanap 'yung mga tamang salita na gagamitin. Namalayan ko na lang na nag-uunahan na pala sa pagtulo 'yung mga luha ko habang paulit-ulit akong humihingi ng tawad sa kanilang lahat.

Naramdaman ko 'yung pagyakap at pag-alo sa akin ni Shar.

"We're all tired, I think we should get some rest. Pagpabukas na lang natin 'to." Suhestyon ni Donny bago tuluyang umalis at isa-isa na rin naman silang nagsunuran.

Nung aayain na sana ako nila Chin at Shar, nagpaiwan muna ako at sinabing susunuod na lang ako sa kanila maya-maya. Hindi pa rin matigil 'yung pagbagsak ng mga luha ko. Sobrang bigat ng pakiramdam ko, parang binabawi sa akin lahat ng kasiyahan na naranasan ko simula nung tumuloy ako dito sa Hillcrest.

LeavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon