Chapter Three: Roots

288 22 4
                                        

CHAPTER THREE

Isa si kuya Robi sa mga taong pinagkakatiwalaan ko. Siya 'yung kauna-unahang naging kaibigan ko simula nung nag-umpisa akong magperform sa isang talent campsite sa Baguio. Kilalang-kilala ko siya at alam kong hindi coincidence lang ang pagkikita namin dito.

"Kuya Robs, akala ko next month pa balik mo dito? Bakit napaaga yata?" Pagtataka ni Edward.

"May dinaanan lang ako dito." Sagot niya, sabay tingin sa akin.

Dahilan para mapatingin din si Edward sa gawi ko. Sabi ko na nga ba, eh. Nasa loob pa rin kasi ako ng sasakyan hanggang ngayon.

"Maymay, ayos lang 'yan nastarstruck din ako nung una kong makita si Kuya Robi pero halika na dito!"

Humugot muna ako ng lakas bago bumaba sa sasakyan at lumapit sa kanila.

"Maymay, ah?" Nakangising sabi ni Kuya Robi nung makalapit ako, alam kong nang-aasar lang siya ngayon dahil sa pangalan na sinabi ko kay Edward.

"Oo, magvovolunteer din daw siya dito kasi wala siyang matutuluyan." Pagpapaliwanag ni Edward na walang kaalam-alam sa pangyayari ngayon.

Lalong lumawak 'yung ngisi ni kuya Robi. "Ay, talaga ba, Maymay? Magvovolunteer ka dito?"

Sa normal na sitwasyon, hindi naman talaga ako mabilis mapikon pero parang ngayon gusto ko na lang suntukin si Kuya Robi sa dibdib. Tanging tango lang ang naisagot ko.

"Nice!"

Naghihintay pa ako ng kasunod niyang sasabihin kasi ihinahanda ko na 'yung sarili ko na ilaglag niya ako kay Edward at isama na ako pabalik sa Maynila.. pero wala. Nakangisi lang siya.

"Oh ano, tara muna sa loob? Para makilala mo din 'yung iba." 

Nauna na silang maglakad papasok pero hindi pa rin maprocess ng utak ko.

So, hindi niya ako pinapabalik? Hahayaan niya muna ako dito? Hindi ko maintindihan.

Pagkapasok sa loob sumalubong sa amin 'yung isang maliit na stage at iba't-ibang klase ng mga instrumentong pangtugtog. Wala 'yung mga bata pero may mangilan-ngilang staff at volunteers na nag-aayos.

Nabigla na lang ako nung may dalawang babaeng lumapit sa akin. Sobrang pretty nila pareho. They both have long hairs, 'yung isa singkit tapos 'yung isa bilugan ang mata.

"Hi ate! I'm Francine po, call me Chin na lang." Masiglang bati nung singkit na girl.

"Hi, ako si Maymay." Inabot ko 'yung kamay ko para sa handshake sana pero bigla niya akong hinila at niyakap ng mahigpit.

I am so shocked pero I felt so soft at the same time. She is too sweet.

I glanced at the other girl beside her. Ngumiti lang siya ng tipid, then she immediately walked away.

"She's Blythe mukha lang siyang masungit pero mabait po 'yan." Bulong ni Chin.

In which I truly understand. Lahat naman ng tao may tinatagong softness, eh. Kahit anong taray o suplada ka pa. I've learned from showbiz na no matter how hard you try to conceal your true color, it will always show.

Someday, they will know about my secret as well. Speaking of.. Napansin kong hindi na kasama ni Edward si Kuya Robi kaya nagpaalam muna ako kay Chin. I needed to know why he's here.

Nakita ko siya sa may counter at nagtitimpla ng kape. Nakita niya akong paparating kaya ngumisi na naman siya.

"Uy, Maymayy! Coffee, gusto mo?" He teased, intentionally dragging the 'y' in my name.

Hindi talaga ako 'yung tipong nagpapaligoyligoy pa kaya diniretso ko na siya.

"What really brought you here?"

Pero siyempre tinawanan niya lang ako. "Chill ka lang, alam mo kapag palagi kang ganyan tatanda kang maaga."

"Kuya kasi!" Pangungulit ko sa kaniya na may kasamang hampas. Kanina pa ako nagtitimpi na hampasin siya, eh.

"Aray naman! Okay, okay eto na." He threw his hands in the air. "Pero seryoso kasi chill ka lang." Kinuha niya 'yung baso niya ng kape at sumandal siya sa bar counter.

"Obviously pumunta ako dito kasi concerned ako sa'yo. Bigla-bigla ka na lang nawala after nung concert mo. Kinukulit ako ng management dahil sa'yo."

"Pero paano mo nalamang nandito ako?"

"Sino ba nagsabi sa'yo ng lugar na 'to?" He asked as a matter of factly.

"Sinabi sa'yo ni Ate Kath?" Nangako siya sa akin na hindi niya sasabihin kahit kanino. Tinulungan niya pa ako makabili ng ticket sa ferry. Hindi ako makapaniwala.

"Don't worry, walang nagsabi sa management kung nasaan ka. Ako ang kumausap sa kanila at nakipagkasundo. Kaya pasalamat ka, kung hindi dahil sa akin nahaunting ka na ng NBI ngayon." Pagmamayabang niya.

I felt my heart melt. I don't deserve to have good friends like them that will always have my back no matter what. "Thank you, kuya. Thank you talaga." I look up because I know my tears will fall any moment now.

"By the way, hindi lang 'yon.." He fished out a phone from the pocket of sweater. Then, he handed it to me. "Use this to contact us. Lalo na si Tita Lorna, she's really worried."

Doon na nga tumulo ang luha ko. I felt really guilty that I almost forgot about her. It feels like my heart is burning. I know that she's been thinking about me everyday of her life. I'm sorry, ma.

"Marydale, nakipagkasundo lang ako sa management para bigyan ka ng break. They said, exactly three months. That means, you should go back with me after the Talent Camp Festival."

Napatango na lang ako habang nagbabagsakan 'yung luha ko. It's three months or nothing.

Dahil nakatungo ako, naramdaman ko na lang na nilipat sa'kin ni Kuya Robi 'yung cap na suot niya. He placed his hand above my head. "All will be alright in time."

Kuya Robi's words gave me encouragment and I will hold on to that.

Edward came in right after Kuya Robi left.

"Anong nangyari? Ayos ka lang?" Tanong niya na halata talagang nag-alala kasi halos magsalubong na 'yung kilay niya.

I genuinely smiled because of that.

"Magiging maayos din." Sagot ko.

END OF CHAPTER THREE

LeavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon