Chapter Fourteen
"Bro, makinig ka kasi sa sinasabi ko. Bakit ba ayaw mong seryosohin? Ano, isang malaking joke lang ba sa'yo 'tong lahat?" Nangibabaw 'yung malamig na boses ni Donny sa buong kwarto.
"Siniseryoso ko naman ah. Ikaw lang naman 'tong palaging mainit ang ulo." Parang naasar na rin na sagot ni Edward.
Halos nasa kanila 'yung atensyon ng karamihan. Ngayon lang kasi sila nag-talo nang ganito katindi, sa harap pa ng maraming tao.
"Kung inaayos mo kasi hindi na sana aabot sa ganito." Pikon na pikon na sabi ni Donny.
Sobrang lakas na nung kabog ng dibdib ko dahil sa namumuong tensyon sa pagitan nilang dalawa. Napatingin ako sa gawi ni Kyle at halos hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya.
"Bakit, akala mo ba madali lang? Ikaw na lang kaya gumawa. Magaling ka 'diba?" Maangas na sagot ni Edward.
Nagulat kami nung binato niya 'yung mga papel na sinusulatan niya sa direksyon ni Donny. Nung inambahan na ni Donny si Edward, napatayo na kami.
"Tama na nga 'yan!" Sigaw ni Shar habang hawak 'yung braso ni Donny.
"Magpahinga muna kayo, kanina pa mainit ulo niyo." Dagdag pa ni Sky.
Nilapitan ko si Chin dahil hindi siya mapakali, alam kong hindi rin siya sanay sa mga ganitong bagay. Kabaligtaran naman ni Blythe na walang kahit ni-anong reaksyon.
Sa kabila nang pag-awat ng lahat hindi pa rin nagpatinag 'yung dalawa sa sigawan at ambahan.
"Hoy, ano ba! Para kayong mga bata!" Sigaw na ni Kyle habang pumagitna sa dalawang tinuturing niya na rin na Kuya. Hindi ako makapaniwala na mangiyak-ngiyak na siya ngayon sa nasaksihan.
Tsaka lang natigilan 'yung dalawa.
Magsasalita pa sana si Kyle nung bigla na lang namatay 'yung ilaw at dumilim 'yung paligid. Maya-maya tanging ilaw na lang ng kandila ang nagsisilbing liwanag.
"Happy birthday to you, happy birthday to you.." Nagsimula na kaming kumanta maliban kay Kyle. Napasigaw siyang muli pero napalitan na 'yung galit niya ng pagkaasar. Parang umatras 'yung namumuong luha niya dahil sa malawak niyang ngiti.
Nung matapos na 'yung kanta, hinipan niya na 'yung kandila at lumiwanag na ulit 'yung paligid.
"Grabe! Sabi ko na prank eh!" Hiyaw ni Kyle,
"Oh, eh bakit parang iiyak ka na?" Pang-aasar ni Chin, inungusan lang siya ni Kyle pero hindi niya magawamg tumanggi kasi obvious naman talaga.
"Akala ko talaga magfe-fail na eh para ba naman kasi magjowa mag-away 'tong dalawang 'to. Mga hindi marunong umarte eh." Nagtawanan ang lahat maliban kila Donny at Edward na mukhang na-offend sa pasaring ni Shar.
"Tapos 'eto pang si Blythe wala ka-reareaksyon." Dagdag ko pa dahilan para irapan ako ni Blythe.
"Kyle, bro peace tayo ha." Sambit na lang ni Donny at lalapit na sana kay Kyle pero lumayo ito.
"H'wag mo akong mabro-bro. Nakakainis kayo." aniya pero hindi mawala-wala 'yung ngiti sa mukha niya.
"Nako, nagtampo na baby boy!" Pang-aasar ni Sky.
Akmang aakbayan rin sana ni Edward si Kyle pero umatras din ito papalayo.
"Alam niyo dapat ginagawa sa inyo?" Pagbabanta ni Kyle dahilan para sila naman ang umatras.
Dumukot kasi ito sa icing at akmang ipapahid sa dalawa. Naghabulan silang tatlo na parang mga bata. Hindi mahabol ni Kyle sila Edward kaya ipinihid niya na lang 'to sa pisngi ni Chin at Sky dahil sila ang pinakamalapit.
BINABASA MO ANG
Leaves
FanficMarydale grew up surrounded by blinding lights and flashing cameras. There is no person left in the country that hasn't heard of her name. She has the fame and the fortune that every teenager are dying to have. All of her fans might have been thinki...
