CHAPTER EIGHT
The first performance of the camp has been fantastic.
Natulog muna ako pagkatapos namin mabuo 'yung sayaw tapos kinabukasan tinuro na kaagad namin ni Edward sa mga dancers. Hindi naman masiyadong komplikado 'yung mga steps kaya madali nilang nakabisado. At si Blythe din ang pumalit muna sa spot ni Francine.
As expected, may mga bigatin na guests na umattend. Lola Remy came, 'yung may-ari ng camp. Ibang-iba talaga sa iniisip kong masungit at untouchable. She seemed so bubbly and friendly because she's all smiles while greeting everyone.
"Ate, tignan mo." Pagkuha ni Francine nung atensyon ko, sinundan ko 'yung direksyon na tinuturo niya.
Sunod sunod kasing dumating 'yung mga lalaking bisita. May sinusundan silang isang lalaki na matangkad, I think he's in his late 40's. Halos lahat sila nakaformal attire. Unang tingin pa lang, alam ko na kaagad na nakakataas 'yung posisyon nila.
"Mga konsehal sila ng Hillcrest tapos 'yung sinusundan naman nila si Mayor.." Paglilinaw sa akin ni Francine.
Sabi ko na, eh. Pero ang hindi ko inasahan 'yung sunod niyang sinabi.
"Anak ni mayor si kuya Edward."
"Ha?!" Napataas 'yung boses ko sa gulat.
I don't want to believe it at first pero tinignan kong maigi 'yung mukha ni Mayor at napansin ko 'yung pagiging magkamukha nila ni Edward.
Naniwala lang ako nang tuluyan nung lumapit na din si Edward sa Mayor na tinutukoy ni Francine at halata 'yung pagiging tense niya habang nag-uusap sila.
Then, I tried to put the puzzle pieces together. Kaya pala sobrang dedicated niya sa mga performances kasi manunuod 'yung tatay niya. Which I truly understand because just like every child, he wanted his dad to be proud of him.
Ginanap 'yung event sa mismong camp. Hindi ko inexpect na kilala pala 'yung talent camp na 'to sa Hillcrest kasi maraming tao 'yung pumunta para manuod. Halos mapuno 'yung mga monoblock na nakaset sa may field.
Maigi na rin pala 'yung desisyon ko na h'wag munang sumali sa mismong performance. As much as possible I don't want any attention on me. Kaya tumulong na lang ako sa backstage at sa props team.
Bago magsimula 'yung mismong program, nagspeech muna si Lola Remy. She talked about the history of the camp and its legacy. Ang dami ko rin nalaman.
Parang naging tradition na pala ng Hillcrest ang camp na ito. Twenty years na simula nung unang mabuo 'yung camp. Ang tagal na din pala? Three years old pa lang ako nun.
Napansin daw ni Lola Remy na nagsisilipatan na sa siyudad 'yung mga pamilyang nakatira dito. Nagsimula nang mag-alisan 'yung mga tao para magtrabaho sa Maynila kasi mahina 'yung pangkabuhayan dito sa isla. Naiiwan lang 'yung mga bata at matatanda.
Naging tahimik at malungkot 'yung summer ng mga tao sa Hillcrest.
Kaya naisipan niyang gumawa ng talent campsite.
Naniniwala daw siyang maraming talented na mga kabataan ang naninirahan dito. Gusto din daw niyang makahanap ng pamilya 'yung mga kabataan, lalo na 'yung mga naiwan sa kanilang mga tahanan habang nagtatrabaho 'yung mga magulang nila sa malayo.
Ngayon ko lang nalaman 'yung kwento sa likod ng camp at sobrang natouch ako nung marinig ko 'yun. Kasi kahit sandali pa lang ako namamalagi dito, parang nakahanap na ako ng panibagong pamilya sa mga kaibigan na nakilala ko.
Nilibot ko 'yung tingin ko sa mga manunuod at halos puro mga matatanda 'yung mga pumunta. Napangiti ako nung maisip ko na siguro sumali din sila sa campsite na 'to nuon at nakahanap din sila ng pamilya.

BINABASA MO ANG
Leaves
FanfictionMarydale grew up surrounded by blinding lights and flashing cameras. There is no person left in the country that hasn't heard of her name. She has the fame and the fortune that every teenager are dying to have. All of her fans might have been thinki...