Chapter Eighteen
Kanina pa lumilipad 'yung utak ko at kung ano-anong senaryo na tumatakbo sa isip ko.
Pareho kaming naka-upo ni Marcus sa loob ng office ni Mr. E at hinihintay na matapos 'yung meeting niya. Hindi na pala namin kailangan gumawa ng paraan para maka-usap siya kasi kailangan din daw niya kaming kausapin.
Hindi ako mapakali kasi kinakabahan ako sa kung ano na naman ang sasabihin niya.
"Okay ka lang? Namumutla ka." Natauhan ako nung magsalita si Marcus.
Tumango lang ako sa kaniya dahil nagawa niya pang mag-alala sa akin kahit na namumutla na rin siya.
Napagod na rin akong magalit sa kaniya dahil alam kong pareho lang kami ng sitwasyon. Pareho lang kaming nagiging duwag at sunud-sunuran pagdating sa tatay niya.
Sabay kaming napatayo nung bumukas na 'yung pintuan at bumungad sa amin ang tila matandang bersyon ni Marcus. Matikas at strikto ang tindig. Sa loob ng ilang taong pagtatrabaho ko sa kaniya, nababasa kong good mood siya ngayon kahit wala siyang emosyong ipinapakita.
Pero hindi pa rin sapat 'yon para mawala 'yung kaba ko.
"You're here." Walang kabuhay-buhay niyang bati sa amin habang naupo sa swivel chair niya. Parang lalong lumamig sa office niya dahil sa prisensiya niya at sa tono ng pananalita niya.
Kaagad naman kaming naupong muli ni Marcus nung itinuro niya 'yung upuan namin.
"Did you enjoy your little trip?" Sarkastikong tanong niya sabay tango sa direksyon ko.
Napalunok ako nung sa akin niya kaagad itinuon ang atensiyon niya. Alam kong galit siya sa akin. I am too, but I know well enough that my anger will don't do me any good. So, I just did what I do best—I suppress my emotions.
I pressed my lips together as I nodded slowly. Even if I was badly shaking, I still kept my eyes locked on his. Ayaw niya sa lahat ang umiiwas ng tingin kapag kinakausap siya.
"You should know that you caused me a lot of trouble and fortune, young lady."
Umiling-iling siya habang nakatingin sa akin. Aware ako na ang dami kong events na napurnada. Meet-and-greets, mall tours, interviews, nakaset na lahat ng iyon nung nakaraang tatlong buwan pa bago ako umalis.
I was just surprised to see that he's more calm that I expect him to be. Right then, I remember why. Nanatiling tahimik si Marcus sa tabi ko. I breathed deeply and mustered all the courage that's left in me.
"Sir, alam ko po 'yon. I'm more than ready to face the consequences of my actions. Just please, can you please stop those rumors?"
Bigla na lang tumawa si Mr. E. Hindi dahil natatawa siya sa akin kung hindi naiinsulto siya sa sinabi ko. I could feel Marcus tensed up beside me.
"Why? Just let them be! Actually, that's the perfect damage control for your situation. Rumors are just rumors, they would die down as time goes by. Hangga't matunog ang pangalan mo sa publiko, you have nothing to worry about."
Naikuyom ko ang mga kamao ko sa ilalim ng lamesa pero pinilit ko pa ring maging blanko ang ekspresiyon sa mukha ko. I really couldn't believe him and his blatant schemes! Nung una, may ideya na ako na siya ang may pasimuno ng pagkalat ng mga iyon. Pero dahil sa sinabi niya, kinumpirma niya lang na nakakasuka talaga siyang tao.
Paano niya nagagawang sabihin 'yon na parang wala lang? Parang hindi kami tao at parang wala kaming nararamdaman?
"Nag-alala lang ako dahil baka kung anong isipin ng pamilya ko—" He cut me off.
BINABASA MO ANG
Leaves
FanfictionMarydale grew up surrounded by blinding lights and flashing cameras. There is no person left in the country that hasn't heard of her name. She has the fame and the fortune that every teenager are dying to have. All of her fans might have been thinki...
