Chapter Seventeen: Balik-balikan

191 19 2
                                    

Chapter Seventeen

3 months ago

Huminto na ako sa pagtipa sa gitarang hawak ko at natapos na rin 'yung kanta. Nakakasilaw man 'yung mga ilaw na nakapaligid sa akin sinubukan ko pa ring ipakita sa kanila 'yung pinakamatamis kong ngiti. Nabalot ng malalakas na hiyawan at palakpakan 'yung buong stadium nung nagsimula na rin bumuhos ang makukulay at makikintab na confetti.

Hinahabol ko ngayon 'yung hininga ko. It was my first stadium concert after long years of my showbiz career. Some people might say that it was my peak. I should feel that cloud nine feeling because finally, I succeed. All of my hardworks paid off. I have the recognition that I deserve.

Then, why can't I feel anything?

Para akong bato sa gitna ng entamblado lalo na nung lumabas na si Marcus mula sa backstage. Halos mawalan na ako ng pandinig dahil lalong lumakas 'yung hiyawan ng mga tao. Hindi nila inaasahan na lalabas si Marcus.

Nagsalita ito sa micropono at nagbanggit ng mga matatamis na salita patungkol sa akin at sa relasyon namin. Halos maglilimang taon na rin kami sa mata ng ibang tao. Pumapasok sa isang tenga ko 'yung mga sinasabi niya pero lumalabas kaagad sa kabila. Alam ko naman kasing secretary ng tatay niya ang nagsulat ng speech na 'yon at kinabisado lang niya.

Nung matapos na siya magsalita, yumanig ng malakas 'yung buong lugar nung bigla na lamang lumuhod si Marcus sa harapan ko hawak ang isang maliit na kahon na may diyamante.

"Marydale, will you marry me?" Tanong niya.

I spent so many years faking emotions as my job. Sometimes I even put it into words and sing it in front of hundreds and thousands of people. I was an actress, a professional liar. Kung alam lang ng lahat na hindi ako pinapatulog ng konsensiya ko sa gabi.

Gustong-gusto ko na talagang aminin sa lahat ang katotohanan. Pero pilit kong inalala 'yung dahilan kung bakit mayroon ako ng lahat ng bagay na tinatamasa ko ngayon at kung paano nagkaroon ng masaganang buhay ang pamilya ko.

Lalo na ngayon at nakasalalay ang operasyon ng kuya ko sa kung anong isasagot ko.

Napatingin ako sa front row kung saan nakaupo 'run si Ernesto Custudio, ang tatay ni Marcus at ang may-ari ng management na humahawak sa akin. Nakakunot ang noo niya at pawang hindi natutuwa na hindi pa ako nagsasalita.

Tumingin akong muli kay Marcus at sinambit ang salitang makakapagligtas sa buhay ng kuya ko.

"Yes."

Niyakap niya ako at naghiwayang muli ang mga tao.

This time, I hope someone could see the sadness through my tears and save me from my eternal damnation.

-

Nagising na lang ako at basang-basa na 'yung unan ko. Kahit pala sa pagtulog ko ay umiiyak ako. Hinihintay ko na lang talaga na maubusan ako ng tubig sa katawan.

Hindi ko pa rin magawang bumangon dahil parang binibiyak 'yung ulo ko sa sobrang sakit. Akala ko makakabawi ako ng lakas kapag natulog na ako pero lalo lang lumala 'yung pagkalupaypay ng katawan ko.

Inilibot ko 'yung tingin sa kwarto. Sobrang hapdi at bigat ng mga talukap ng mga mata ko.

Naninibago pa rin ako na wala ako sa itaas ng double deck ng cabin. Wala rin 'yung malakas na boses ni Sharlene para bulabugin ako at 'yung matamis na pagbati ni Chin ng good morning. Sa halip, puro puti lang ang nakikita ko. Kahit ang condo unit ko, walang kabuhay-buhay.

LeavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon